"Pinapasakit ni Senyora Cassandra ang ulo namin!" Roxy gritted her teeth.
"Bakit? Ano na namang ginawa niya?" tanong ko.
"Pinataasan ba naman ang upa don sa pwesto namin sa palengke. Kagigil te! Magkano na lang ang matitira sa amin. Tinakot niya ata yung mayari."
I feel bad. Kung hindi siguro niya ako tinulungan, hindi sila madadamay.
"Hoy, bruha. Wag kang mag-emote diyan. Malilintikan yang matandang yan kapag napatunayang wala ka talagang kasalanan. Pinipilit pa rin atang ikaw ang may kasalanan! " sabi niya. "Tsaka kahit di kita tinulungan, hello? Idadamay niya pa rin kami. Kahit nga si Mang Dionsio, eh!"
Sinabi sa akin ni Nanay Josie ang mga nangyare simula nang umalis ako ng Sta. Ana. Sina Mang Dionsio at Roxy daw ay halos gipitin ni Senyora. Tinataasan ang bayad sa upa ng kanilang pwesto at nang malaman ng ibang mga tao ang tungkol sa pagbubuntong ng galit ng matandang Salvador sa kanila, ay tumumal ang kanilang benta.
Si Jasmine naman ay nahirapang kunin ang karagdagang records niya sa aming paaralan. Hinala nila ay may koneksyon din doon si Senyora. Mabuti na lang daw at dumating si Lucas para tulungan siya. He also helped her and her sister, Ate Francine, na makalipat sa isang mas magandang apartment.
"At tsaka, Ysa. Narinig ko kay Ate Verna at Tita Vangie na sumugod daw itong si Senyora sa bahay niyo!"
"Ano? Kailan?" halos ilapit ko ang sarili ko sa aking laptop.
"Noong isang araw lang. Nanggigil ang bakla kong tita. Sabi ba naman ni Senyora sa lola mo, gumanti daw si Lola Caring kasi hindi siya ang napangasawa ni Señor Arturo! May ganong issue pala sila noong kabataan nila!"
Kahit kailan ay walang ganon na naisip si Lola. She loves her own husband at masaya siya para kina Señor Arturo at sa lahat ng nakamit nila.
"Nasasaktan ako para sa Lola mo, umiyak pa nga siya, eh. Sabi ni Tita Vangie, parang wala daw pinagsamahan. Best friends pa man din sila.." Roxy continued.
Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makarating ako rito sa London. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang ebidensya na magpapatunay hindi ako ang may sala.
Though Senyora Cassandra wants justice to be served, mukhang pinapatagal niya rin iyon dahil gustong-gusto niya raw ang paghigantihan ang mga taong importante sa akin.
Kada linggo ay tinatawagan ko sina Lola Caring at ang mga kaibigan ko para kamustahin sila. Lola Caring tries to be cheerful pero alam kong malungkot siya. She misses me already and then, there's Senyora Cassandra and her irrational rage.
"Ysabelle.." tawag ni Roxy.
"Bakit?"
"Sa Maynila na ata kami titira.."
"Ha? Bakit?" tanong ko. Grabe na ba ang ginawa sa kanila ni Senyora?
"Kasi mukhang di ata matatapos itong matandang Salvador na to. Doon na lang din ako sa UP at titira ako kasama nina Francine."
Nalulungkot ako. Binalita ni Marish na umalis na rin ng Sta. Ana sina Mira pero si Mang Dionsio ay nagpaiwan dahil sa kanyang business. Sina Jasmine din ay sa Manila na titira.
"Tsaka si Tita Vangie mukhang magtatayo na ng sarili niyang boutique sa Manila. Doon na lang ako tutulong kahit medyo labag sa kalooban ko. Hahahaha.."
"Pero paano naman ang pagtitinda niyo?"
"May mini grocery store na naipundar si Papa kaya ayos lang!" ngiti niya. "Tsaka ano pala.. itong si Alfred mo.."
I glared at her.
"Charot! Si SPO1 Salvador hinanap ka sa akin ilang araw matapos kang umalis."
"Malamang." pagsusungit ko.