Chapter Thirty-three

32 7 2
                                    

Tinext ko sina Seirra na sa fountain na lang nila ako hintayin. Habang naglalakad ako ay naiisip ko ang nangyari kanina, inalis ko agad sa utak ko ang nangyari.

Stop thinking, Krzyl. Nagmamagandang-loob lang 'yung tao. Huwag mo nang lagyan ng malisya.

Napabuga ako ng hangin at binalik sa bag ko ang phone.

"You left this."

"You left this."

Argh! Tama na!

"Krzyl!" Napalingon ako sa pinagmulan ng sigaw at nakita si Seven na kinamayan ako na lumapit. Paglapit ko ay nabigla ako nang pinalo niya ang braso ko kaya napasinghal ako sa sakit.

"Aww! Bakit mo ko pinalo?!"

"Ikaw kasi! Nauna na kami du'n pero dahil sa'yo mahuhuli na tayong dalawa!" Sigaw niya sa akin, "saan ka pala pumunta? Bakit namumula ang mga mata mo?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa college department ng university.

Agad-agad kong tinakpan ang mga mata. "A-Ahh wala 'to. Napuwing lang ako kanina." Pagdadahilan ko.

"Manloloko, umiyak ka ano?"

"Hindi!"

"Hindi mo ako mauuto Krzyl. Walang taong napupuwing ng sabay sa dalawang mata. Sabihin mo nga sa akin, may nangyari ba ha?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim at tinanggal ang pagkakatabon sa mata ko. Mukhang hindi ko nga siya maloloko.

"Ehh ano kasi... Nagkita kami." Napalingon siya sa akin.

"Sinong siya?"

"S-Si Lawrence." Kumunot ang noo niya sa sandaling narinig niya ang pangalan ni Lawrence.

"Lawrence? As in Lawrence Xiao? 'Yung ex-boyfriend mo-- aww!" Nanlaki ang mata ko at kinurot ang tagiliran niya, "sorry sorry, nadala lang ako. Nandito siya? Akala ko ba nagrerecover pa siya?" Nagtataka niyang tanong. 

"Akala ko nga rin eh. Kasama niya ang parents niya at kinausap and dean natin."

"Nandu'n rin ang parents niya?! Tapos nag-usap kayo?"

"Oo. Nag-usap kami ni auntie, gusto niya na ibalik ko ang alala ni Lawrence." Pagkatapos kong magsalita ay huminto siya sa paglakad at hinarap ako.

"Pumayag ka?" Tanong niyo at tumango ako bilang sagot.

"Okay lang ba sa'yo?" Tinignan niya ako na bakas sa mukha ang pag-aalala niya.

"Ano ka ba, kinausap ko ang sarili ko na kakayanin ko."

"Sigurado ka bang hindi ka na iiyak?" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

"Promise. Huwag na kayong mag-alala, kaya ko na 'to." Ngumiti ako, "halika na nga, baka mahuli pa tayo." Nauna na akong naglakad pabalik kina Seirra.

Oo nga pala, bakit wala si Seirra?

"Seven ba't wala si Seirra?" Tanong ko sa kan'ya.

"Tinatamad na raw siya kaya nagpaiwan na lang siya."

Tignan mo ang babaeng 'yun.

***

Nakapila na kami sa labas ng college department. Pagdating namin kanina ay mahaba na ang pila. Sina Seirra nasa loob na at nauna, sabi niya isisingit niya kami pero tumanggi na lang kami para walang gulo. Nasa pinakadulo ako ng linya at mukhang walang tao na ang susunod sa akin. 

"Krzyl ipayong mo 'to oh, ang init d'yan sa labas eh." Inabutan ako ng folder ni Seven. Alas-nuwebe na ng umaga pero parang tanghaling tapat na ang init.

My Youth With YouWhere stories live. Discover now