Chapter 3

167 5 1
                                    

Kasalukuyan kaming papunta ng bayan, nakiusap kasi si Yelena sa lola niya na kung puwede na ipasyal niya ako sa bayan. Ngayon kasi ay nalalapit na ang pyesta ng bayan ng Damon salvatore.

Na ikuwento kasi ni Yelena na kapag nalalapit ng ang pyesta ng kanilang lugar ay maraming nagtatayo ng peryahan sa lugar. maraming mabibiling iba't ibang paninda na mga mura at kung anu-anong palamuti. sa katawan ang mabibili mo.

"Alam mo Andrea ... kapag ganitong nalalapit na ang pyesta napakaraming lobo at bampira ang gumagala at namamasyal kaya naman ang saya ng buong bayan ng Damon'Sanlvatore... malilibang ka talaga lalo na kapag araw na ng pyesta kung anu-anong palaro ang ginagawa nila para sa mga kabataan dito." nakangiti nitong sabi.

"Talaga ba? Pero hindi ba nakakatakot, baka kasi malaman nila na kakaiba ako sa inyo at malaman na hindi ako katulad ninyo." kinakabahan na sabi ko.

"Wag kang mag-alala, hanggang suot mo yang ginawang kwintas sayo ni lola hindi ka nila maaamoy at hindi nila malalaman na hindi ka naming kauri at isa kang tao ... Kaya wag na wag mo yang aalis sa katawan mo." seryosong sabi nito.

Napabuntong hininga na lang siya at hinawakan niya ang suot suot na kuwintas na ginawa pa sa kanya ng matanda. Isa itong kulay silver na may palamuting kurting luha na may lamang kulay dilaw na likido.

"Bilisan mo! malapit na tayo sa mismong lugar ng perya excited na akong bumili ng mga palamuti, sabi ko naman sayo na gumamit na lang ako ng mahika para makarating tayo ng mabilis dito sa bayan ... ayaw mo kasi eh" maktol nito sa kanya.

Noong pumayag kasi ang lola nito na bumaba at mamasyal kami sa bayan ay gusto nitong gumamit ng mahika para mabilis kaming makarating sa bayan, medyo malayo kasi ang lalakarin bago ka makarating ng bayan.

"E-eh, alam mo naman kasi na hindi ako sanay diyan sa mga magic na yan eh, remember tao kaya ako" nakalabi niyang sagot dito.

"Alam ko, pero masasanay karin." nakangising sagot nito.

'Sarap talagang batukan ng babaitang ito. at bigla na lang siyang natigilan at napanganga sa kanyang nakita.😱

My Beloved's Human(Alpha's Possession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon