xxv

3.6K 110 2
                                    

I was escorted to my room pagkarating namin sa bahay ni Uncle Klaus. Lucas was saying something to me pero hindi naman iyon pumapasok sa isip ko. My mind is blank. Kanina pa ako tulala simula nang mag-sink in sa akin na nasa London na pala ako.

London.

After I was left alone in my room, dumiretso agad ako sa kama. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi naman ako iyakin but my situation makes me cry a river. Wala akong pake kung madaling araw na o magkulang na naman ako sa tulog.

Mahirap para sa akin ang iwan ang Sta. Ana, even when I decided to study in Manila, pipilitin kong umuwi kahit weekends man lang. Mahirap para sa akin ang iwan sina Lola Caring, Nanay Josie pati na ang mga taong tumulong sa akin na makaalis o makatakas. The Salvadors are powerful in Sta. Ana and they have connections, paano na lang kung mapagbuntungan nila ng galit sina Mang Jun?! Or Roxy? Jasmine?

A few hours later, mukhang naubusan na ako ng luha. Mabuti na lang at may nakahandang isang pitsel ng tubig at baso dito sa drawer katabi ng kama. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagsasalin ng tubig. I didn't know how thirsty I was, naka-ilang baso yata ako.

The lights are off. I didn't bother opening it pagkapasok ko dito kanina. I asked to be left alone immediately. Staring at the complete darkness, I kept repeating to myself that this is not a sad story. This is just a sad chapter of my life. Then I slowly dozed off to sleep.

"There you are!"

"Oh, dear! You look horrible!"

"Have a seat, Ysabelle"

Tinignan ko ang tatlong taong nasa hapagkainan ngayon. Uncle Klaus, who looks eager to talk to me, Auntie Elizabeth, who's examining my appearance from head to toe and Lucas, who, until now, looks concerned.

Sinubukan kong ngumiti at nilapitan ang mga kamag-anak ko. Uncle Klaus stood up to give me a hug. It felt weird at first pero kalaunan ay naramdaman ko ang pamilyaridad. Sumunod naman si Auntie Elizabeth na hinawakan muna ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang kamay.

"You look like Ysedee!," binitawan niya ako at hinawakan ang aking mga balikat. "You have dark circles under your eyes. Were you not comfortable in your room?"

"The room's fine, Auntie. I just lack in sleep these past days.."

Parang naintindihan nila ang ibig kong sabihin doon. Nang mabalita kay Lucas ang tungkol sa aksidente ay sinabi niya agad ito kina Auntie.

Pinaupo ako ni Auntie sa kanyang tabi habang sa harap namin si Lucas at sa gitna naman si Uncle.

"Nasaan si Harley?," I inquired.

"She's still sleeping in her room.," Lucas said. Buti narinig niya ako because the table is kinda wide, may nakaharang pang flower vase sa gitna at medyo paos ako.

Sinimulan ko na ang pagkuha ng pagkain. Walang kanin, I noticed. They have fried eggs, bacon, ham, pancakes, fruits, beans and two kinds of breads. Aabutin ko na sana ang pancakes pero naunahan ako ng isang maid na nasa likod ko lang pala. Kinuha niya ang plato na may pancakes at siya na mismo ang naglagay non sa aking pinggan.

"No, it's okay. I can do it.." pigil ko pero hindi niya iyon pinansin.

The dining area is simple compared to the grand hallway I passed by earlier. The oval mahogany table is filled with foods and two flower vases. There is also an antique drawer filled with antique flatware behind Lucas. The brown furniture compliments with the cream colored walls. Sa likod ni Uncle Klaus ay ang mga bintana kung saan kita ang magandang tanawin. The window panels are made of wood and violet curtains are tied at the sides.

Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon