xxviii

3.3K 93 12
                                    

"Grandpa, I think this cow is sick.." tawag ko sa kanya. Ilang araw na daw hindi maganda ang pakiramdam ng hayop na ito.

Lumapit siya para i-check ang kalagayan ng hayop. He asked for the veterinarian to be called.

Matapos ang ilang oras na pagchicheck sa farm ay nangabayo kami pabalik sa mansyon. Marunong na ako pero hindi pa kasing galing ng mga pinsan ko. We went inside the parlour and asked for some snacks.

"How's uni?" tanong ni Grandpa.

"It's fine. I'm coping up and I have friends. One is a Filipina.."

Ngumiti siya. Despite his old age, malakas pa rin si Grandpa. He's actually older than Lola Caring. I'm surprised na napapamahalaan niya pa rin ng maayos ang farm.

"About the business.." simula niya. "Lucas told me that it would be better if you'll handle it."

Tinutukoy niya ang business namin sa Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit ba kasi nagtayo doon ng resort.

"I don't have any background in business, Grandpa. I'll fail.."

Mataman niya akong tinignan. Alam niya atang nagrarason lang ako. But it's true!

"You can always study.."

Hindi ako sumagot.

"Then, what are your plans after graduating?" tanong niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi sa totoo lang, wala pa akong plano para diyan. Naka-focus lang ako sa pag-graduate. Yun lang.

"See. You don't have any plans yet. I'm sure you'll go back to the Philippines maybe not after your graduation, but you'll go back.."

Yumuko lang ako ng konti at nilaro ang strawberries sa cake na meron ako.

"I heard you joined volunteer activities in Cambridge. How's it faring?" he sighed. Siguro ay binago niya ang topic dahil wala talaga akong masasabi.

"It's a tad difficult than I expect it to be. We went to an orphanage, a home for veterans and a rehabilitation center." kwento ko.

Sa dalawang taon ko rito ay sinubukan kong ma-involve pa sa ibang mga bagay. I joined a volunteer group na pumupunta sa mga less fortunate na cities to give out something.

One of the most memorable experience there ay noong nakakilala ako ng isang batang ulila. She's a bit hostile to everyone at mailap kahit sa mga batang nakakasama niya sa orphanage.

"Hi.." I said. I kept a good distance between us.

Nakatingin siya ng masama sa akin while hugging herself. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagdududa. Ipinakita ko ang isang stuffed toy, I saw a glimpse of happiness in her eyes.

"You can take it. It's yours.." sabi ko.

Gusto niyang lumapit pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil wala siyang tiwala sa akin. Tumayo ako, she looked alarmed, inilapag ko sa harap niya ang laruan.

"Don't worry. I won't hurt you.." nginitian ko siya bago umalis.

Inabot ng ilang buwan bago siya nagtiwala sa akin. One volunteer told me that she suffered beatings sa kanyang mga magulang. She's only four years old nang nagsimula ang pananakit sa kanya. Nagtagal iyon hanggang sa mag-walong taong gulang siya. The same age she was brought by the social workers here.

Actually, hindi lang siya ang nakaranas ng malupit na tadhana rito. Lahat sila. Lahat ng mga batang nandito ay nahirapan sa iba't-ibang paraan. My heart clenched upon knowing that.

Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon