Chapter Twenty-six

32 6 0
                                    

Seirra's POV

Halos isang oras na akong nakatunganga dito sa kwarto ni Peter ngunit hindi pa rin bumabalik ang kapatid niyang kumuha lang ng pagkain.

"Naiinip na ako ha. Ano ba ang binili ng Vincent na yon? Pang tindahan? Mag-iisang oras na pero hindi pa rin siya nakabalik." Pagsasalita ko sa hangin. Bumili lang siya ng prutas at pagkain namin ah, mahirap ba yon? Gaano ba siya katanda para ganito katagal bumalik?

Tinignan ko si Peter na nakahiga sa hospital bed. Puno ng galos at tahi ang katawan niya. May bandage rin siya na malaki sa ulo niya at nakacast ang buong braso niya. Naaawa ako sa lagay niya, pero pati na rin ang dalawa, dahil sa isang aksidente and nagkanda-leche na ang buhay namin. Ang imbes na masayang cruise ship tour sa Europe ay naging isang madugong pangyayari. We don't expect that this will happen, but I believe this is the test of our friendship, and love for each other.

Sa ngayon, papunta na ang mga magulang ni Peter na galing sa Palawan, at si Seven naman at si Lawrence ay dumating na ngunit hindi magkasabay. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakitang papasok si Vincent. Dala niya ang prutas na binili niya pero sa halip na masaya ako ay sinalubong ko siya ng mataray sa katagalan niya. Sinuklian naman niya ako ng kunot-noong reaksyon at inilapag ang dala nitong prutas at paperbag na ngayon ko lang nakita. Nagtaka ako kung para kanino at ano ang laman niyan. Baka sakin? Psshhh. Ano ba tong iniisip ko? Wag na nga tayo maging assuming, Seirra.

"Ano yan?" Tinanong ko siya at tinuro ang paperbag na dala niya. Inilabas niya ang laman nito at nakita kong ang isang malaking lalagyan ng McDo. Biglang lumiwanag ang mata ko at kumalam ang tiyan ko, "pagkain natin. Tinamad akong magluto dahil sa pagod kaya bumili nalang ako sa McDo." Aniya at binigay sa akin ang box ng McDo, tinignan ko ito at nakita na isang malaking chicken fillet na may kanin ang laman nito. Tinignan ko siya ulit ng may pagdududa, na ikinabalik ng reaksyon niya kanina. "Walang lason yan." Wika niya.

"Alam ko naman. Pero ba't walang gravy?" Tanong ko at pinakita ang laman nito. Tinabunan niya ang mukha niya sa hiya at mabilis na bumalik sa walang ekspresyong mukha niya. "Sorry, nakalimutan ko yata ang humingi. Kumakain ka naman siguro ng McDo na walang gravy?" Tumango na lang bilang sagot at  nagsimulang kumain. Buong araw na rin akong nasa ospital at nakalimutan kong kumain dahil sa pag-alala ko sa kanila. Mabuti't naisipan ng lalaking tong bigyan ako ng pagkain. Pagkatapos ko ay disnispose namin ang pinagkainan namin at bumalik sa dati naming ginagawa, ang pagbantay kay Peter.

"Hindi mo ba dadalawin ang mga kaibigan mo?" Biglang tanong ni Vincent na kasalukuyang nagbabasa ng libro. "Baka kailangan mo ng tulong dito. Mamaya na sila kapag gumising na si Pito." Kumuha ako ng mansanas sa tray ngunit pinalo niya ang kamay ko. "Para yan kay Peter." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa lang naman. Ang damot nito." Inis siyang napabuga ng hangin at sumenyas na kumuha, "fine, pero isa lang." Masaya kong kinuha ulit ang mansanas at kumain habang nagbabantay kay Peter.

***

Kasalukuyang chinecheck ng doktor si Seven sa kondisyon niya. Nang gumising si Peter ay saktong dumating ang yaya niya at bunso nila na si Avery, kaya dumiretso ako kay Seven. "Ms. Tan. Your condition is good.  You're ready to be discharged in a few days. Mr. Reyes, make sure your girlfriend eat on time, sleep earlier than 9 pm, and rest well to recover faster. Also stroll her around sometimes. I'll be leaving." Sabi ng doktor at umalis. Pumasok naman ang isang nurse at nagbigay ng wheelchair. Nagpasalamat kami sa kanya bago umalis at inilipat si Seven dun.

"Pumunta na nga tayo kay Krzyl. Namimiss ko na siya." Aniya. "Demanding ah. Ihulog kita dyan eh." Tinulak ko na ang wheelchair at tumungo sa kwarto ni Lawrence. Nagpaiwan na lang si Dylan sa kwarto at natulog ulit. Nasa pintuan na kami nang napansin ni Seven na nakabukas ito ng konti. Narinig namin ang boses ni Krzyl at isa pang boses ng babae sa loob. "Sino kaya ang kausap ni Krzyl? Nandito na ba ang mama ni Lawrence?" Unti-unting lumakas ang boses ng babae. "Ang bata ng boses na yan para sa mama ni Lawrence atsaka kakaalis lang nila kanina diba? Nakita pa nga natin sila na paalis ng ospital. Posible bang may ibang jowa si Lawrence?" Wika ni Seven. Mukhang hindi to maganda. Kung meron man, kinakabahan ako kay Krzyl. Ayoko ng masaktan pa ng todo ang kaibigan namin.

Papasok na sana kami nang bumukas ito kaya napaatras ako at iniluwa nito si Krzyl na umiiyak. "Krzyl! Sandali!" Sigaw ko sa kanya habang siya'y tumatakbo papalayo at pahid pahid ang luha niya. "Seven dito ka muna. Awayin mo kung sinong bruha ang nagpaiyak kay Krzyl." Tumango siya at pumasok sa loob bago ako tumakbo at hinabol si Krzyl. Pagliko ko sa corridor ay nakita ko siyang umakyat patungong rooftop ng ospital kaya sumunod ako sa kanya. Hinanap ko siya sa rooftop at nakita ko siyang umiiyak sa sulok. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya dali-dali niya akong niyakap.

"Bakit ganun, Seirra? Bakit ang unfair ng mundo sa atin? Bakit... Bakit ang sama ng mundo sa atin? May ginawa ba tayong mali?... Ano ba ang kasalanan ko para maging ganito ako? Maging... malungkot at kawawa... Dumoble yata ang sakit na naramdaman ko sa aksidente..." Tumawa siya ng mahina at pinahid ang luha niya. "Ito na yata ang karma ko ano? Ang karma na nagmahal ako. Ang sakit.. sobrang sakit."

"Shhh... Tama na. Hindi mo to kasalanan okay? Hindi masama magmahal sis. Ang masama ay ang manloko. Minahal mo siya na wala kang tinapakang tao. Minahal mo siya ng walang daya." Wika ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

***

Seven's POV

Pagpasok ko sa silid ay nakita ko si Lawrence na nakahiga sa kama at may isang malantod na pugitang nakayakap sa kanya. Biglang uminit ang dugo ko, hayop may gana pa siyang umagaw pagkatapos niyang pinaiyak si Krzyl?

Binagsak ko ang pintuan, dahilan para magulat siya. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, "well, well, well, isa ka ba sa kabit ng FIANCEE ko?" Nakapameywang niyang tanong.

"Aba, di ko alam na pumapag-ibig na pala ang mga malalantod na hybrid ng pugita at hipon sa mga tao? Sorry, jowa kasi ng kaibigan ko ang niyayakap mong bruha ka." Inis kong wika sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at pinakita ang singsing sa kanang kamay niya.

"How dare you? Di mo ba makikita to? Ikakasal na kami. Kaya pakisabi nalang sa kaibigan mong tanga na back-off, he's mine." Pakshet nitong babae to ah. Lakas ng hangin ng pugitang to.

"Wow ang ganda naman!" Sarkastiso kong sabi. "Well bumabagay talaga to sa akin kasi maganda din ako."

"Saan mo ba binili yan? Sa bangkerohan? O dun sa mga magnanakaw na isang libo ang benta? Ang cheap mo naman pala? Kay Krzyl kasi galing pa sa Portugal ang singsing niya eh, pinagawan talaga siya ng Lawrence NIYA. Tsaka may Sapphire at Ruby pa yun na pormang yin at yang. Sayo saan ba?" Pagmamalaki ko sa kanya.

Totoo na may singsing si Krzyl kay Lawrence. Pero yung Sapphire at Ruby ay hindi totoo. Ginawa ko lang yun para magising sa katotohanan ang  pugitang hipon na ito. Hindi nga niya alam na sa kaliwang ring finger dapat nilalagay ang singsing. Siguradong mainit na ang ulo niya dahil nananalisik na ang mga mata niya sa akin. "You know what? I--"

"Hindi ko alam. Kaya nga ikukwento mo diba?" Sambit ko.

"Shut up! I can kick your stupid wheelchair out here and force you to stand there!" Nangangalaiting sigaw niya at sasampalin na sana niya ako nang may kamay na humarang. "Bitawan mo ko! Sasampalin ko tong babaeng to!" Binalibag ni Dylan ang babae kaya napaupo ito at nakaladkad palabas ng kwarto. "Stop your nonsense belief Moira! Kinalimutan ka na niya! Hindi ka pa ba nakamove on?!" Sigaw sa kanya kaya tumayo siya at hinarap si Dylan. "Oo! Akin lang ang Lawrence ko at walang ng iba!"

"Baliw ka!"

"Tumigil ka! Papasukin moko! Ano ba!" Nagpupumilit siyang pumasok sa loob kaya tumawag ako ng gwardiya, "guard! May baliw ang nakapasok dito! Itapon niyo nga yan sa labas!"

"Sorry po ma'am. Hindi po namin siya kayang palabasin, pinsan ho siya ng may-ari ng ospital na ito. Sorry ho talaga ma'am."

"Wala akong pakealam kung sino siya. Ang importante ay paalisin mo siya. Nananahimik kami dito tapos iitribida ang pugitang hipon na yan!"

"How dare you call me pugitang hipon!?"

"Umalis ka na lang! Fiancee ka nga pero mahal ka ba? Mahal ka ba ni Lawrence ah!?"

"You--"

"Alis!! Bumalik ka na lang dito kapag alam mo na kung saan dapat isuot ang mga singsing!" At dahil dun ay hiyang-hiya siyang nagwalk-out at umalis ng ospital.

My Youth With YouWhere stories live. Discover now