"Ano na naman Harley?"
"Nakauwi na.."
"Oo, nasa condo na ako. Anong kailangan mo?" tanong pagkahiga ko sa kama ko. I just got home pagkatapos ng misyon ko sa Cebu tungkol sa illegal na mga droga.
"Si Ysabelle nandito na," sabi niya mula sa kabilang linya. Agad akong napaupo.
"Saan?"
Tumawa siya, "Nasa condo niya ngayon.."
I looked at the time, hindi pa naman masyadong late, it's nine-thirty in the evening, maybe I can see her.
"Saang condo?"
"Ibibigay ko sayo mamaya but you need to do me a favor."
Heto na naman. Every time she gives me information about Ysabelle, na gustong-gusto ko naman, ay humihingi siya ng kapalit. Pumayag naman ako agad kahit hindi ko pa alam kung ano iyon.
"Pupunta siya ng Sta. Ana bukas, just meet her there at wag mong puntahan sa condo niya. The place is heavily guarded kahit ang mismong building."
"Bakit?"
I know she came from a high profile family and I know Lucas brings bodyguards at times pero may kakaiba akong naramdaman sa sinabi ni Harley. I never doubted my instincts.
Andrea asked me to accompany her papunta ng Sta. Ana dahil pag-uusapan daw nila ni Lola ang tungkol sa lupang binebenta ng pamilya niya. Sa tingin ko ay narinig ko ang tungkol sa bagay na iyon mula kay Fiona. Habang nasa byahe ay hindi ko na nasusundan ang mga kwento ng kasama ko dahil iniisip ko na kung ano ang magiging reaksyon ni Ysabelle sa oras na makita niya ako. The last time we saw each other, it didn't turn out great.
"Hijo! Akala ko hindi ka makakapunta? Si Hughes?" bati ni Lola nang makita niya ang pagdating namin. Hindi ko nasagot ang tanong ni Lola dahil agad na nahagip ng tingin ko ang mukha ni Ysabelle. I never forgot how she looks. I kept myself updated about her life through her social media account and Harley.
Hindi siya nakangiti at pinasadahan ng tingin si Andrea.
"Good evening po, Senyora. Good evening, Señor. Pasensya na po hindi kami nakapagsabi. Kakagaling lang po namin sa trabaho.." Andrea said. Lola smiled awkwardly.
"A-Ahhh! Have a seat! Inimbitahan ko nag pala sina Caridad. And.. Ysabelle is here!" presinta sa amin ni Senyora Cassandra.
"Kamusta, hijo?" ngiti ni Ma'am Josie sa akin.
"Ayos lang po, ma'am.."
When Ysabelle finally looked at me, kinabahan ako. I thought she would glare but she didn't. Hindi rin naman siya ngumiti. It's been years. Ang lapit-lapit na niya sa akin! How I wish she would stay here in the Philippines for good.
"Yow, Alfred nasaan ka?"
"Nasa mansyon. Bakit?"
"Why don't you go here at the grill? Maraming magagandang babae dito." sabi ni Fire.
"Not interested," sabi ko at ibinalik agad ang atnesyon ko sa aking laptop. Even when I'm done with my mission, hindi pa rin natatapos ang trabaho ko.
"Ysabelle is here." iyon lang ang sinabi niya bago ibaba ang tawag at iyon lang ang kailangan para mapaalis ako sa mansyon at bumyahe papunta sa lugar kung nasaan sila.
Pagkarating ko ay naghiyawan ang mga pinsan ko lalong-lalo na si Fire. I badly want to punch his face. Meanwhile, Hughes looks surprised nang makita ako.
"Oh, akala ko ba busy ka?" tanong ni Hughes. I can see that he's texting someone.
"Bagal mo, di mo tuloy naabutan!" tawa ni Fire. Umirap ako at umorder ng maiinom, Hughes' eyes lit up when he realized what his other cousin s talking about, nilingon niya ako at ngumiti.