Chapter 5

222 6 2
                                    

Whone Imperial

Ang kaninang tahimik na mga tao ay Bigla na lang nagkagulo ng Biglang tumakbo ang Alpha na para bang may hinahanap na kung ano.

Napatulala na lang ako kasama na ang mga kawal ng biglang tumakbo si Alpha at agad na rin akong sumunod bagama't naguguluhan sa ikinikilos ng Alpha.

"Alpha bakit po?! Bakit kayo tumatakbo. Anong hinahabol ninyo. May mga rebelde po ba na nakapasok ngayon?" tanong ni Beta Whone na kasunod lang ng Alpha habang sila ay lakad takbo ang ginagawa.

"Tulungan mo akong hanapin siya Whone. Bilisan mo!" _Alpha

"Sino po Alpha ang hahanapin ko. mga rebelde po ba Alpha? May nakapasok ba ulit dito sa bayan na mga rebelde Alpha?!?" tanong ni Whone habang nakatingin sa Alpha habang tumatakbo at palinga-linga na para talagang may hinahanap.

"Hanapin mo ang amoy na yun. Ang mabagong amoy na naamoy ko. Pinaghalong amoy ng rosas at lutos." malamig at maawtoridad nitong utos sa kanyang Beta.

"Huh! ano po yun Alpha?!" tanong ni Whone sa Alpha baka nagkamali lang siya ng dinig.

Hindi na muling nag salita ang Alpha patuloy lang ito sa pagtakbo at paghahanap kung ano man yoon, hanggang sa.....

"M-mate!"

Narinig niyang bigkas nito. hindi siya makapaniwala sa binigkas nitong salita kahit mahina lang ang pakakasabi ay tinig na tinig niya ito. naguguluhanang tiningnan niya kung sino ang tinitingnan ng Alpha.

Nakita niya ang isang babaing nakaupo sa gilid ng plaza habang pinapanood ang mga naglalarong batang lobo at bampira sa loob ng plaza.

Nang tingnan ko ulit si Alpha ay nakatitig lang ito sa babae at hindi gumagalaw na para bang na engkanto bagamat wala parin imusyong mababakas sa mukha niya.

Maya't-maya pa ay nag si pagdatingan na rin ang mga kawal na naiwan ng biglang tumakbo ang Alpha. Dahil sa natataranta at patuloy na pagtakbo ng mga kawal na palapit sa amin ay natakot at nagkagulo ang mga tao dahil akala siguro nila ay may nakapasok na ng rebelde sa bayan. Hindi na alam ng mga lobo o bampira lalu na ang mga bata kung saan tatakbo, kaya halos kumapal ang tao sa kinatatayuan namin ni Alpha.

Maya-maya pa ay bigla ko na lang narinig ang sigaw at mga mura ni Alpha.

"W-what the puck!!??

"B-bullshit!!???

(A/N_english ko na lang po para di masakit sa mata😂wag po kayong mamihasa sa english ko kasi puro mura lang ang alam na english ni otor😂😂😂)

Malulutong nitong pagmumura, naging alerto at namumutla rin ang mga kawal dahil sa kaba at takot sa awrang nakikita na bumabalot ngayon sa kanilang Alpha.

Nang tingnan ko ulit ang babae na tinitingnan kanina ng Alpha ay wala na ito roon. saan nag punta yun? yari talaga yang mga kawal na yan?, dahil sa pagdating nila kaya natakot ang mga tao at nagkagulo upang mawala sa paningin ng Alpha ang babae na tinawag nitong 'Mate'

Kung ito talaga ang 'mate' ng Alpha siguradong malaking gulo ito kapag nagkataon. kapag hindi nahanap ang babae.

Nagpalinga-linga ako nagbabakasakali na makita ko ang babaing kamukha na nakita niya na tinititigan kanina ni Alpha na ngayon ay hinahanap namin.

Pero bigo akong makita ito sa karamihan ng tao na nagkakagulo, paano ba namin ito mahahanap kung napakaraming tao ang na sa paligid namin, pati si Alpha ay nakikita kung nahihirapan din sa pakikipag siksikan sa mga nagkakagulong lobo at bampira sa paligid.

Kung hindi nga sa mga kawal na humahawi sa mga tao para makadaan ang Apha ay baka nagwala na ito dahil sa hindi na niya nakikita ang babae sa kinatatayuan nito kanina.

Habang ang Alpha ay patuloy parin sa paghahanap habang ang mga kawal ay hinahawi ang mga tao na nagkakagulo para hindi malapitan ang Alpha. tuluyan ng nakalapit ang Alpha sa kinauupuan kanina ng babae nagbabakasakaling mamatahan doon ang hinahanap, pero bigo silang makita ito dito. kaya naman lalong nakakakilabot at nakakapanindig malahibo ang Awra na bumabalot kay Alpha.

Habang ang mga tao ay lalo pang natakot sa nakikita nilang awra ng kanilang Alpha na para bang ano mang oras ay papatay na.

"Hanapin ninyo!! Wag na wag kayong titigil hanggang hindi ninyo nahahanap!!? malakas at galit nitong utos na kinakaba pa namin.

Nagkanya-kanyang takbo at paghahanap ang mga kawal pagkatapos kung ilarawan sa kanila ang babaing pinapahanap ng Alpha, buti na lang at natandaan ko ang mukha ng babae...hindi naman basta-bastang malimutan ang kanyang hitsura dahil sa kakaiba nitong ganda...kaya naman na tulala dito ang aming Alpha na kanya pa lang mate.

Ilang oras kaming naghahanap pero hindi parin namin nakikita ang babaing pinapahanap sa amin ng Alpha Salvatore.

Nangtumigil na ang Alpha sa paghahanap ay sinabihan niya kami na bumalik na ng palasyo.

Halos walang umiimik saamin pati ang Alpha ay tahimik rin habang pabalik kami ng palasyo.

Lahat kami ay kinakabahan at natatakot dahil sa pakiramdam namin ay may mangyayari pag dating namin sa palasyo ng Alpha, sa nakikita naming kundisyon na para bang wala siya sa sarili samahan mo pa ng nakakakilabot na awra nito ngayon.

(Pagkaraan ng ilang sandali....)

Habang papasok kami sa loob ng palasyo ay biglang humarap siya sa mga kawal na nakasunod parin sa amin ni Alpha.

Nagulantang na lang ako ng bigla na lang isa-isang pagsusuntukin ni Alpha ang mga kawal na ka sama namin sa pag- iikot kanina sa bayan.

Ang bawat tamaan ng kamao ni Alpha ay bumabagsak sa lakas ng binibitiwang suntok, makikita mo ang galit na galit nito pag ataki sa mga kawal. kaya hindi nakakapagtaka na sa isang iglap lang ay napatumba na ang lahat ng kawal na nasa kanilang harapan, sa bilis at liksi nitong kumilos samahan mo pa ng galit na namumuo sa kalooban nito dahil sa bigo nilang mahanap ang babaeng nakapukaw sa attention ng Aming Mabangis na Alpha.

Pagkatapos na mapabagsak ang lahat ng Kawal na nasa kanyang harapan ay wala ito imik na pumasok sa loob ng Palasyo nito. habang ako'y napapatulala lang sa mga nangyayari....

My Beloved's Human(Alpha's Possession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon