Chapter 1

329 7 1
                                    


Sa isang liblib na lugar ay may mag asawang nakatira sa maliit na kubo, may isa silang anak na babae ang pangalan ay si Andrea Hidalgo.. At ako yon hehehe. Simple lang ang buhay namin, pagtatanim sa maliit na bukid ang hanap buhay ng mga pagulang ko... dito namin kinukuha ang aming kinabubuhay ... Mahirap lang kasi kami ... Ako naman ay high school lang ang natapos kasi wala sila nanay at tatay na pangpaaral saakin .. Naiintindihan ko naman sila ... Wala eh ganito talaga ang buhay..

Ako nga pala si Andrea Hidalgo ... Ang nanay ko ay si maria Hidalgo at ang tatay ko ay si rody Hidalgo ... Yun nga, tulad na sabi ko simple lang ang pamumuhay namin inshort mas mahirap pa sa daga..hehe.. Pero ganun paman masaya naman kami kahit ganito lang ang buhay, wala kasi kaming kamag anak ... Malayo din kami sa bayan ... Pero kontento na kami sa aming buhay...Hay..buhay...

Pero hindi nagtagal nagkasakit si tatay at dahil wala kaming pera na pangpagamot kaya tuloyan na siyang kinuha sa amin ng maykapal ...

Yung dating masayang pamilya namin nabahiran ng lungkot ... Kala ko malungkot na ako noon ng namatay ang tatay ko.. Pero masmay ilulungkot papala yuon ng si nanay naman ang namatay ... Siguro sa lungkot narin niya noong pumanaw si tatay ... Napansin ko kasi na wala siyang sigla parati at laging nakatulala lang ... Minsan pa nga nagigising ako sa hatinggabi na umiiyak siya habang hawak ang larawan ni tatay... Kaya siguro napabayaan niya ang sarili niya at hindi niya nakayanan ang lungkot kaya siya naman ang sumunod na namatay..

Kaya ito ako ngayon mag isang namumuhay sa munti naming kubo .. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagtatanim ng gulay at mais ... Paminsan-minsan bumababa ako ng bayan para ipagbili ang mga naani kong gulay at mais para may ipangbili ako ng bigas at kung anu-ano pang gamit sa bahay.

Sobrang lungkot ang mag isa ... Inisip ko nga na umalis na lang dito pero pakiramdam ko may pumipigil sa akin na umalis dito sa bukid .. Pero hindi ko naman alam kung ano?..

Isang umaga habang kumukuha ako ng tuyong kahoy para maipanggatong sa aking lulutuin ... dito sa gubat ay namangha ako dahil sa ibat ibang bulaklak na nakita ko napakarami at sadyang napakaganda na akala mo ay may nangangalaga kahit pa wala naman.. Ngayon ko lang nakita ang parte ng gubat na to, ngayon lang ako napadpad sa parte ng gubat na ito.. Hindi ako makapaniwala na may ganito palang lugar sa gubat na ito.. Bakit ba ngayon ko lang nakita ito?

Sa pagmamasid ko may napansin ako na kambal na puno, may ganon ba? Kasi para talagang kambal eh parihas na parihas at sa may bandang taas ay magkadikit ang katawan ng puno pero sa bandang baba naman ay magkahiwalay ang dalawalang puno.. Napara bang kurting pinto ito ay kapag titingnan mong mabuti...

At yung pakiramdam na parang may humahatak sa akin para lumapit sa puno. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagnanais ko nalapitan ang kambal na puno na iyon.. Ano bang mayroon sa puno na yan..

Pero hindi ko na lang ito pinansin..dahil kailangan ko ng umuwi kasi malapit na ang tanghalian at kailangan ko magmagluto ng aking pananghalian... Kaya akmang tatalikod na ako ay napansin ko ang isang napakagandang ibon ... Hindi ko alam kung anong klaseng ibon ba to kasi parang ngayon lang ako nakakita ng ganitong ibon.. "Ang ganda" nagniningning ang matang sabi ko sa sarili...at lumipad ito malapit sa kambal na puno.. Pakiramdam ko ang bait ng ibon na to parang gusto nitong magpahuli sa akin ... Kaya naman dahan-dahang akong lumapit dito pero bago pa ako makalapit ay bigla itong lumipad patungo sa bungad ng kambal na puno at sa pagkakataon na ito ay sa lupa na siya dumapo sa mismong bungad ng kambal na puno..

Nang tingnan ko ang ibon na to ay nagulat ako ng mapansin ko na parang nakatitig siya sa akin.. O namamalikmata lang ako, at nang aking titigan ko muli ay tama nga ako, saakin siya nakatitig na para bang may ipinapahiwatig na ako ay lumapit ako sa kanya.. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari saakin kung bakit gustong gusto kong makuha ang ibon na ito..

My Beloved's Human(Alpha's Possession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon