"That's too long"
"Nope. Too skimpy"
"Backless?! No. Change now!"
"You're not going to that party wearing that dress, young lady."
"Hmm.. I think i-- May slit? Ang haba naman! Hindi. Palitan mo yan. Wag kang kumontra. "
"It doesn't suit you. Are you sure you don't want this turtle necked dress?"
Naiinis na ako dito kay Lucas. Lahat na lang ng napipili ko, hindi niya gusto. Ayaw niya ng mga dress ko doon sa apartment dahil masyado daw simple. I didn't know that Fendi and Burberry looks simple for him!
I stomped my foot nang hindi na naman niya nagustuhan ang napili ko. Mag-iisang oras na kami dito! Dapat kay Cole na lang ako nagpahatid o kaya kay Jasper.
"Sino ba kasing nagpapasok sayo dito.." bulong ko.
"What did you say?"
"Wala. " I said as I picked another dress.
Inabutan ako ni Marian ng isa pang damit. It's a tube dress na kulay puti, patong-patong ang maninipis na tela at may floral emblem sa gilid ng bewang.
Lumabas ako at pinakita ang suot ko kay Lucas. He scanned me from head to toe before nodding in agreement. Sa wakas!
Hinubad kong muli yung damit dahil aayusan muna ako ng buhok. They will also do my make-up.
"Lucas? Natanggap mo ba yung invitations?" tanong ko habang nakapikit.
"Yeah. About the fashion show? I told my Mom about it. She's so excited."
"Mauuna akong pupunta doon, ah. Tita Vangie said that our call time is 4 in the afternoon."
"And the show's at 6?"
"Yeah"
Kailangan daw na maaga dumating ang models para magpractice ng paglalakad sa runway. May anim na designers daw na magpe-present ng mga gawa nila. Si Tita Vangie ay may labing limang piraso ng mga damit na ipapakita.
Kinakabahan na ako dahil baka nandoon si Andrea Constantino. I don't want to see her.
Nang matapos ang pag-aayos sa akin ay sinuot ko na ang damit. May hair is down at may loose curls. Saka ko lang na-realize na ang haba na pala ng buhok ko. I'm only wearing a light make-up dahil iyon ang nababagay sa dress ko.
Wearing my four inches silver heels, bumaba ako ng hagdan habang inaalalayan ni Lucas. Tumayo si Grandma para lapitan ako, tears are brimming her eyes.
"You look like Ysdee.. " haplos niya sa aking mukha. She smiled. "How I wish she's still alive."
Sometimes, I wonder kung anong mangyayare kung buhay pa ang mga magulang ko. Would they bring me here kina Grandma? Makikilala ko kaya ang Auntie at Uncle ko?
"We should take a picture!" Grandma gleefully announced.
Pinagitnaan ako nina Grandma at Grandpa. Behind us is the extravagant staircase and luxurious furniture. Sunod naman ay kami ni Lucas, una ay pormal lang but then nagiging clingy na naman siya. He wrapped his arm around me possessively.
"I'll show this to Cole" sabi niya nang tinitignan ang pictures namin. Napailing ako. Ipapainggit niya pa.
Nahihiyang lumapit sa akin sina Marian para magpicture din kami. I agreed. Naging malapit agad kami sa isa't-isa sa maikling panahon. She said that I changed the household.
"The mood became light.." sabi niya noon.
Hindi naman daw sa minamaltrato sila pero tahimik at seryoso lang daw lagi noon. Wala masyadong bisita o ingay. When I came, nag-iba raw lahat.