Chapter 3

15 3 0
                                    

Chapter 3

Storm's POV

Lord, please guide us.

Iyan ang paulit-ulit kong hinihiling magmula ng umuwi ako galing school. Ngayon ay kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko. Hindi pa din ako makapaniwalang aalis na ako dito sa bahay na naging tahanan ko ng mahigit 17 na taon.

Tiningan ko ang mga gamit ko. Nandito na ang mga damit ko. Karamihan ng mga 'yon ay panjama at maluluwag na t-shirts. Nandito din ang pocket wifi sa maleta ko dahil probinsya ang Nueva Ecija. Ang sabi ng papa ko, medyo mahina daw ang signal doon kaya binalaan niya akong magdala ng pocket wifi. Nandito din ang picture ng lolo't lola ko na magiging gabay ko sa mga susunod pang mga araw. Nagtitiwala ako kay lolo't lola dahil halos sila na ang nagpalaki sa akin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, pumanaw sila.

Nang maiayos ko na ang gamit ko, tumayo na ako at iniikot ang mata sa kabuuan ng kwarto. Napangiti ako ng mapait.

Sana, makita kong muli ang mga ito.

You'll be remembered, my greatest room.

Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay sinalubong ako ng yakap ni Mama.

"Anak, mag-iingat ka do'n ha? Bibisitahin ka namin do'n every weekend. Mami-miss ka ng Mama, I love you anak," Sabi ni Mama at saka ako niyakap. Niyakap ko din siya pabalik at hinigpitan pa 'yon ng lalo.

Napatingin ako kay Papa. "Magpapadala ako ng mga personal guards sa rest house natin. I want you to promise na mag-iingat ka do'n. The God is with us." Lumapit siya sa amin at saka sumama din sa yakapan namin ni Mama.

Tumawa kami ng biglang yumakap din sa amin si Kuya Steve. "Nako bunso! Subukan mong magpariwara sa pag-aaral mo! Hindi ka na makakauwi dito sa bahay!" Sigaw ni Kuya.

Oo nga pala. Naayos na nila Mama ang mga requirements na isa-submit sa susunod na school na papasukan namin nila Emi at Sigray. Bigla ko tuloy naalala ang Galleon Institute. Ang mga kaklase ko, ang mga professor namin, ang mga maintenance ng school, at syempre, the whole institute.

"Oo naman, Kuya! Eh, bakit ka ba umiiyak? Mukha kang babae!" Nagtawanan kaming pamilya at inilaan ang oras sa pagyayakapan.

Nang tumunog ang doorbell ng bahay namin, do'n na kami nagbitaw sa yakap naming pamilya. Hinawakan ko na ulit ang maleta ko tanda na aalis na ako.

Pumunta si Papa sa pinto. Si Papa yata ang magbubukas para kila Sigray at Emi.

Tiningnan kong muli si Kuya Steve at Mama. Hinalikan ko silang pareho sa pisngi bago maglakad papunta sa pintuan.

Nang marating ko ang pinto, tumingin ako kay Papa at ngumiti. Ngumiti din siya sa akin at niyakap ako. "Mag-iingat kayo anak. Nandyan na ang mga kaibigan mo. Ingatan mo yung bahay at kotse ko ah?"

Tumawa ako bago tumango. "Opo, papa. Salamat po. Hanggang sa muli nating pagkikita. I love you, Papa."

Chasing StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon