~Whone Imperial~
Mag iisang linggo na ng unang makita ni Alpha ang kanyang 'mate' at mag iisang linggo narin kaming paspasan ang paghahanap doon sa babae pero hanggang ngayon bigo parin kaming mahanap siya.
Kahit si Alpha ay alam kung lihim niya rin itong hinahanap pero mukhang nahihirapan din siyang mahanap ito. Dahil sa hindi pa gaanoong active ang band nilang dalawa dahil sa hindi pa niya ito na mamarkahan. kaya kung na sa malayo ito ay hindi niya ito ma aamoy o mararamdaman.
Mag iisang linggo na rin na posposan sa pag hanting at pag patay sa mga rebeldeng bampira o lobo kaliwa't kanan ang kanyang pagpatay sa mga ito na para bang wala ito sa katinuan.
Kung noon ay na kakatakot na ito ngayon doble ang kilabot na mararamdaman mo sa Alpha Salvatore.
'Sana mahanap na namin ang babaeng iyon para matapos na ang lahat ng ito at matahimik na rin ang Alpha. hindi pa man niya nakakasama ang kanyang 'mate' grabi na ang epekto nito sa Alpha na para bang ito na ang sentro ng kanyang buhay.
"B-beta nakita na po namin ang babaeng ipinapahanap ng Alpha, Andito po kami sa may dulong bahagi ng kagubatan na nasasakop parin ng Damon'Salvatore" mind link ng isa sa mga kawal na inutusan na hanapin ang mesteryusong babae.
"Wag ninyong iaalis ang paningin ninyo sa kanya,pupunta na kami ng Alpha diyan." mind link ko sa kanila.
Agad akong tumungo sa tanggapan ng Alpha.
"Alpha na kita na raw ng mga kawal ang babaeng inyong pinapahanap.na sa may dako ng guba't po ito na mataan ng mga kawal." sabi niya ng makapasok siya sa tanggapan ng Alpha na sa kasaluyang abala sa mga papers na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.
Nang maranig ito ng Alpha ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa At halos hindi ko na malayan ang kanyang mabilis na pagkilos, agad akong sumunod rito.
Ilang sandali ay mabilis na kaming nakarating sa gubat at namataan na namin ang gropo ng kawal sa parti ng gubat na iyon na parang may tinatanaw.
Nang dumako ang paningin ko sa bandang tinitingnan nila ay doon ko na kita ang isang babaeng na sa tabi ng ilog habang nakaupo sa malapad na bato at nakatingin sa umaagos na tubig kaya't siguro hindi kami nito na papansin.
Nang ibaling ko ang aking paningin kay Alpha na ngayon ay na sa aking tabi. Nakatulala na naman ito habang nakatitig sa babae.
---------------------🍂
BINABASA MO ANG
My Beloved's Human(Alpha's Possession)
Werewolf😘😘😘🍂😘😘😘🍂😘😘😘 Ilang libong taon na akong nabubuhay dito sa mundo pero hanggang ngayon hindi ko parin siya nahahanap. Ilang taon na nga ba ang ginugol ko at halos na libot ko na ang buong mundo sa paghahanap sa kanya pero hindi ko parin siy...