Chapter 4

518 7 3
                                    

His' POV

'Kanina pa niya nararamdaman na hindi mapakali ang kanyang inner wolf na nasa  kanyang kalooban. kagabi pa niya napapansin na para bang naliligalig ng kung ano ito. tinatanong naman niya kung bakit pero hindi naman ito umiimik.
       Katulad din niya ito na madalang magsalita kung kailagan lang at importante at saka magpaparamdam o magsasalita saakin kung kinakailagan lang. Ayaw niya ng maraming satsat o sinasabi kasi maiksi lang ang kanyang pasensya at alam yoon ng kanyang mga tauhan lalo na ng aking beta.

'Anong nangyayari saiyo Damon ... Kagabi ko pa yaan napapasin, may nararamdam ka bang panganib kaya hindi ka mapakali??' kausap niya rito.

'Wala naman. wag mo na lang pansinin, hindi ko rin kasi alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ng isipin na maglilibo't libot tayo sa bayan.' sabi na lang ng aking lobo.

Naputol ang aming pag-uusap ng aking Inner wolf ng kumatok ang aking Beta sa aking tanggapan. 'Pumasok ka na!' utos ko dito sa pamamamagitan ng isip lang.

"Magandang Umaga po Alpha! ngayon na po ang oras para tayo'y lumakad na para mag-ikot-ikot sa bayan. sigurado pong marami na ang nag aabang sa inyong pagdating. Napag alamanan ko na alam na ng buong bayan ang inyong pagbisita sa bayan at nakahanda narin ang mga  kawal na sasama at magbabantay sa inyo  Apha at nagtalaga narin ako sa bayan para masigurado ang inyong kaligtasan at para maiwasan ang gulo." sabi ng aking Beta.

"Hindi naman kailangan marami ang kasamang kawal Whone, baka matakot lang ang mamamayan kapag maraming kawal sa paligid. at saka kasama naman kita. Pero kung nasa ayos na ang lahat sige pumunta na tayo." sabi niya sa kanyang Beta.

"Masusunod po Alpha." sabi nito habang pinagbubuksan ng pinto habang nakayuko tanda ng paggalang sa nakakataas sa lahat ang Alpha Salvatore.

At tuluyan na silang lumabas sa Palasyo kasama ang mga guwardya ng Apha kabilang ang punong tagapag-bantay at Beta niyang si Whone.

~Whone  Imperial~
      Point Of View

'Whone Imperial ang pangalan ng guwapong betang na sa harapan ninyo girls ...malakas,matapang,mabagsik at walang binatbat ang mga rebeldeng lobo at bampira saakin(sabay ngisi samahan mo pa ng mayabang na kindat)pero kapag si Alpha ang pinag usapan ay walang-wala ako triple yata o mahigit pa ang kabagsikan at kadimunyuhang taglay ng Alpha hindi mo ito makikitaan ng kahit na ano mang imusyon sa kanya dahil palagi lang itong kalmante na para bang walang ano mang gagawin.
         Ang lahat ay na saksihan ko sa kanya mula ng mamatay ang kanyang mga magulang niya ay talagang nakakapanandig balahibo, kung paano siya nagsanay pakipaglaban maging malakas halos hindi na natutulog puro pagsasanay lang ang ginagawa. Hindi naman siya ganyan dati noong nabubuhay pa nga mga magulang niya masayahin at pilyo,palaging nakangiti. palagi kaming magkasamang tumatakas sa palasyo upang tumungo ng bayan para magliwaliw.
           Nagbago ang lahat sa kanya ng Pinatay ang kanyang mga magulang ng mga rebelde, mula noon hindi ko na siya nakita panggumiti.
          Pitong taon palang si Alpha noong namatay ang mga magulang niya pagkatapos noon naging tahimik na siya sabay rin kaming nag insayo makipaglaban pero kahit anong gawin ko hindi ko siya mapantayan sa mga ginagawa niyang pagsasanay sa ibat ibang pakikipaglaban. at kahit tapos na ang oras ng pagsasanay ay patuloy parin ang alpha kahit mag isa lang siya. Kaya hindi nakakapagtaka na ganoon siya kagaling sa lahat ng bagay.
         Napapanganga na ngalang ako kapag nasa gitna kami ng laban sa mga ginagawa niyang pagpatay sa mga rebeldeng lobo man yan o bampira, hindi mo masisikmura ang paraan niya sa pag patay sa mga ito. kapag naiisip ko nga yoon parang bumabaliktad ang sikmura ko at halos manginig ako sa takot sa mga nakita ko. Brutal at walang puso ang nakikita ko sa kanya para bang wala manlang siyang puso sa katawan...
          Galit na galit talaga siya sa mga rebelde dahil sa pinatay ng mga rebelde ang dating Alpha at Luna na mga magulang ng kasalukuyan Alpha namin, kahit panga napaslang na niya ang mga pumatay sa magulang niya.
     Para bang hindi parin na iibsan ang galit niya sa mga ito. dinadalangin ko nga na sana dumating o mahanap na ng Alpha ang kaniyang Luna dahil baka ang Luna ang makakapag pabago sa Alpha ...kahit hindi ako marunong mag dasal' heheh. Ang tagal kasing dumating ang Luna ng DamonSalvatore sana dumating na siya gusto ko rin kasing makita ulit na ngumiti ang kaibigan ko..at para narin mabawas bawas ang kadimumyuhan niya dahil na ha highblood ang kagwapuhan ko..haha! Saan ka na kasi Luna...tulungan mo ang kaibigan kung maging masaya...naaawa na rin ako kay Alpha puro dilim na lang ang nasa buhay niya

"Andito na ang Apha!! Magbigay pugay ang lahat!!!" sabi ng isang kawal na kasama ng Alpha.

Sabay-sabay na yumukod ang mga-(A/N_sabihin ko na lang ay tao kasi ang hirap magpaulit-ulit magsabi ng lobo at bampira) tao ng dumaan ang Alpha hindi ka puwedeng tumingin ng deretso sa mga mata ng Alpha dahil kalapastanganan at puwede kang maparusahan kapagginawa mo yoon. Kahit ganoon paman wala rin naman nakakapaglakas loob na salubungin ang tingin ng Alpha dahil sa kadahilanan na hindi nila makayanang tingnan ang mabagsik nito mga tingin, mapapayuko ka na lang talaga at manginginig sa takot. Puwede mo siyang tingnan kung hindi siya na ka tingin ng deretso sa'yo doon mo lang masisilayan ang kanyang mukha.

Halos wala kang maririnig na inggay habang naglalakad ang Alpha sa kalsada kasama ang mga kawal sa paligid niya. parang huminto ang  oras ng mga tao sa pagdating ng Alpha, hindi sila makapaniwala na nasisilayan nila ngayon ang kanilang Alpha dahil sa madalang lang magpakita sa mamamayan ang kanilang Alpha.
        Sa kakisigan at kagwapuhan nitong taglay magamat wala kang makikitang imusyon sa kanyang mukha ay kaysarap parin nitong pagmasdan. lalu na ang mga kadalagahan halata mo na pigil pigil nila ang kilig dahil sa takot na maparusahan sila kapag hindi nila napigilan ang paghanga sa Alpha.

(A/N_wag kayong maniwala charr lang yan ni otor hehe)

Pagtatagpuin na sila ng kapalaran este ni otor haha! next chapter....

My Beloved's Human(Alpha's Possession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon