Sinubukan kong hindi magpaka-awkward sa dinner kahit na ganon ang nararamdaman ko. Pinipilit akong isali ni Senyora Cassandra sa usapan nila ni Andrea at hindi niya iyon nagugustuhan.
"May casting po uli ang Reymundo for a fashion show next month.." Andrea said.
Senyora's eyes lit up, "Oh! Hindi ba Ysabelle nagmodel ka rin? Para kay Vangie sa brand niya"
"Opo.." mahina kong sagot. Tumingin si Andrea at niliitan ang mga mata. Maybe she's trying to remember me.
"You did? Talaga? Kailan?"
"Uhmm.. Two years ago.."
Iyon ang pinaka recent kong sinalihan. Hindi na ako muling nagmodel dahil naging busy na ako sa trabaho at iba pa. But Tita Vangie still sends me some invites para manood ng show.
"Three years ago din," ani Alfred na tila ba pinapaalala ang isang importanteng impormasyon.
Tumahimik muli ang hapag. Senyora curiously looked at him.
Nagkita nga pala kami sa fashion show noon! Kahit na gulat na gulat ako ay pinanatili kong kalmado lang ang aking itsura. Bakit niya pa sinabi iyon? Bahagya ako yumuko at sumubo ng pagkain.
"Paano niya nalaman?" bulong sa akin ni Lola.
"E-Ewan ko po, La.. Baka sa pictures.."
"Okay! Ikaw pala yung mysterious model ni Tita Vangie! You're the one who wore the masterpiece.." Andrea said. Tumango lang ako. "Nandoon nga pala si Alfred noong unang international gig ko sa Reymundo. Nagulat nga po ako nang makitang nandoon siya with flowers.."
Nagpigil akong umirap. Sino bang nagtatanong?
Imbis na makinig pa sa kwentuhan nila ay binilisan ko na lang ang pagkain ko para matapos na ito.
"Gusto niyo ba ng dessert? We have leche flan and fruits.." masayang sambit ni Senyora.
"Sige, Cassandra.." ani Lola Caring.
"Mabuti pang doon na tayo sa salas.." sabi ni Señor Arturo. Lumapit naman agad sa kanya si Senyora Cassandra matapos utusan si Ate Mercy at ang isa pang kasambahay.
"Tulungan ko na po kayo, Ate.." sabi ko.
"W-Wag na, Ysabelle.. Sumama ka na sa amin doon," masuyong sinabi ni Senyora pero tumanggi ako.
"Masyado pong madami ang bibitbitin nila, it'll be better if I help them"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil dumiretso agad ako sa kusina. Umiwas din ako nang makasalubong ko si Alfred. I was about to step on the left nang ginawa niya rin iyon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay babangga ako sa kanya.
"Ex.." hindi ako pwedeng mautal kaya huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Excuse me.."
"Alfred? Let's go.." tawag sa kanya ng kanyang girlfriend.
Nang hindi pa siya umaalis sa harap ko ay nilampasan ko na lang siya without looking at him.
"Lady Ysabelle," one of my bodyguards acknowledged my presence.
"No, it's okay. Enjoy your dessert. I'll tell you when we're going to leave.."
Tumango sila sa sinabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakita ko sina Ate Mercy na pinupuno ang tray ng mga platito, dessert, juice at tubig.
"Tulungan ko na po kayo, Ate Mercy"
"Naku! Wag na, Ysabelle! Kaya na naman ito," sabi niya.
"Tsaka hindi ka na tapag-silbi rito, uy. Prinsesa ka nga doon sa inyo di ba?" sabi naman ng isang kasambahay na naging kasundo ko rin noon.