Chapter 1

38 2 0
                                    

Chapter 1

Storm's POV

Isa lang akong simpleng babae. Maganda ako pero hindi ko ipinagmamayabang 'yon. Sabi nila, mukhang anghel lang daw ako pero mayroong demonyong nakatago sa kaloob-looban ko. Pero bilang isang mabait na nilalang, hindi ko sila iniintindi.

Minsan, may mga taong naghahabol sa akin. Hindi ko alam kung trip lang ba nila 'yon o kung talagang gusto nila akong mapa-sakanila. Syempre, kahit minsan, natatakot ako. Hindi bilang estudyante kung 'di bilang isang babae.

Masaya ang buhay ko. Kasama ko ang nanay, tatay, at ang mga kapatid ko. Lagi kaming may oras sa isa't isa. Hindi mawawala ang mga ngiti sa 'ming labi tuwing kami ay magkakasama. Hindi maiiwasan ang tampuhan, pero naayos din namin 'yon sa pamamagitan ng pag-intindi sa bawat isa.

Ngunit may mga hindi inaasahang pangyayari ang dadating sa buhay mo. Mga pangyayaring hinding-hindi mo malilimutan. Mga taong may malalaking magagawa sa buhay mo.

"Storm, ano na naman ba 'yang iniisip mo?" tanong ni Emerald na may halong pag-aalala.

"Iniisip ko lang kung kailan ka magiging maganda," sagot ko sa kanya. Inayos ko na ang mga gamit ko para pumunta sa aming next subject.

"Loka loka ka talagang babae ka. Pasalamat ka at may magandang bestfriend ka!" Inayos niya na din ang gamit niya habang nakasimangot. Tinawanan ko lang siya.

Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit, tumayo na kami at lumabas na ng classroom.

"Storm, mauna ka na sa next subject natin. Dadaan pa kasi ako ng canteen, alam mo na.. May halimaw yata dito sa tiyan ko." Tumawa siya ng malakas. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Pagka-alis niya, pumunta na din ako sa next subject namin. Nadatnan ko ang mga kaklase kong naglalaro, nagkakalat, nag-uusap, at nagbabangayan. Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa 'kin.

"Storm Helena Angelique Bernal Hawthorne," Nandito na naman pala siya. Lumingon ako sa kanya at tinaas ang kanang kilay ko.

"What?" tiningnan ko siya ng masama. Nagulat ako nang ngumiti siya.

"Naks, Shabi. Wina-what-what mo na 'ko ngayon ah? Nag-improve na ang speaking skills mo." Lalo akong nainis ng marinig ko 'yon. Nandito na naman siya para manggulo at mang-asar. Hindi yata ako magkakaroon ng matiwasay na buhay dahil sa kanya.

"Tigilan mo 'ko, Sigray. Kung mang-aasar ka lang, 'wag mo na 'kong kausapin." tumalikod ako sa kanya. Pero nagulat ako ng bumulong siya sa 'kin.

"Paano kung magtatanong ako sa 'yo ng seryoso? Sasagutin mo ba ako?" Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Alam kong wala siyang ipinapahiwatig na kung ano man pero iba ang sinasabi ng utak ko pati na din ng-puso ko. Ano ka ba, Storm? Ano ba 'yang mga sinasabi mo?

Chasing StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon