Andrea Hidalgo
Nagtaka pa ako ng pagmulat ko ng mga mata ay hindi pamilyar na kuwarto ang aking namulatan ... Pumikit ulit ako at inalala ang mga nangyari ... Mula sa pagkakita ko ng kakaibang ibon na hindi naman pala totoong ibon kundi isang werewolf si Yelena ... At nakilala ko rin ang kanyang lola na isa palang matandang bampira libo na ang edad ... Nalaman ko rin na ang kanyang ina ay isa palang bampira at ang kanyang ama naman ay isang taong lobo or wolf na namatay sa digmaan isang dikada ang nakakaraan.
Ngayon nga ay tahimik silang naninirahan sa gubat na ito at malayo rin sila bayan.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Andrea ng makarinig siya ng katok sa pinto ... Agad naman siyang bumangon at binuksan ang pinto."Sorry, naisturbo ko ba ang tulog mo? Pinapatawag ka na kasi ni lola para mag agahan!" sabi ni Yelena na siya palang kumakatok.
"Ay hindi, okay lang, gising narin naman ako ... Nakakahiya nga at parang tinanghali ako ng gising eh ... Nakakahiya naman sa inyo." nahihiya niyang wika.
"Ano ka ba! Okay lang yon, at saka maaga pa naman, sadya lang na maaga gumising si lola nakasanayan na rin niyang gumising ng maaga."

BINABASA MO ANG
My Beloved's Human(Alpha's Possession)
Werewolf😘😘😘🍂😘😘😘🍂😘😘😘 Ilang libong taon na akong nabubuhay dito sa mundo pero hanggang ngayon hindi ko parin siya nahahanap. Ilang taon na nga ba ang ginugol ko at halos na libot ko na ang buong mundo sa paghahanap sa kanya pero hindi ko parin siy...