Chapter 6
Storm's POV
Nang makauwi kami ay kaagad na din kaming kumain.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain nang magsalita si Ate Pearl.
"Mom, someone texted me. Parang tungkol 'to sa stalker ni Storm," She said while looking at me.
Nagsitaasan na naman ang mga balahibo ko.
Sinikap kong huwag mautal. "Anong sabi, Ate Pearl?"
Sumimangot siya, "I'm worried for my family pero you need our help 'di ba? So, sasabihin ko sa 'yo yung minessage niya," Huminto siya sa pagsasalita dahil tinitigan siya ng masama ni Tita Ruby. "Hehe, peace Mom," Nag-peace sign siya pero halatang kinakabahan siya sa mga sasabihin niya. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento. "Pero, eto na nga. He texted I'm warning you, sister of the bestfriend of my darling. I am watching the all of you. I'm excited to ruin your whole family, and to ruin my darling's life. Scared? Nah, don't be scared. It's too early to be scared. I am just starting the game, the chasing game where is... I am Chasing Storm."
We all gasped when we heard that. Kahit si Ate Pearl ay kinilabutan.
Nagulat kami ng biglang tumayo si Kuya Gem.
"Bakit ba tayo nag-aaksaya ng oras para d'yan kay Storm?! Alam niyo bang ayaw kong tumira dito?! Bakit hindi na lang tayo bumalik sa bahay natin, Mom, Dad! Bakit hindi pwede?! Hindi ko maintindihan!" Bigla na lang sinuntok ni Kuya Gem ang pader.
Napaluha ako dahil sa narinig.
Totoo ang sinabi ni Kuya Gem. Bakit nga ba sila nag-aaksaya ng oras para sa akin.
Mas lalo akong nagulat ng hawakan ako ni Kuya Gem sa braso. Napatayo ako ng wala sa oras. Ramdam ko ang higpit nito at ang pagbaon ng mga kuko ni Kuya Gem pero wala akong balak magsalita. Titiisin ko.
"Bakit ka pa kasi dumating sa buhay namin, Storm?! Alam mo bang ayaw ko sayo, huh?! Kasi, lagi na lang kami ang namomroblema! Natandaan mo ba nung naaksidente si Emerald dahil sa kakulitan mo, ha! Natatandaan mo ba?!" Lalo akong napahagulgol. "Lahat na ng bagay, meron ka na Storm. Bakit ginugulo mo pa din kami?! Kung may problema ka, sarilinin mo na lang! H'wag mo na kaming idamay! At sigurado akong alam mo na... Na may banta ang buhay namin dahil sa 'yo! Sana hindi ka na lang dumating! Sana hindi ka na lang nabuhay!"
BINABASA MO ANG
Chasing Storm
AdventureStorm Hawthorne is being chased by some addict and obssessed boys because of her beauty and body. She tried to escape from them by transferring on Altruism High with her friends where she will meet the good-looking student named Vaughn Primero. Vau...