Chapter 2
Storm's POV
Nandito kami ngayon nila Emi at Sigray sa Green Leaves Park ng school. Kasalukuyang lunch time namin kaya napagpasyahan muna naming tumambay dito.
Nakagagaan ng pakiramdam ang mga tanawin dito sa Green Leaves Park. Tinawag itong Green Leaves Park dahil puro puno at berdeng dahon lang ang makikita mo dito. Malamig, mahangin, at presko dito sa loob ng Park. Baka nga dahil 'yon kay Sigray kaya mahangin dito. Well, dapat ko siyang pasalamatan.
Nakahiga kaming tatlo dito sa damuhan. Nagpapahinga mula sa bangungot na kanina lang ay dumating. Nakahiga kami sa kumot kaya naman hindi marurumihan ang mga school uniform namin.
Nakatulala akong nakatingin sa kalangitan. Hindi naman matindi ang sikat ng araw kaya malaya ko 'tong nagagawa.
Sariwa pa din kasi sa isipan ko ang mga sinabi at isiniwalat ni Emi kanina.
"at ibigay kita sa kanya."
"at ibigay kita sa kanya."
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala 'yon sa isipan ko. Ngunit kahit ilang beses ko 'yong gawin, hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi na 'yon ni Emi.
Isang katanungan lang ang nasa isipan ko ngayon, Anong kailangan nila sa 'kin?
"Hindi ako makapaniwalang lilisanin na natin 'tong Galleon Institute. Nagsilbing tahanan ko 'to ng almost 3 years." Nang sabihin 'yon ni Sigray ay napalingon ako sa kanya.
Totoo ang sinabi niya. Mahirap lisanin ang isang lugar na nagsilbing tahanan mo ng maraming taon. Mahirap lisanin ang tahanan na tumanggap sa buong pagkatao mo, kahit minsan ay mayroon kang pagkakamali.
Nakaramdam ako ng awa kay Sigray. Lahat ng nararamdaman niya ay dinadaan niya sa tawa. Kahit malungkot at nasasaktan siya, tatawa siya o 'di kaya'y patatawanin ka niya. Malaking bagay na naging kaibigan namin si Sigray.
Ang alam ko, nawalan na ng isang magulang si Sigray, at ito ay ang nanay niya. Kung ako ang mawawalan ng isang ina, hindi ko 'yon kakayanin. Pero dahil siya si Sigray, nanatili siyang matatag.
Natatandaan ko pa noon noong pumasok si Sigray kahit nakaburol na ang kaniyang ina. Mas pinili niyang pumasok kaysa makita ang kaniyang ina sa kaunting panahon na makikita niya ito. Ang sabi niya sa amin noon, "Mas mabuting pumasok ako kaysa hindi. Kasi, hindi matutuwa ang nanay kung hindi ako papasok. Malulungkot 'yon panigurado dahil ang isang kahilingan niya ay mababakasan ng kaunting pagkakamali kung nagawa kong hindi pumasok. At alam niyo ba ang kahilingan ng nanay? Iyon ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral." Napaiyak kami ni Emi ng i-kwento niya sa amin 'yon. Tinawanan niya pa nga kami at sinabihang huwag kaming umiyak.
"Bakit nakatulala ka d'yan, Shabi?" Tanong sa akin ni Sigray. Umiling ako at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Chasing Storm
AdventureStorm Hawthorne is being chased by some addict and obssessed boys because of her beauty and body. She tried to escape from them by transferring on Altruism High with her friends where she will meet the good-looking student named Vaughn Primero. Vau...