"Bata saan mo nakuha ito? Alam mo bang milyon ang halaga nito?"
Nagtinginan ang magkapatid.
Mabilis namang kinuha ni Kier ang kwintas ng kapatid sa babaeng nasa cashier ng sanglaan sa bayan.
Hinila kaagad nya si Armando na gulat na gulat din
"Bakit ganon ang tono nya? Anong akala nya ninakaw natin 'to? Ha?!! Kung alam nya lang no!!! Simula bata ako may suot suot na ko sa leeg ko na milyon ang halag---"
Tinakpan ni Kier ang bibig ni Armando.
"Tumahimik ka nga! Mamaya may makarinig sayo..." tumingin sa paligid si Kier "Baka ang siste eh manakaw pa yan sayo. Pano mo nalang mahahanap ang pamilya mo kung wala yan?"
"Oonga may punto ka."
"Pero.. Hanga na talaga ako kila nanay at tatay"
"Ha?" napakamot si Armando sa pagtataka
"Sigurado ako alam din nila ang halaga nyan" tukoy ni Kier sa kwintas ni Armando "Pero hanggang ngayon nasayo yan. Isipin mo mayaman na dapat sila nanay at tatay kung binenta nila yan noon"
Napaisip si Armando. Lahat ng sinasabi ng kapatid ay totoo.
"Yang maliit na kumikinang na bato dyan sa parang susi na yan.. Milyon na ang halaga. Bata ka pa pinasuot na sayo yan ng totoo mong tatay malamang sa malamang mayaman ang pamilya nyo"
Napahawak sa baba si Armando na tila nagiisip
"Kung mayaman kami bakit di pa nila ako nahahanap hanggang ngayon? Wala ba silang balak hanapin ako. Hindi ba nila ako namimiss? Kasi ako miss na miss ko na sila."
Ramdam ni Kier ang biglang paglungkot ng kapatid kaya inakbayan nya agad ito.
"Sigurado ako namimiss ka rin nila. Lalo na yung kapatid mo. Diba lagi mong kwento sakin close na close kayo nun?"
Bahagyang ngumiti si Armando
"Mahahanap din natin sila. Wag ka mag alala. Sa ngayon itabi mo muna yan" tukoy nya sa kwintas "Delikado pala yan isuot! Kita mo eleven years ng nanganganib buhay mo dahil may suot kang ganyan"
Tuluyan ng napangiti si Armando sa biro ni Kier.
"Salamat Kier ah.. Payag na talaga akong pakasalan mo kapatid ko"
Mabilis na tinanggal ni Kier ang pagkaka akbay nya dito.
"Yan ka nanaman eh!"
"Bakit ba ayaw mo??"
"Humarap ka sa salamin tapos itanong mo yan!"
Mabilis na lumakad na si Kier, palayo doon, sumunod naman kaagad si Armando at diretso na silang umuwi sa kanila.
Naisipan kasi nilang magpunta sa bayan para bumili ng pagkain ng manok. Nang madaanan nila ang isang sanglaan kaya't naisipan narin nilang patingnan ang kwintas ni Armando.
Ang Hindi nila alam dahil sa ginawa nilang 'yun ay may malaking tyansa na mahanap sila ng Dalawang magkaibang grupo na may magkaibang hangarin.
-----
Ilang araw na ang nakalipas. Ilang buwan nalang ay gagraduate na sila Kier at Armando ng high school.
Lagi nalang madadatnan ni Kier ang desk nya na puno ng mga regalo tulad ng tsokolate at bulaklak
"Araw araw valentines ah" Sabi ni Armando na inosente parin at hindi alam kung saan galing ang mga kinakain nyang tsokolate na bigay ni Kier.
"Salamat ah! Masama talaga loob ko ngayon eh. Zero ang score ko sa surprise quiz kanina. Kaya kailangan ko nitong mga chocolate"
BINABASA MO ANG
Borrowed Name
Teen FictionGusto ni Kier na makapaghiganti sa pumatay sa kanyang kapatid at magulang , ngunit kinakailangan nya munang mamuhay sa pangalan ng namayapa nyang kapatid para gawin ito.