Chapter 4

9 2 0
                                    

Chapter 4

Storm's POV

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Tiningnan ko ang aking telepono at nalamang 7 o'clock na ng umaga.

Naghilamos muna ako at nag-tooth brush bago bumaba.

Pagkababa ko, nadatnan ko sina Tita't Tito na nag-uusap sa sala. Binati ko sila at tinanong kung nasaan sila Emi.

"Natutulog pa si Emi, samantalang si Sigray ay nakatambay doon sa swimming pool ninyo." Sabi ni Tito Green.

Tumango ako at ngumiti. "Salamat po!"

Naglakad ako papunta sa swimming pool area ng rest house. Nakita ko si Sigray na nakaupo at nakalubog ang paa sa swimming pool.

"Good morning, Sigray!" Bati ko sa kanya na ikinagulat niya. Pero kaagad din siyang ngumiti at tumayo.

"Magandang umaga, binibining bagyo!" Ngumuso ako. Matutuwa na sana ako sa sinabi niya kung hindi niya lang ako tinawag na bagyo.

"Shabi ang tawag mo sa 'kin hindi ba? Bakit naging bagyo?" Tinawanan niya ako na napalitan ng ngisi.

"Anong mas gusto mo? Shabi o Bagyo?" Pagkasabi niya no'n ay bigla na lang siyang tumawa ng malakas.

Napangiti ako sa ganda ng tawa niya. Ang mapuputi niya ngipin ay kitang-kita ko dahil sa mga ngiti niyang walang kasing-lapad. OA ka naman, Storm.

"Oh, natulala ka na naman? Naniniwala na talaga 'kong nagugustuhan mo na din ako. Ako kasi, nagugustuhan ka na." Nang marinig ko 'yon ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nag-init din ang mga pisngi ko. Tumingin ako sa kanya ng may nanlalaking mata.

"S-sigray, grabe! Ang corny mo!" Tumawa ako ng malakas para mawala ang pagiging awkward namin sa isa't isa.

Ngunit biglang sumakit ang puso ko nang makita ko ang kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagguhit ng sakit doon. Seryoso ba siya?

Pero tumawa siya kaya natawa na din ako. "Tini-test ko lang kung talagang gusto mo 'ko. Kinilig ka din naman e. Kaunti na lang, maniniwala na talaga 'kong gusto mo 'ko."

"Anong gusto-gusto 'yang narinig ko?!" Biglang may nagsalita sa likuran namin kaya napalingon kami dito.

Nakita namin si Emi na naglalakad papalapit sa amin.

Nginitian ko siya at binati. "Good morning, Emi!"

"Good morning din, Sigray at Storm!" Nakangiti niya kaming binati. "Kayo ah, 'di niyo man lang ako ginising!"

Chasing StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon