Special Chapter

2 0 0
                                    


Kier's pov (nung bata pa sya)

"Sige na tumahan ka na. Para namang di ka tunay na lalaki eh!"-kier

"Kier! Wag mo nga syang sigawan! Kahit pa lalaki sya.. Bata din sya tulad natin!"- jomar

Nagpalipat lipat lang ng tingin ang batang si Kier kina Jomar at sa batang lalaki na kakarating lang at umiiyak.

"Noong unang dating ko dito.. Umiiyak din ako. Lahat ng bata ganun! Lalo pa sya.. Baby pa sya kung tingnan"-Jomar

Tiningnan nilang mabuti ang batang hanggang ngayon ay umiiyak.

"Hindi ako umiyak nung unang dating ko dito ah!"
Ayaw patalo na sabi ni Kier

Tumawa ng mahina ang batang si Jomar.

"Kaya nga idol kitaeh.. Sa lahat ng bata dito ikaw ang pinaka matapang!"

"H-Help me.."

Napatingin sila Jomar at Kier sa bata

"English ba yung narinig ko?" Tanong ni Jomar.

"Anak ng mayaman siguro yan.. Pero bakit naman napunta yan dito? Kadalasan ang hinuhuli ng mga sindikatong yun mga batang palaboy laboy sa lansangan.."- Kier

"Tingin mo kinidnap sya?"- Jomar



"Oh! Asan ang bata?"-sindikato

Nagtinginan sila Jomar at Kier.. At kusa na lamang nilang hinila ang bata sa sulok para magtago.

"Tumahan ka na.." bulong ni Kier dito

Tumahan naman kaagad ito at sumunod sa kanila.

"Mukhang malusog yung batang nakuha ko ngayon boss! Pag naibenta natin ang lamang loob nya sa mga mayayaman tiba tiba tayo!"

"Eh asan na nga?"

"Pinaalagaan ko muna kay Kier. Malapit si Kier sa mga kapwa nya bata"

"Ihanda mo. Tingnan natin kung totoo nga yang sinasabi mong kikita tayo ng malaki dyan!"

"Yes boss!"

Sabay na napalunok sila Kier at Jomar sa narinig.

Napatingin sila pareho sa batang lalaki na umiiyak parin pero mahina na sa pagkakataong yun.

Iniharap ni Kier sa kanya ang bata at pinunasan nya ang luha nito.
"Wag ka ng umiyak.. Itatakas ka namin dito"

"Kier sigurado ka ba?"- Jomar

Tumango lamang ang batang si Kier.

"Hindi ako makakapayag na.. Isa nanaman satin ang kunin nila para ipagbenta. Hindi pa ba sapat ang pinapatrabaho nila saatin na magnakaw?  Kailangan may gawin na ako"
Matatag na sabi ng batang si Kier

"Anong balak mo?"

"Tatakas tayo.. Kasama ang ibang mga bata. Hihingi tayo ng tulong sa mga police."

"Pero ang alam ko may kasanggang police ang boss ng sindikato na yun?"

"Alam ko.. Kaya nga magpaplano tayong mabuti. Kailangan nating alamin kung sinong police ang kasabwat nila boss"

"Pano naman natin yun gagawin? Bata lang tayo wala tayon---"

"Magagawa natin yun. Magtiwala ka sakin!"

Natahimik saglit si Jomar..

"Kapag.. Nagawa natin 'to Jomar maliligtas na tayo. Hindi na natin kailangan mamroblema kung sino ang sunod satin na ibebenta nila. Hindi na natin kailangan manglimos at magnakaw para sa kanila"

Tumango si Jomar sa kaibigan "Tutulungan kita Kier!"

"Salamat. Hmm.. Maililigtas din natin ang batang 'to."

Pareho ulit silang napatingin sa batang kasama nila.

"Pag tinititigan ko sya parang hindi sya lalaki" pabulong pero rinig na sabi ni Jomar

"Anong bang sinasabi mo? Lalaki yan syempre! Panglalaki ang suot. Gupit pang lalaki din!"

"I-Im..."

"Oh.. Nagsasalita ulit sya Kier!"

"I-I'm..."

"Ano yun?"

"No nothing! Idiots!"

Napanganga ang dalawa sa narinig

"Minura nya ba tayo Kier?"

Dali dali namang binatukan ni Kier si Jomar

"Hindi ba halata?"

Napakamot na lamang si Jomar

"Meron pa palang ganitong klaseng bata.. Tutulungan na natin sya nagsasalbahe pa!"

"Kumalma ka Kier"











Kinabukasan...







"May kilala akong mag asawang magsasaka.. Hindi tulad ng mga taong nakakasalubong natin araw araw na mga walang pakealam sa mga batang tulad natin eh.. Iba sila. Tingin ko makakatulong sila satin"-Kier

"Pano ka nakakasigurado? Yung batang nagtangkang mag sumbong ay patay na ngayon.. Pano kung.. Pano kung.."

"Jomar!"

Napatingin ng diretso si Jomar kay Kier.

"Hindi tayo matutulad sa batang yun! Sisiguraduhin ko yun"

"Kuya Kier.. Kagabi pa natutulog 'tong batang to hanggang ngayon di pa sya gumigising. Buhay pa ba to?"- Ana

Dali dali namang lumapit si Kier at Jomar sa batang nakahiga.

"Inaapoy sya ng lagnat Kier"

"Tanggalan nyo sya ng damit. At punasan."

Sumunod naman kaagad ang mga bata. Ilang sandali lang ay nagulat sila sa nalaman

"Kier di ka maniniwala!"

"Bakit?"

"Yung bata? Yung batang dumating kagabi.."

"Oh? Bumaba na ba ang lagnat nya? Kahit anong gawing pakiusap ko kay boss hindi nila bilihan sya ng gamot. Ano na bang balita?"

"Diba pinatanggalan mo sya ng damit sa mga bata?"

Tumango si Kier

"Yung bata.. Hindi sya lalaki! Babae sya Kier!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Borrowed NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon