Chapter Twenty

32 8 0
                                    

Seirra's POV

Napahikab ako at nagising ang diwa ko nang tumunog ang aking telepono kaya malamya ko itong sinagot.

"Ano ba bakit ka ba naggigising ng taong tulog?!" Bungad ko sa tumawag na hindi ko man lang tinignan kung sino. Bahala na siya. Masamang gumising ng taong tulog.

(Good morning pakner!) Sagot ng kabilang linya. Tinignan ko kung sino ang tumawag at nakarehistrong si Peter.

"Fuck you! Bye!" Mura ko sa kan'ya.

(Teka--) Hindi ko na siya pinatapos dahil binabaan ko siya ng telepono at natulog ulit. Ilang segundo ang nakalipas ay tumawag ulit ang gunggong.

"Ugh! Bwisit patulugin mo ko pwede?!?!" Sigaw ko matapos itong sinagot. Nakarinig ako ng kalampag bago may nagsalita.

(Nakakatakot ka pala kung bagong gising.) Hindi ito boses ni Peter kaya tinignan ko kung sino. Si Vincent.

"What do you want?" Inis kong tanong.

(I just want to say... Uhh.)  Napakunot ang aking noo. Ano nanaman ba ang sasabihin ng lalaking 'to?

"Ano?! You're wasting my goddamn time Vincent! Pwede ba? Patulugin niyo ako, mga hayop na magkakapatid kayo!" Sigaw ko sa kanya.

(Aish! Ahh! Namove pala ang acquaintance party sa next Friday.) Bumukas ng mga mata ko at napangiti sa aking narinig. Bukas na sana ang party at ready na ang mga gowns namin pero mukhang matagal pa pala ito dahil sa postponing plan nila na hindi ko alam kung bakit.

"Well. Salamat sa information. Ibababa ko na ito." Ieend ko na sana pero may sinabi pa siya.

(And also. Pakisabi kay Krzyl na huwag nang humanap ng partner.)

"Aba. Ako ba ang inuutusan mo? P'wes huwag ako! Nanggising ka na nga lang mambubulabog ka pa?! Bahala kayo!" Sigaw ko at pinindot ang end button.

Nagtalukbong ako ng kumot at pipikit na sana nang may kumatok sa aking kwarto.

"Seirra! Seirra Seirra Seirra Seirra!!!" Mabilis na sigaw ni Seven. I jumped out of my bed and rolled my eyes.

"Ano?!?!?" Sigaw kong tugon.

"Wala lang. Hehe. Akala ko napossessed ka na o hindi kaya binangungutan. Sige matulog ka na!" Napadaing ako sa kanilang panggugulo sa akin. Sinubukan kong matulog pero gising na gising na ang diwa ko at hindi na ako makatulog ulit kahit ramdam ko ang pagod.

"Mga peste. Pag ako makatulog sa gitna ng klase, malilintikan talaga kayong mga hayop kayo." Sambit ko sa sarili. Naisip ko at naalala ang sinabi ni Vincent sa akin. Tinanong ko na kahapon kay Krzyl kung sino ang kapartner niya at 'yung pinsan daw ng kasama niya sa papers ang kapartner niya. Sorry ka na lang Lawrence. Alis pa kasi ng alis, ayan tuloy naaagawan.

Bumangon ako at pupunta sana sa banyo pero bumalik ako at binagsak ang sarili sa kama nang napagdesisyunan kong ayaw pumasok. Ilang minuto lang ay may kumatok sa pinto ko.

"Hindi ako papasok. Magtatanong na lang ako sa inyo mamaya pag-uwi ninyo." Wika ko dahil du'n din patungo ang usapan. 'Okay' lang ang sagot niya at narinig ang yapak nitong pahina ng pahina. Sinubukan ko ulit na matulog at hindi naman ako nabigo at nakatulog rin ako.

***

Naramdaman kong may malamig na bagay na pumatong sa noo ko kaya gulat akong bumangon ngunit may nabunggo akong ulo kaya napahiga ulit ako. Bwisit. Umabsent rin ba ang mga babaeng 'to?

"Ano ba!? Wala akong lagnat!!" Sinigawan ko siya sa mukha pagdilat ko ay nanlaki ang mata ko nang nakita si Peter, basang-basa at may hawak na bimpo, na nakatihaya sa sahig. Leche ano nanamang ginagawa ng lalaking ito sa bahay?

My Youth With YouWhere stories live. Discover now