Chapter 4

1 0 0
                                    

"Ilang araw na ba syang natutulog?"

"Mga tatlo at kalahating araw na"

"Kawawa naman pala. Namatay ang magulang nya sa sunog pati na rin ang sinugod na kapatid nya di narin umabot ng buhay dito sa ospital"

Napamulat bigla si Kier ng marinig iyon sa mga nurse na nasa tabi nya lang.

"A-Anong s-sabi nyo?"

Gulat na nagtinginan ang dalawang nurse.

"Pasensya ka na. Alam namin kung gaanong nakakabigl----"

Wala ano-anoy tinanggal ni Kier ang nakakabit sa kanyang dextrose at bumaba ng kama

"Teka!! Bawal kapang kumilos! Saan ka pupunta?"

"Ang nanay at tatay ko ang kapatid ko.." bulong ni Kier habang madaling madaling naglalakad palabas ng kwartong iyon

Sa di inaasahang pagkakataon ay makakabangga nya ang lalaking nagdala sa kanila sa ospital na iyon.

Mabilis na natumba si Kier dahil mahina pa ang katawan nya dahil sa maraming usok na nalinghap nya.

Itinayo sya ng lalaking nakabangga sa kanya.

"Hijo magpahinga ka muna"

Umiling iling si Kier habang unti unti na ring bumabagsak ang mga luha mula sa mga mata nito

"A-Ang nanay at tatay ko.. Si Ando.. Nasa bahay lang.. N-Nagpapahinga si nanay tapos si tatay nagpapakain ng manok.. Si Ando.. Tama si Ando! Gumagawa sya ng assignment ngayon. Pupuntahan ko sila!"


Ang ilang araw na tuloy tuloy na pag iyak naman ni Charles ay hindi parin natatapos hanggang ngayon.

Kita nya sa mga mata ng binatang kaharap, kung gaanong kasakit ang nararamdaman nito kaya naman ay inakap nya ito.

"Wala na sila" bulong nya sa binata habang lumuluha na rin

"A-Ano bang sinasabi n-nyo ser?? Nasa bahay lang sila"

Hinigpitan lalo ni Charles ang pag akap sa binata. Hindi nya kayang ikumpara ang nararamdaman ngayon nito sa nararamdaman nya sa tuluyang pagkawala ng anak

Nawalan ng magulang ang binatang ito, pati na rin ng itinuring na kapatid.

Samantalang sya ay nawalan sya ng anak na labing isang taon nyang hindi nakapiling.

Halos buong buhay ng binata ay nakasama nya ang anak nya. Kaya naman ay mas masakit para dito na mawala ang mga iyon.

------
















Nabigla si Charles sa nakitang mga larawan na ibinigay sa kanya ng mga investigator.

"Anong ginagawa ng secretary ni Delmundo sa mga larawang 'to"

"Yun din ang pinagtataka namin sir, Kaya naman nagtanong tanong kami dito sa lugar kung may nakakakilala o kamag anak yan dito pero wala. Malakas ang kutob ko may kinalaman yun sa anak n'yo"

Sunod sunod na kinilatis ni Charles ang lahat ng larawan at sa mga huling larawan ay Nagtaka sya.

Pati rin kasi sa binatang kinalakihan na kapatid ng anak nya ay nandoon ang sekretarya ng mortal nyang kaaway mula pa noon na si Delmundo





"Base rin sa pagkilatis namin sir.. Hindi rin nila alam at wala silang ideya kung sino sa dalawa ang anak nyo"





"Kung ganon.. Hinahanap din nila si Jonathan"

Borrowed NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon