"Mag bestfriend sila diba?"
"I don't think so.."Kanina pa nabubugnot si Celine sa mga naririnig na pagchichismisan ng mga kaklase nya tungkol sa kanila ni Hershey.
Tumayo sya sa pagkakaupo at humarap sa mga iyon.
Natigilan naman ang mga ito sa pagchichismisan ng makita nilang nakatingin na sa kanila si Celine.
"Pwede ba!? Mind your own business! Ganon na ba ka boring ang buhay nyo at pati buhay ng iba pinapakealaman nyo!?"
"Bakit ka galit na galit Celine?"
Natigilan si Celine at napatingin sa likod nya.
Nakita nya si Hershey na nakapamaywang.
"Hayaan mo silang pag usapan tayo. Parang di ka pa nasanay.."
Inirapan lang nya ang dating kaibigan at bumalik na ulit sa pagkakaupo.
Naramdaman nya nalang na may umupo sa tabi nya.
"Bakit kasi bumalik ka pa? Na boring ka na ba sa America?"
Kahit di nya lingunin ito alam nyang si Hershey ang tumabi sa kanya.
"Wala kang pakealam. Bumalik lang ako sa teritoryo kong inaangkin na ng iba" matatag na sagot nya.
Napangisi si Hershey
"Akala ko magpapaka duwag ka na eh. At habang buhay nalang magtatago sa saya ng nanay mo. Ooops I mean sa saya ng nana mo. Not the director"
Sa pagkakataon yun napatingin na rin si Celine kay Hershey
"Wala ka kasing 'saya ng nanay' na pagtataguan kaya ka ganyan"
Nakangiti ang dalawa ngunit kung titingnan mabuti pareho lang silang nagpipigil ng galit sa isa't isa.
Natigil lang ang panlilisik ng mga mata ng isa't isa ng pumasok na ang teacher nila.
"Goodmorning we've got a new friend in class. Please introduce your self"
Nagtinginan ang buong klase sa isang binatang nakaupo sa bandang likuran nila.
Tumayo naman ito kaagad at pumunta sa harapan.
"H-Hi ako nga pala si T-Tr---"
"Trash?" Biglang tanong ni Hershey.
Sabay sabay na nagtawanan ang mga kaklase nila pwera kay Celine na matamang nakatingin sa kagaya nyang transfer student din.
Pamilyar ito, sa tingin nya ay nakita nya na ito.. Ngunit di nya matandaan kung kailan.
Naka hati ang buhok nito sa unahan. May salamin at braces din. Tipong mga nakikita sa telebisyon na mga kung tawagin ay 'Nerd'
Mukha itong kinakabahan sa unahan, at nanginginig ang mga kamay..
"Class quiet!" saway ng teacher nila "Sige na hijo ituloy mo na"
Tumango ito at nahihiyang humarap na ulit sa buong klase
"A-Ako si T.. Tristan Vasquez. S-Sana maging kaibigan ko kayong lahat.."
"Heck no!"
"No way!"Sagot ng iba nilang mga kaklase.
Napatungo na lamang ang binatang transfer student.
Habang si Celine naman ay tumayo sa pagkakaupo kaya ang lahat ng atensyon ay nalipat sa kanya.
"Transfer student din ako. Kailangan ko rin bang magpakilala?"
BINABASA MO ANG
Borrowed Name
Teen FictionGusto ni Kier na makapaghiganti sa pumatay sa kanyang kapatid at magulang , ngunit kinakailangan nya munang mamuhay sa pangalan ng namayapa nyang kapatid para gawin ito.