Chapter 6

1 0 0
                                    




Usapang usapan sa buong Armania Academy ang pagbalik ng isa sa tagapagmana ng Armania.

"Natagpuan na daw yung nawawalang kapatid ni Celine totoo ba?"
"Si JONATHAN ARMANIA?"
"Matagal nilang hindi nakita yun diba? San naman kaya galing yun?"

"Plot twist bobo parin si Jonathan"

"Hahahaha oo natatandaan ko yun yung uhuging bata dati"


Napakunot ng noo si Kier dahil sa mga naririnig nyang usapan sa paligid nya.

Kahit hindi sya ang totoong Jonathan Armania ay pakiramdam nya sa kanya parin patungkol ang mga masasamang sinasabi ng mga ito

Walang syang ibang kakilala dito bukod sa kapatid ni Ando

Ngunit mas mataas sya ng dalawang baitang kay Celine kaya hindi nya kaklase iyon.

Unang tuntong palang ni Kier Armania Academy ay alam nya na agad ang kalakihan ng pagkakaiba niyon sa dating paaralan.


"Hey"

Napatingala si Kier sa lalaking umupo sa desk nya.

"Upuan ko yan." tukoy nito sa inuupuan nya "Pakipunasan yung inupuan mo bago ka umalis pakibilisan."

Sakto namang dating ng teacher nila kaya naman tumayo na sya at kinuha ang bag nya

Hindi na sya nagulat na may ilang mayayabang dito tulad ng isang iyon.

"Upo na upo na! Meron akong annou---"
"Oh!" napatingin ang lahat sa teacher nilang gulat na gulat sa pagkakakita sa kanya "A-Andyan ka na pala.. Ang sabi samin  sa faculty mamaya ka pang lunch dadating"

Nalipat naman kaagad ang tingin ng lahat ng mga kaklase nya kay Kier

Hindi naman nya iyon pinansin...

"Wala na bang bakanteng upuan dito?" diretsong tanong nya sa teacher.

--


"Pagdating sa Armania Academy wag na wag kang magpapakita ng kahinaan. Maraming mata si Delmundo, Hindi dapat mahalata ng mga kaaway ko na hindi ka ang totoong Jonathan . Wala kang ibang kakampi kundi kaming bago mong pamilya kaya wag na wag ka ring magtitiwala sa iba" -Charles

--

Naalalang huling habilin ni Charles sa kanya.

"Ah!! Oo upuan mo! Ahm.."

Napansin ni Kier na tila natataranta ang teacher nila ng makita sya.

"Kahit saan! Kahit sang upuan mo gusto. Pwede ka maupo" - teacher

Nang marinig nya iyon ay napatingin sya sa lalaking nakaupo parin sa desk.

Nilapag nya ulit ang bag nya sa upuan na iyon

At naupo.

Napasinghap ang lalaki at akmang kukwelyuhan sya nito pero natapik nya ang mga kamay nito.

Hindi yun gaanong kalakas pero naging dahilan iyon para ma-out of balance ang lalaki at matumba mula sa pagkakaupo sa desk.

Lahat na ng atensyon ay nasa kanila. At Naghihintay ng sunod na mangyayari.

Tumayo kaagad ang lalaking natumba at itinuloy ang naudlot nitong pangunguwelyo sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay nag tagumpay na iyon. Kaya't napatayo na rin si Kier

"Hoy Transfer boy! Kilala mo ba kung sino ako? Ha?"

Maangas na tanong ng lalaki sa kanya habang hawak parin nito ang kuwelyo nya na tila ba walang teacher silang kasama.

Borrowed NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon