Chapter 7

3 1 0
                                    

Chapter 7

Pearl's POV

Sa nangyari kanina, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin.

I know na tama ang ginawa ko na sinabi ko sa kanila yung message sa 'kin nung stalker, pero may part sa 'kin na parang mali yung ginawa ko.

Nandito ako sa kwarto na in-assign sa 'kin ni Storm.

Mom and Dad's right. Dapat nga ay magpasalamat pa kami kay Storm dahil binigyan niya kami ng bahay na pwedeng tuluyan.

Napabuntong hininga ako.

Bakit kasi sa lahat pa ng tao, si Storm pa ang naging biktima?

Storm's beautiful, hindi ko 'yon maipagkakaila. Pero hindi ba masyadong OA na kung kailangan mong sapilitan na kuhanin yung babaeng gusto mo?

Ang sabi nila, Love conquers all. Gusto ni stalker si Storm, but he just do that because of lust, not love.

Bumangon ako para puntahan si Kuya sa kwarto niya.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa akin ang makalat na kwarto ni Kuya.

Gusto kong mainis, pero hindi ko magawa. Because he's my brother, my older brother.

"Kuya, bakit ba ganito 'yong kwarto mo? Hindi ka man lang mahiya kay Storm." Pinulot ko ang mga damit na nakalat sa dinadaanan ko.

"Bakit sobrang halaga sa inyo ni Storm?"

Napatigil ako sa pagpulot nang tanungin iyon ni Kuya.

"Bakit ganyan namang ang tanong mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Parang kakaiba ang turing niyo kay Storm. Parang iba ang halaga niya." Tiningan niya ako.

Napalunok ako bago umiling.

"P-paanong kakaiba? Pare-pareho naman ang t-turing natin sa isa't isa ah?" Napalunok ako pagkatapos kong sabihin 'yon.

Kita ko ang pagguhit ng ngisi sa kanyang labi.

"Alam kong may itinatago kayo sa akin. Kayong lahat. Hindi lang sa akin, pati na rin kay Storm at Sigray. At, Pearl... Itaga mo sa bato, malalaman at malalaman ko din 'yan sa pinaka-mabilis na panahon." Tumayo siya at kumuha ng sigarilyo mula sa maliit na lamesa ng kanyang kwarto. "Magpapahangin lang ako."

Nang makalabas si Kuya ang hinang-hina akong napaupo sa higaan ni Kuya.

Napailing ako.

Hinding hindi mo malalaman kung ano man iyon, Kuya.

***

Gem's POV

Nakita ko ang reaksyon ni Pearl kanina. Halatang mayroon silang alam na hindi ko alam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon