Chapter 7

1 0 0
                                    

Tristan's POV

"By the way did you delete all you porn?"

Nakuha nya ulit ang atensyon ko.

"Formatting your hard drive is a must"

Ngumiti sya ng normal. Ngumiti sya na parang walang nakikitang gustong magpakamatay sa harap nya.

"Were you really going to die without doing that?"

"Stop it will you?!"

"No. You stop! You're a man but a coward!"

-----

"Cut?" Pigil na natatawang sabi ni Kyle sa kaibigang si Tristan.

Tumingin naman ng masama ang binata sa kaibigan dahil sa pang aasar nito habang nagkukwento sya at nag iimagine sa nangyari sa kanya sa America ilang lingo lang ang nakalipas

"Baliw ka na pare" -Kyle

"Siguro nga." -Tristan

"Alam mo hindi kita magets eh. Oo nga! Nandon na tayo sa niligtas ka nya! Pinigilan ka nya sa pagsusuicide. I think Celine's existence was just like a hero to you. But it seems parang.. parang alam mo yun? Yung baduy na term? First love?"

"Hindi ko sya first love no! Marami na kong nakilalang babae bago ko sya makilala!"

"I know pare!"

"Tsaka isa pa.. 3 weeks palang mula ng magkakilala kami"

"Exactly! Kaya nga napapaisip ako eh. Ayos ka na sa America.. Marami kang dahilan para hindi na bumalik dito sa pilipinas. But you did going back here just because of that girl you met 3 weeks ago!"

"Do you think I'm sick?"

"3 weeks? Huh? Usually the shorter, the stronger the heat got stuck on you. Maybe that's why"

Napabuntong hininga na lamang si Tristan habang nakatingin parin sa laptop nya.

Na may litrato ni Celine.

Iniscroll down nya iyon at nabasa nya ulit ang post nito 3 weeks ago sa social media nito.

"I saw this guy named Train.. No.. Tri.. What ever his name! He's trying to commit a suicide. He seemed stupid. He was endlessly pathetic. Kasi sya yung nangbubully pero sya yung gustong magpakamatay"

Napangiti ang binata.

"Mahirap bang tandaan ang pangalang Tristan?" Tanong ni Tristan kay Kyle.

"Ha?"

Tama ang kaibigan nyang si Kyle. Marami syang dahilan para di bumalik sa Pilipinas pero nandirito sya.

Isa na doon ang ama nyang wala ng ibang nakita kundi ang kamalian nya.
Tatlo silang magkakapatid pero pakiramdam nya ay ang dalawang kuya nya lang ang tunay na anak nito.

Ang ina nya naman na nagiisang kakampi nya ay matagal ng namayapa dahil sa sakit.

Simula ng mamatay ang ina nya ay natuto nalamang syang mabuhay mag isa.

Sa edad na dose ay mag isang nagpunta sya sa America para doon manirahan at mag aral ng walang tulong na nakukuha sa ama.

Ginamit nya ang diskarte at talino nya para makasurvive sa buhay sa America.

Ngunit ang hindi nya alam ang mga nakukuha nyang trabaho na malaki ang sweldo, libreng tirahan at pagkain mula sa amo nya ay galing parin kay Delmundo. Ang daddy nya.











Borrowed NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon