Feeling ko ang tagal tumakbo ng oras kaninang lunch. Kahit na mabagal akong kumain, sinubukan ko talagang bilisan dahil gusto ko ng makaalis sa hapag.
"Gutom na gutom ka ata Ysabelle?", puna ni Señor sa akin.
"Medyo po.. ", I smiled shyly.
Nang natapos kaming lahat ay tumulong ako kina Maria sa pagliligpit ng mga pinagkainan.
"Ysa, maupo ka na lang. Hayaan mo na sina Maria diyan. ", sabi ni Senyora.
"Ayos lang po, Senyora. Kukunin ko na rin po yung leche flan para maihain. ", I said.
"Tulungan na kita.. ", Hughes stood up from his seat. Hindi na ako umapila dahil gusto ko na talagang umalis doon.
Dire-diretso ako sa kusina. I didn't mind Hughes' presence. Inayos ko ang leche flan na ise-serve.
"Kami na po riyan Sir Hughes.. ", sabi ni Ate Mercy.
"Hindi na po. Ayos lang. Kaya na namin ito.. ", he said. "Ako na ang magdadala ng mga ito.. "
"Okay po.. ", ngiti ko but it faded quickly. Pagkalapag ko nito sa mesa ay babalik uli ako sa kusina. Doon na lang ako kakain. I don't think I can stand sitting beside Alfred again.
"Kausapin ko lang po uli si Ate Mercy..", paalam ko kay Lola. I made sure na narinig iyon ni Señor.
"Sige sige", sagot ni Lola.
Pagdating ko ng kitchen ay nakita kong kumakain din ng leche flan sina Maria.
"Oh, bakit ka nandito?", tanong niya.
"Dito ko gustong kumain ng leche flan"
"Sus. Iniiwasan mo lang si Sir Hughes, eh..", tukso ng isang kasambahay.
"Ha? Hindi, ah!"
"Asus! Obvious kaya Ysa. Hindi ka makatingin sa kanya ng diretso tsaka pagdating niyo kanina dito sa kusina eh namumula ka.. ", tinuro ako ni Jamila gamit ang kutsara niya. I laughed. Seriously?
"Hoy, wag nga kayong gumawa ng issue. "
Patuloy pa rin sila sa pang aasar. Iniisip nilang crush ko rin si Hughes.
"Uy. Pero ang gwapo talaga nila Sir Fire at Sir Alfred. "
"Maganda ang lahi ng mga Salvador, eh.."
"Bakit pala wala yung mga babae dito?"
Napaisip din ako sa tanong ng isang kasambahay don. Bakit ang mga lalakeng apo lang nina Senyora ang nandito?
"Nandoon sila sa bayan. Namamasyal. Matagal na rin silang hindi nakabisita dito. Masyadong busy sa Maynila. ", sagot ni Aling Anita.
Sabagay, Sta. Ana is miles and hours away from Manila. May isang probinsya ka pang madadaanan bago makarating rito.
Sta. Ana is blessed with beautiful sceneries. Mayroong burol kung saan may shrine sa pinaka-tuktok, mahangin at presko sa lugar na yon. There are also lots of local and foreign restaurants sa bayan pero di naman non nalalamangan ang mga local na kainan dito sa Sta. Ana na dinadayo rin.
There's also a flower park sa tapat ng malawak na ilog that's open for all. Wala mang beach dito but there are streams in the forest kung saan pwedeng maligo.
I decided na tumambay na lang muna sa hardin ng mga Salvador. Malawak ang lupain nila. Mayroon silang swimming pool sa kabilang banda habang dito naman sa hardin ay may pond at malaking greenhouse.
I looked at the sky. It's surrounded by white fluffy clouds. Napangiti ako. Ang gaan sa pakiramdam tignan ng kalangitan. When the soft breeze of the wind came, itinaas ko ang isa kong kamay para damhin yon while my eyes are closed.