Chapter 11

257 11 7
                                    

👑Haring Alpha👑

Halos hindi siya makapaniwala na nandito sa kanyang tabi ang itinakda ng buwan sa kanya. Noong wala pa ito ay sobra siyang nagdaramdam sa may likha sa amin dahil akala ko ay wala siyang ibinigay para makasama ko habang ako ay na bubuhay.

Kaya naman tinoon ko na lang sa pagharap sa mga kaaway o nagtatangka na guluhin ang aking pamumuno. Pero kahit na abala ako sa mga pag harap sa tungkolin ay hindi ko parin nakakaligtaan ang isipin ang babaeng sa akin ay itinakda .

Palaging ko pinanabikan na makita at makasama ito at kung Anong klasing nilalang ba ito kahit na alam niyang hindi problema sa kanya kong sino at ano pa ito. Ang mahalaga ay nasatabi at kasama niya ito.

At kung sino man ang magtatangka na ilayo ito sa akin ay dadanasin niya ang impiyerno dito sa lupa sa mismong mga kamay niya mesmo.

At ngayon nga ay narito na ito sa kanyang piling hinding-hindi na ito makakawala pa.

Hindi paman nagtatagal na kasama niya ito ay alam niyang malalim na ang epikto nito sa kanyang puso at hindi na siya mabubuhay na wala ito sa kanyang tabi.

Sadyang napakaganda nito hindi matatawaran ang angking kagandahan at nararamdaman niya sa una palang niyang pagkakita dito ay napakabuti  ang puso nito.

Kanina pagpasok palang niya dito sa kanyang silid akala niya ay sasalubungin siya ng kinahuhumalingan niyang mga mata nito.. Napangiti na lang siya ng makita itong mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Tumabi siya dito at maingat na niyakap ng kanyang mga kamay ang maliit na katawan niyo, gusto niyang alamin kung gaano kapayapa ang pakiramdam na katabi at kayakap ang kanyang Reyna.

Ngayon palang parang malulunod na siya sa kakaibang saya na dulot ng kanyang Luna sa kanya, Lalo pa kaya pagtagal na kasama ito, baka hindi na siya makaahon sa kakaibang sayang dararamdaman niya, pero tanggap niya ang lahat ng ito dahil wala siyang planong pakawalan ang babaeng ito na nasa kanyang tabi.

Hindi na niya namalayan na sinasabayan na pala niya ang mahimbing na pagtulog ng dalaga.

(Andrea)

Hindi siya makapaniwala na mamumulatan niya ang lalaki sa kanyang tabi. at hindi lang yun napakahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata.

Naparabang ayaw na siyang pakawan nito kahit sa pagtulog.

Hindi na niya namalayan na nakatitig na siya sa binata..  hindi niya alam ang kanyang nararamdam dito,  pero may kung anong saya siyang nararamdam kapag nasa tabi niya ito.

Nagulantang pa siya ng gumalaw at lalu pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya ng binata.

Ang sarap lang sa pakiramdam na yakap-yakap siya nito..  Pakiramdam niya ay ligtas siya kapag nasatabi niya ang binata.

Nagulat pa siya ng bigla itong nagsalita.. Hindi na niya namalayan na gising na rin ito at nakatitig na sa kanya na may pagkamangha at pag-aalala.

"K-kanina ka pa ba gising mahal? Okay ka lang ba? " sabi nito habang inaalalayan siyang umupo.

Kumabog ng malakas ang puso niya ng marinig ang pagtawag nito sa kanya ng mahal,  na para bang natural lang dito na tawagin siya ng ganun.

" O-Okay lang naman ako!  Nagtataka lang ako Ng namulatan kita na natutulog sa tabi ko."

"Ganun ba?  Pasensiya na hindi ko intensyon na takotin ka ,  hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa pagbabantay saiyo." Ani nito.

"H-huh!  Bakit mo ako pinabantayan?" takang tanong niya dito.

"N-nag-aalala ako na baka bigla ka na lang mawala. Hindi ko alam kung maniniwala ka  kasi ngayon pa lang tayo nagkita..  Ngunit matagal ko ng inaasam na makita at makasama ang babaeng pupuno sa pagkatao ko. Parang hindi ko na yata na  mawala ka pa sa paningin ko Mahal."

nasasalamin sa mga mata nito  ang katutuhanan sa mga sinabi nito sa kanya na para bang ako ang kanyang mundo.

May kung ano siyang naramdaman ng marinig ang sinabi nito.  Pero pakiramdam niya ay masaya siyang marinig iyon sa binata.

"P-pasensiya ka na pero hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi mo." nahihiya niyang wika dito.

Napatanga pa siya ng ngumiti ito sa kanya..  Bagamat maliit lang 'yon ay nagbigay ito sa binata ng lalu pang nagpatingkad sa kakisigan nito.

"W-wag mo ng alalahatin 'yon ayos lang.  Siya nga pala,  saan ka naninirahan?"

"A-ay,  Oo nga pala,  kailangan ko ng umalis kasi baka nag-aalala na sila saakin!" taranta niyang wika habang tumayo na sa pagkakaupo.

Ang hindi niya napaghandaan ay ang paghila at pagyakap ng binata sa kanya kaya naman napaupo ulit siya at sa pagkakataong ito ay sa kandungan siya bumagsak ng hilahin at yakapin siya nito.

Hindi niya alam kung bakit nanginginig ang katawan nito at parang takot na takot ang mga yakap nito sa kanya,  na parang bata na ayaw magpaiwan sa ina.

Lalu pa siyang nag-alala ng paramdaman ang pagkabasa ng kanyan balikat. Umiiyak ba ito?Bakit?

Kahit naguguluhan pinilit niya makawala sa pagkakayakap ng binata para matingnan niya ito at alamin kung bakit ito nagkakaganoon.

Pero nabigo siyang kumawala dahil sa higpit ng yakap nito na para bang natatakot itong bigla siyang mawala kapagbinitiwan siya nito.

"B-bakit?  Anong nangyayari sayo? May masakit ba saiyo? Umiiyak ka ba? " sunod-sunod niyang tanong dito.

"P-pakiusap mahal, wag mo akong iwan, dito ka lang.. ! akin ka lang.. ! Please.. Nakikiusap ako.. Alam kung naguguluhan ka.. Pero hayaan mong patunayan ko saiyo kung gaano ka kahalaga sa akin kahit pa sa maikling panahon na nagkakilala tayo... Pero mahal,  hindi ko na yata kayang mawala ka pa sa akin!"

Parang may pumiga sa puso niya ng mag-angat ito ng tingin sa kanya at makita niya ang paglamlam ng mga mata nito at may luhang dumadaloy.

Kahit hindi niya alam kung anong nangyayari dito ay pinunasan niya ang mga luha nito at kusa na siyang yumakap pabalik rito.

"S-sige hindi na ako aalis.  Pero kailangan malaman nila na ayos lang ako para naman hindi sila mag-alala sa akin!"  sabi niya dito habang hinahaplos niya ang buhok sa sikod ng ulo nito para narin kumalma ito dahil kahit na sinabi na niya na hindi siya aalis ay ramdam parin niya ang panginginig nito.  Hindi naman siya na bigo ng kalaunan ay kumalma na rin ang binata...

___________🍁_____________

(A/N)  hay naku mahirap palang gumawa ng story no..  Nakakalugaw ng utak😂 lalu pa at baguhan palang..  Kung wala ngang nagbabasa hindi ko na to itutuloy pero nahiya naman ako sainyo kaya sige tuloy na lang natin..

Akala ko noon habang nagbabasa ako ng story ng iba madali lang gumawa kaya nag try ako gumawa ng sarili kung story. 

May pumapasok kasi sa isip kong story pero nahihirapan akong bouhin iyon.  Kaya natatagalan ako mag update.. Kaya sorry ha sa mga nag aantay ng update  ko at salamat sa nag aantay❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Beloved's Human(Alpha's Possession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon