Chapter 5
Storm's POV
Nakasakay na kami dito ngayon sa sasakyan. Natapos na naming fill-upan yung form pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang message na natangggap ko kani-kanina lang.
Mukhang napansin ni Sigray ang pagiging balisa ko. Bigla niya kasing hinawakan ang kamay ko.
"Okay ka lang ba, Storm?"
Pinilit kong ngumiti. "O-oo naman, Sigray. Bakit naman ako 'di magiging okay?"
Ngumiti siya at umiling. "Napansin ko lang na kanina ka pa hindi nagsasalita. Mula pagkatapos nating magfill-up ng form hanggang ngayon."
Umiling din ako kaagad. "Napagod lang siguro ako kahit wala namang kapagod-pagod sa ginawa ko, hehe." Pinilit kong tumawa para hindi sila magtaka sa mga kinikilos ko ngayon.
Papunta kami ngayong mall para mamili ng gamit. Nakabili na kami ng school uniform at talaga namang maganda ang yari niyon.
Nang marating namin ang mall, sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Una naming pinuntahan ang National Book Store. Nag-ningning ang mga mata ko ng makita ko ang mga brush pens sa isang gilid.
Mahilig kasi akong mag-lettering kaya kapag may nakita akong mga brush pens, talagang hindi ko mapipiligan ang sarili kong bumili nito. Kumuha ako ng basket na paglalagyan ko ng mga bibilhin ko.
Kumuha ako ng 5 magkakaibang kulay ng brush pen. Ang mga kulay na napili ko ay Black, Light Blue, Pink, Light Yellow, at Beige.
Dumiretso naman ako sa bilihan ng mga notebooks. Kumuha ako ng dalawang makakapal na notebook. Kumuha din ako ng anim na notebook na mayroong saktong kapal.
Dumiretso naman ako sa bilihan ng mga paper pads. Kumuha ako ng isang pack ng papel na may tatak na Cattleya. Kumuha din ako ng dalawang yellow pad at isang pad na assorted ang kulay.
Kumuha na din ako ng mga folder na maaari kong paglagyan ng mga mahahalagang papel na kailangan sa school. Kumuha na din ako ng color royal blue na envelope, trip ko lang.
Pumunta naman ako sa area ng nbs kung saan ka makakakita ng madaming ballpen.
Kumuha ako ng 3 black na gel pen, 3 red na gel pen, 2 g-tech na color black, 2 g-tech na color red, isang pack ng faber castle na pencil, 1 pilot marker na color black, 1 pilot marker na color red, 1 pilot marker na color green, at 1 pack ng sharpee na assorted ang kulay.
Pumunta naman ako sa medyo dulong bahagi ng NBS. Kumuha ako ng manila paper, illustration board, at mga cartolina. Maganda na din yung may stock kang gamit sa bahay para hindi mo na kailangang umalis kapag may kailangan ka.
Nang makita kong okay na ang mga gamit ko, aalis na sana ako nang may maalala ako. Correction fluid pa nga pala!
Nakakita ako ng correction fluid at kukuhanin na sana iyon nang may nakahawak din nito. Napatingin ako sa kanya at literal na napanganga ako nang makita ang hitsura niya.
Matangos ang ilong, mahahabang pilikmata, halos singkit na ang mga mata, at mapula ang labi. Iyan ang mga katangian ng taong kaharap ko ngayon. Pero mas may itsura pa rin si Sigray! W-wait! What am I saying?! Nababaliw na ako!
BINABASA MO ANG
Chasing Storm
AdventureStorm Hawthorne is being chased by some addict and obssessed boys because of her beauty and body. She tried to escape from them by transferring on Altruism High with her friends where she will meet the good-looking student named Vaughn Primero. Vau...