Malaya

22 1 1
                                    

Masakit?

Mahirap.

Ang makalimot sa nakaraan.
kahit maraming araw ang nagdaan.
Sa tuwing sasapit ang Umaga ikaw ang laging Naaalala, Nahihirapan makatulog sa gabi.
Dahil naaalala ko kung paano mo ko unang napangiti.
Mali ba na maalala ko pa?
Mali ba na minahal kita ng sobra? binuhos ko lahat ng pagmamahal na meron ako?.

Siguro nga nagkamali ako? Pero di ko pinagsisihan na ikaw ang minahal ko.
Dahil ikaw ang naging dahilan , Para muli akong may matutunan.
Hindi lang sa larangan ng pagmamahal.
Sumugal kahit walang kasiguraduhan.
Kundi pati narin sa kung paano sumugal?
Sa pagkapanalo o pagiging talunan.

Tila isang malaking bangungot .
Ang ginawa mo sakin pagkalimot.
Naalala ng kahapon.
Sobrang hirap baliwalain at basta basta itapon.
Sinubukan kong maging , Malakas!
Para naman maramdaman nating dalawa ang PATAS.

Dahil kung ikaw na kaya mo,
Hindi ba dapat, Pati ako.
Pinalaya kita,
Hindi dahil sa hindi na kita mahal.
Kundi dahil doon ka magiging masaya.

Alam kong may mahal ka nang iba?
kahit kaligayahan ko sinugal ko na.
P i n a l a y a  k i t a.
Dahil alam kong hindi ka naman magiging masaya , Kahit ipilit ko pa.
P I N A L A Y A KITA.
At ngayon alam kong masaya kana.
Alam kong masaya kana dahil kasama mo na ang MAHAL mong talaga.

Masaya kana dahil,
MALAYA KANA.
Malaya ka nang mahalin siya.
Malaya kana,
Sa pangungulit at pangiinis ko sayo.
Malaya ka na,
Sa pagpupumilit kong ako naman ang mahalin mo.
Pero lagi kong tanong sa sarili ko?
Kelan ba ? yung ako naman yung magiging MALAYA.
Kelan ba yung ako naman yung magiging Masaya.
Pasensya kana,
kung desisyon kong kalimutan ka na.

Alam ko kasi kung saan ka mas Sasaya.
At yun ay sa piling ng iba.
Ang hirap masanay,
Masanay sa alam mong may hangganan.
Masanay sa bagay na alam mong PANSAMANTALA lang.

Naisip ko.
BAKIT NGA BA BIGLANG NAGBAGO?
Napawi lahat ng saya.
na naramdaman ko.
Napawi lang sa isang iglap.
Pero napagtanto ko,
hindi kana Masaya sa piling ko.
na hindi ka na masaya sa pagyakap ko sayo.
Na hindi kana masaya sa Relasyon na meron Tayo.
Dahil meron nang siya,
Meron nang siya sa buhay mo.
Nakikita ko na mas masaya kang kasama siya.
Nakikita ko na mas pinapahalagahan mo siya.
Nakikita ko kung paano ka maglaan ng oras sa kanya.
Kaya mahal,
Patawad.
PINAPALAYA NA KITA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MalayaWhere stories live. Discover now