Chapter Thirteen

19 8 0
                                    

Lawrence's POV

Umuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga. I need to know about my childhood. It keeps me bugging all the time.

Pagkababa ko galing kwarto ay sinalubong ko muna si Mom sa kaniyang kwarto.

"Oh Lawrence? Bakit ka umuwi? Any problems, anak?" Bungad niya. Umiling ako.

"No Mom. I just want to know about my childhood." Nabigla siya sa sagot ko. "I'm not going to school this week." Dagdag ko.

"Pero paano ang classes mo? Maaabutan mo ba?" Tanong niya muli. Tumango ako kaya napabuntong hininga siya. "Fine. Mag-aayos lang ako. Tanungin mo muna si manang. Marami rin siyang alam sa childhood mo." Aniya at pumasok sa kwarto niya.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig sa dispenser.

Habang ako'y umiinom ay may narinig akong busina ng kotse at pagkatapos ay isang doorbell sa gate. Inilapag ko ang baso at pumunta sa pintuan.

"Who's there?" Salita ko sa speaker. Matagal pa bago ako nakatanggap ng sagot.

"S-Si Krzyl 'to."

Binuksan ko ang pintuan at tinungo ang gate at binuksan rin iyon.

"Hoy hindi ka ba papa-- aaahhhhh!!!" Sigaw niya at napatakip ng mukha. Kumunot ang noo ko sa inasal niya.

"What?"

"Eh-Eh... Nakatopless ka!!!" Sigaw niya sa mukha ko. Napatingin ako sa katawan ko at sa kaniya. Actually naka sando lang talaga ako. Ngumisi ako at niyakap siya para asarin.

"Just tell me if you want a hug. I'll give you one." I whispered her. Pinagpapalo niya ang likod ko ng malakas. "Ahh! Tama na, masakit!"

Ngunit hindi niya pa rin ako tinigilan kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya.

"Ahh! Oo na! Oo na! Titigil na ako! Malelate na kami!" Sigaw niya. I scoffed.

"Lawrence? Si Krzyl ba 'yan?" Natigilan kaming dalawa nang narinig ko ang boses ni Mom.

"Ahh g-good morning po, t-tita." Bati ni Krzyl na nauutal. Tumango si Mom at binalingan ako ng tingin.

"Ba't hindi mo sinabing dadalaw ang fiancee mo, Lawrence?" Tanong niya.

"Ma, hindi siya dumadalaw. Sinusundo ko sila sa school. Atsaka hindi kami magfiancee."

"Oh ba't ka pa hindi nagbihis? Magbihis ka! Atsaka du'n rin ang bagsak ninyo!" Sigaw niya sa akin.

"But Ma, hindi nga ako papasok ngayon. And besides, pinapasundo ko sila kay Dylan."

"Hi po tita!" Bati ni Dylan na kakalabas lang ng kotse. Sumunod naman ang dalawang kaibigan ni Krzyl.

"Hi rin po tita!" Bati ng dalawa.

"Papasok na ba kayo?" Tanong ni Mom.

"Opo tita." Sagot ni Dylan. "Sadyang meron lang pong naglalandian dito kanina tita kaya malelate kami." Nakangisi niyang sabi. I just scoffed.

"Oh siya, pumasok na kayo sa university. Malelate na talaga kayo. Ingat kayo ah? At ikaw rin Krzyl, ingat. Pakakasalan mo pa anak ko, hindi ba Lawrence?"

"Ma!" Pagpapatigil ko sa kaniya.

"Hahaha! Sige na anak, atsaka Mom na rin itawag mo sa akin." Sabi niya kay Krzyl at kumindat. Bumalik siya sa loob.

Isa-isa na silang pumasok sa loob at kumaway sa akin kaya tumango ako.

Pagkaalis nila ay pumasok na ako sa loob at saktong nakita ko si manang.

My Youth With YouWhere stories live. Discover now