Chapter Thirty-nine

26 5 0
                                    

"Saan kayo bukas?" Tanong ni Seirra sa amin. Nasa sofa kaming tatlo at kumakain ng fries na niluto ni Vincent bago lang, "may naisip na ba kayo kung anong kukuning clubs bukas?"

"Nakita ko sa listahan na may photography club kaya 'yun ang aapplyan ko. Ikaw Seven?" Sagot ko at kumuha ng fries.

"Kailangan ba talaga kumuha ng clubs?"

"Hindi kumpleto ang college life mo kapag wala kang sinalihan."

"I don't care. Nand'yan naman si Dylan eh. Kumpleto na ang college ko basta nand'yan siya." Nakangiti niyang wika, inirapan siya ng Seirra at kukuha sana ng fries sa bowl pero naubos na.

"Ubos na. Baka may bagong luto na sila du'n." Wika ko sa kan'ya kaya tumayo siya, dala ang bowl papuntang kusina. Tinignan namin siya at nakitang lumabas si Vincent.

"Ubos na?"

"Hindi puno pa." Napahagikhik kaming dalawa ni Seven sa kanilang dalawa. Tumaas ang kanang kilay ni Vincent sa kan'ya.

"I just fried for three minutes. Grinder ba 'yang mga tiyan ninyo?" Kinuha niya ang bowl at pumasok ulit sa loob.

"Tignan mo nga ang dalawang mag-jowa. Wala man lang ka-sweetness sa katawan." Sabi ni Seven sa akin.

"Kayo na 'yung sweet." Inirapan ko siya at umupo ng maayos. Sweet nga silang dalawa ni Dylan. Walang araw na hindi ko sila nakikitang sweet. Pati sa cafeteria ba naman du'n din maglalandian.

"Siya nga pala, napansin kong hindi ka sumabay sa amin kahapon at kanina sa lunch. Iniiwasan mo ba si Lawrence?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ah. May... May after-class meeting lang ako kaya hindi ako nakakasabay sa inyo." Pagdadahilan ko. Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa after-class meeting namin dahil naiiwasan ko si Lawrence sa lunch. Hindi ko pa kayang makita siya. Hindi pa umaalis sa isipan ko nu'ng sinambit niya ang pangalan ko.

"Ahh oo nga, nasambit mo nung Martes." Kinuha niya ang remote at iniba ang channel. Mukhang hindi siya nagtataka kaya binaling ko ang tingin ko sa TV.

***

Alas-otso ng umaga nang marating namin ang campus at punong puno na ang main park ng mga booths ng iba't ibang clubs ng Xinnazi.

"Teka muna. Mauna na kayo, pupunta muna akong CR." Pagpaalam ko sa kanila. Tumango sila at sinabing mauuna na sa club na aapplyan ni Seirra.

Pagkatapos kong mag-CR ay hinugasan ko ang kamay ko at pinatuyo bago lumabas. Paglabas ko ay tinawagan ko si Seirra habang naglalakad ng mabagal.

"Seirra tapos na ako, saan na kayo?"

(Nasa kiosk kami malapit sa acacia dito.)

"Okay. Maghintay lang kayo d'yan." Binaba ko na ang tawag at binalik sa bag ang phone ko. Tumingin ako sa hallway nang nakita ko si Lawrence na papunta sa direksyon ko. Para akong nabuhusan ng tubig at naistatwa sa kinatatayuan ko. Binalingan niya ako ng tingin kaya nataranta ako at bumalik sa loob ng CR. Ni-lock ko ang pintuan at nagtago sa likod nito.

"Bakit ngayon pa? Hayst!"

"Hey, are you there?" Wika ni Lawrence mula sa labas at kinatok ang pinto.

"Bawal ka dito, sa kabila ang panlalaki."

"This is the men's restroom." Mabilis akong napatingin sa loob ng CR at nakitang mag urinals ang gilid nito. Mabilis pa sa alas-kwatro kong binuksan ang pintuan at lumabas, "have fun in there?" Nakangising sabi niya.

"Aalis na ako." Paalam ko sa kan'ya at tumakbo papalayo. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kung hindi ako umalis, baka tuluyan na akong mabaliw.

***

My Youth With YouWhere stories live. Discover now