C.16

10.4K 351 13
                                    

title: HOSTAGED BY HIM

author: NALUNYZ

"I don't care"

Naalipungatan ako sa pagkakahimbing na pagkakatulog ng may mga boses na nagkakagulo sa labas..

"Maawa ho kayo.. dinaman po namin intensyon na itago si beauty ee please po maawa po kayo" rinig konb iyak na pagmamakaawa ni nanay baksin..

"Nay" mahina awat sakanya ni satan..

"Stan ano ba!! Mag makaawa kadin.. sabihin mong dimo intensyon!! Anak ayaw ko makulong ka"

Hesterikal na pag mamakaawa ni nanay baksin..

Agad ako nakaramdam ng takot ng marinig na ikukulong di satan..

Kaya daling dali ako tumayo sa kama ko at agad pumunta sa labas..

At doon naabutan ko ang halos puro kapulisan sa labas ng bakod naman ay mga nag chichismisan..

Nakita ko si nanay baksin na nakaupo habang inaalalayan ni vivian at si satan naman ay nakayuko at diko makita ang muka..

"Satan?" Tawag  ko dito..

Agad nag angat ng ulo si satan at laking gulat ko ng ilang segundo lang kami nagkatitigan ng bigla nalamang ito lumuha..

"Beauty" tawag din nito saakin habang lumuluha..

Kumirot ang puso ko ng makita itong umiiyak.. gusto kudin umiyak..

Pupuntahan ko sana ito ng..

"Franiella"

Ng bigla nalamang nagsipag tindigan ang mga balahibo ko sa katawan..

At nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko..

Ilang minuto kudin hindi ito nilingon hanggang sa dahan dahang hinarap na ito...

At isa lang ang masasabi ko sa mga oras na iyon...

Wala akong maramdaman na kahit na ano...

Wala maski isa..

Pero ang mga tuhod ko grabe ang panginginig...

"My princess "may  malungkot na boses na nagsalita nyan..

Kung kanina ay napigilan kupa ang luha ko ngayon ay may mga sarili na itong utak dahil kusa nalamang ito tumulo...

At ang mga mata din nito ay kumislap din na para bang ilang minuto nalang ay iiyak na ito..

Maputi may malalantik na mga mata magandang pangangatawan..

Di pagkakailang adonis na adonis ang dating nito..

At mukang pati ang bibig ko ay may sarili nading mga utak dahil kusa nalamang ito bumuka..

"Stan" iyak at tawag ko sa pangalan nito..

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito..

At doon kulang napansin na medyo namamaga ang mga mata nito at nangingitim na halatang puyat ito ngunit di nakabawas sa kapugian na taglay nito..

Ilang minuto kaming nagkatitigan habang may mga luha ang mga mata ng isat isa..

At doon kulang napansin na nakalapit napala ito sakin..

"God!! Thank God I found you" iyak nitong saad..

Bago ako hinatak at niyakap ng mahigpit..

"Thank God"

Paulit ulit nitong bulong sa tenga ko at mahigpit na niyakap..

Gusto ko ito yakapin pabalik ngunit pati ang mga kamay ko ay nanginginig nadin..

Nasa ganun lang kami ng biglang nagsalita ang isa sa mga pulis na nandoon..

"Sir sumama naho kayo samin"

"HINDI!! HINDI SASAMA ANG ANAK KO SA INYO!!" sigaw ni nanay baksin..

Ng bigla nalamang ito napahawak sa dibdib at napaupo..

Agad dumalo si satan kay nanay baksin..

Umiiyak na tumingin sakin si nanay baksin..

"Beau- hindi.. franiella nakikiusap ako.. sabihin mo sa asawa mo na wag na magsampa ng kidnapping kay stan ko.. alam naman nating dinya intensyon yun ee" iyak nitong saad..

Dadaluhan ko sana si nanay baksin ng bigla nalamang may humatak sa kanang kamay ko dahilan upang gulat kong hinarap ito..

Nakita ko doon ang galit, lungkot at poot..

Tinitigan ko ito na may lungkot at pagmamakaawa sakanya na wag na ituloy ang balak kahit pa na nasa mga mata nito ang paninindigan..

Pero ang mas nakakalungkot sa lahat..

Alam kong asawa ko sya ngunit hindi ko alam kung bakit.....








Ayaw ko sumama sakanya..

Hostage by Him [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon