Chapter Five

38 13 1
                                    

Krzyl's POV

Nu'ng tumawag si Mom sa akin ay akala ko ipapadrop-off niya ang engagement namin ng lalaking 'yun.

Pero expectation versus reality nga naman, tumawag pala siya dahil sinabing puntahan ko daw ang 'future husband' ko dahil naglasing sabi ng kaibigan niya at walang magbabantay sa kan'ya.

Tatanggihan ko sana siya kaso binlockmail ako ni Mama na kung hindi ko raw siya pupuntahan ay hindi daw siya magdadalawang-isip na painumin kami ng sex pills na wine-diluted ni Lawrence at ikukulong sa isang kwarto para makabuo ng baby dahil excited na siyang magka-apo. Hanep talaga si Mama.

Kasalukuyan kong tinititigan ang mukha ni Lawrence na himbing ang tulog.

"Napansin ko lang. Ang ganda ng kilay mo pati eyelashes. Ang ilong mo ang tangos. At ang labi mo ang pula. Naninigarilyo ka ba? Ay, oo nga pala. Magkapatid si alak at sigarilyo." Tanong ko sa kaniya na as if naman na maririnig niya ngunit nagkamali pala ako.

Akala ko tulog siya pero bigla siyang bumangon at lumapit sa mukha ko.

Natigilan ako at nagulat in the same time.

'3 inches... Malapit na. 2 inches...' Sabi ko sa sarili ko.

"I don't smoke." Sabi niya na ikinabigla ko kaya nahulog ako sa kinauupuan ko.

"Aray! Ang sakit ng pwetan ko." Sabi ko habang himas ang balakang ko.

"Aish. Stupidity." Mahina niyang sabi at binuhat ako para iupo sa sofa. Magugulat sana ako kaso nawala ito nang ibinagsak niya akong ilagay sa sofa.

"Aray ko naman! Ba't mo ko ibinagsak?!" Galit kong sigaw.

"Nabigatan kasi ako sa'yo."

"Che! Bwisit!"

"I heard all your complaints and your praises for me. " Nakangisi niyang sabi.

Putek! Kailangan ko ng topic!

"Ayy! 'Yung niluluto ko!" Sigaw ko at tumakbo papuntang kitchen niya. Hoo! Muntikan na 'yun.

May nakita kasi akong Nissin Ramen sa cabinet niya kanina kaya kumuha ako ng tatlo at niluto. Buti na lang marami siyang stock sa cupboard niya.

Tinignan ko ito at sakto lang ang pagkaluto nito. Kinuha ko ito sa stove at inilagay sa isang malaking bowl.

"Lawrence! Kain na! Nagluto ako ng ramen oh!" Tawag ko sa kaniya ngunit walang response mula sa kaniya.

"Lawrence!?"

Hayst. Bwisit, kailangan ko pa talaga siya akyatin sa kuwarto niya!?!

No choice...

"LAWRENCE!" Malakas kong sigaw. Ayoko siyang akyatin! Ano siya sinuswerte!?

"What?! Ang ingay mo naman!"

Nagulat ako nang lumabas siya na nakatapis lang kaya pumikit ako.

"Aaaahhhhh!"

Bwisit! Bwisit ka!

My innocent eyes! Huwag kang matutukso sa mga pandesal!

***

After naming kumain ay nagrambulan kami. Joke lang! Nanunuod ako ng TV ngayon sa sala niya habang siya ay may kinuha sa room niya.

Pagbalik niya ay may hawak siya na isang kahoy. Parang piano pero may strings ito na 11 at iba-iba ang placement ng stopper guro... Ah basta.

"Ano 'yan?" Tanong ko. Pero patay malisya muna siya at in-off ang TV. Then umupo siya sa sahig na pa-indian seat.

My Youth With YouWhere stories live. Discover now