Chapter 1

7 0 0
                                    

"May kwento ako"

Sigurado si Kier na ang ikukwento nanaman nito ay ang tungkol sa nakababata nitong kapatid na babae

"Oh?" maikling tugon nya sa kaibigan.

"Alam mo ba nung 5 years old yung kapatid ko nasugatan ko sya sa likod sa malapit sa batok?"

"Sinabi mo na yan sakin pang ilang daang beses na ata"

Tumingin ng masama sa kanya si Armando.

"Tss magkunwari ka naman na di mo alam! Aray!!"

Walang sabi sabi ay kinutusan nya ito

"Tapusin mo na yang assignment mo at baka bukas mapalabas ka nanaman ng room!"

Inismiran sya nito at kinuha na ulit ang ballpen para magsulat.

Sabay na lumaki si Kier at Armando. Pareho silang ampon ng mag asawang Esmeralda at Eddie.

Labing isang taon ang nakalipas ay natagpuang ng mag asawa si Armando na sugatan malapit sa lugar kung saan nagtatrabaho ang mga ito bilang mag sasaka.

Kinupkop ng mag asawa ang bata. Nung una ay hindi ito nagsasalita, naisip ng mag asawa ay marahil natrauma ito sa sinapit.
Pinangalanan nila itong Armando dahil sa suot nitong kwintas na hugis susi na may nakaukit na "ARMA"

Si Kier naman noon ay kasama sa mga batang inaalagaan ng mga sindikato para mag nakaw at mamalimos..

Ang kwento'y tinangkang nakawan ni Kier ang Ginang na kaibigan ni Esmeralda. Mabuti na lamang ay may mga tanod na naka kita at nahuli ang batang si Kier.

Kinausap ni Esmeralda ang kaibigan na huwag ng isumbong sa mga pulis ang bata at kukupkopin nya na lamang ito.

Nang gabing iyon naging dalawa ang anak ng mag asawang mag sasaka.

Si Armando at Kier.

Ngayon ay pareho na silang maglalabing walo. At Senior High School na rin pareho.

Matalinong bata si Kier. Palagi itong kasama sa honor student simula ng mag simula itong mag aral. Kabaliktaran naman ni Armando na kahit anong gawing pag aaral ay hinding hindi nito mapantayan ang talinong meron si Kier.

Pagdating naman sa ibang bagay gaya ng pagluluto, pagtatanim, pagtatahi, pag guhit at iba pa ay si Armando naman ang nangunguna.

Ngunit kahit ganoon na may sari sarili at kanya kanya silang talento ay walang inggitan sa magkapatid.

Maganda kasi ang pagpapalaki sa kanila ng mag asawang Esmeralda at Eddie.

Mula sa dating lugar sa maynila at trabahong pagsasaka ay nagkaroon na sila ng baboy-an at manok-an.
Lumipat na rin sila sa probinsya ni Eddie kung saan mas maalwan para sa kanila ang buhay.

"Haysss! Gusto ko na grumaduate ng high school! Para makapunta na ako sa maynila. Gusto kong hanapin ang mga magulang ko at ang kapatid ko" masiglang sabi ni Armando

"Natatandaan mo pa ba itsura nila?" Tanong ni Kier

"Hindi. Pero pag nakita ko sila makikilala ko sila sigurado!"

"Alam kong namimiss mo na sila lalo na ang kapatid mo.. Pero isipin mo rin sila nanay at tatay. Ano nalang mararamdaman nila kung aalis ka para hanapin sila?"

Natahimik ang kaninang masiglang si Armando.

"Tsaka pano mo mapapatunayang ikaw yan?"

"Ha?"

"Ibig kong sabihin pag nakita mo sila.. Paano mo mapapatunayan sa kanilang ikaw ang anak nila"

"Tss yun lang pala. Edi ito!" hinawakan nito ang suot na kwintas na may nakalawit na hugis susi at itinaas
"Bigay to sakin ng tatay ko. Natatandaan ko!"

Borrowed NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon