Napabuntong hininga si Kier sa nakitang daliri nya na nagdudugo.
Dahil okyupado masyado ang isip nya ay hindi na nya napansin na nakahawak na sya sa tinik ng rosas.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay may tumulo nanamang luha mula sa mga mata nya.
Bigla kasing may sumagi sa ala ala n'ya
"Anong ginagawa mo?"
"Sinisipsip yung dugo"
"Bakit?"
"Para bumalik yung dugo sa katawan ko"
"Seryoso?"
"Matalino ka diba? Dapat alam mo ang mga pag iisip ng mga genius din na kagaya ko"
Napangiti ng mapait si Kier habang naaalala ang ang usapan nilang yun ni Armando.
Ginaya nya ang ginawa niyon at sinipsip ang dugo na mula sa sugat ng daliri nya.
"Gross"
Napalingon sya sa biglang sulpot na babae mula sa di kalayuan.
Estudyante iyon dahil nakasuot pa ito ng uniporme. At sa hula nya ay kakauwi lang nito galing paaralan.
Kita nya ring parang may kinukuha itong kung anong bagay sa bag nya at mabilis na lumapit sa kanya.
Napaatras naman si Kier dahil dito.
"you're lucky may dala akong ganito" tukoy nito sa dala nitong box na tingin nya ay first aid kit "eksaktong nag aaral kami mag first aid"
Walang paalam na kinuha nito ang kamay nya at matamang tiningnan ang nagdudugo nyang daliri
Pagkatapos nun ay hinila sya nito sa upuan
Nilapag nito ang box na hawak nito at binuksan sabay inilabas ang mga bulak at alcohol
Nilinis nito ang sugat nya. Tsaka nya lang napansin na malalim ang sugat nun. Nang matapos iyon ay nilagyan na nito ng band aid ang sugat at binalik na ulit sa kanya ang kamay nya.
"Hmm.. Anak ka ba ng isa sa mga kasambahay dito? Bakit naman sa lahat ng lugar dito mo naisipang tumambay sa garden? Puro bulaklak lang naman mga nandito."
Hindi sumagot si Kier sa sunod sunod na pagtatanong sa kanya ng dalaga.
Inaarok nya pa sa isipan nya kung sino ang dalaga. Pakiramdam nya kasi ay nakita nya na ito hindi nya lang matandaan kung kailan at saan.
"Pwera nalang kung gusto mo talaga ng mga bulaklak."
Tinitigan sya ng dalaga mula ulo hanggang paa na wari ba'y nagsusuri.
"Hindi naman masama maging bakla."
Tila nasamid si Kier sa narinig.
Kita nyang ngumiti ang dalaga ng makita ang reaksyon nya."Sayang lang kasi. Gwapo ka pa naman. Pwede kang artista o model, pwede mong pagkakitaan yang mukha mo. Wag mo lang ipapaalam yang natatagong sikreto mo."
Hanggang ngayon ay di parin makapaniwala si Kier na may ganito parin palang klase ng tao kung mag isip.
Naisip nya si Armando."Pareho sila" sabi ni Kier sa isip nya
"Alam mo kasi kaming mga tunay na babae. Naaamoy namin kaagad kung malambot ang isang lalaki."
"Talaga?"
BINABASA MO ANG
Borrowed Name
Teen FictionGusto ni Kier na makapaghiganti sa pumatay sa kanyang kapatid at magulang , ngunit kinakailangan nya munang mamuhay sa pangalan ng namayapa nyang kapatid para gawin ito.