CHAPTER 3: SUGO

145 6 0
                                    

SHANNELLE’S POV
 
Nakita kong napapaisip si Nanami kaya naman umupo ako ng maayos. “Kung iniisip mo kung bakit ito itinago ng gubyerno at hindi sinabi sa mga tao ay dahil na rin sa katotohanang hindi handa ang mga tao para dito. Kung gusto niyo naman malaman kung bakit gusto nilang makipagkumunikasyon sa atin kailangan mong pumunta sa mundo nila. Mayroon isang paraan upang makapunta doon. Sa North pole.” Tumingin siya sa akin saka umupo.
 
“Iyon ba ‘yong lugar na punong-puno ng n’yebe?” tanong nito at kita ko ang kisap sa kan’yang mga mata na para bang nae-excite.
 
“Oo. Ito din ang tinatawag na hollow earth. Katulad ng mga hollow hole—ito ay ‘di hamak na masmalaki at maaring may kakaibang enerhiya dito.” Bigla naman akong napatago sa likod ni Shanea.
 
Lumabas kasi ‘yong babaing nakakulay asul. Asul na buhok, asul na mga mata at asul na dress. “Ate?”
 
“Kailangan n’yong bumalik. May mission kayo.” Tumayo naman silang dalawa at gano’n din ako.
 
“Kailangan na naming mauna sa ‘yo, Shan.”
 
“Ngunit—teka wala akong pupuntahang iba. P’wede bang sumama sa in’yo?” Tumingin sila sa isa’t-isa.
 
“Kung iniisip nyo ang mangyayari kapag nag-travel ang isang tao sa isang portal, don’t worry. I’ve been always do that. In the core of the hole of that portal there is magnetic field at I may be crushed or die when it comes to the end.”
 
“H’wag ka na—”
 
“Trusth me?” ani ko at ngumiti ako sa kaniya.
 
Ayaw ko lang maiwan dito dahil nakasunod lang sila sa ‘kin. Alam kong susugod na naman sila mula sa madilim na sulok ng bawat kanto. Oo, hindi ako ordinaryo pero tao pa rin ako. May mga iilang bagay lang akong hindi ko alam kung bakit nagagawang makakita ko ng mga nilalang na hindi dapat. That was called evil spirits. I can fight with them, pero hindi alam nila mommy ‘yon dahil abala naman sila.
 
“Okay?” sabi ni ate Shanea at nauna na ang babaeing asul na tinawag nilang Ate.
 
Sumunod ay si Shanea at nahuli na kami ni Nanami. “Tara na.” Agad na pumasok kami sa loob ng portal.
 
Nakakatuwa. Para itong may milyong bituin at ang gaganda. Para bang nagta-travel ako sa outer space ng mundo at nakikita ko ngayon ang mga bituin. Maya-maya ay nakita ko na ang liwanag nito sa dulo. Pagpasok namin ay nabighani agad ako sa ganda ng kanilang lugar. Iba ito sa ini-imagine ko o sa wattpad na nababasa ko. Tama nga ang nasa panaginip ko. Makakapunta ako sa mundo ng ibang nilalang gaya nito.
 
“Nagulat ka sa mga malaman mo ‘no? Well, ganiyan din ako noong una. P’wede namang hindi gumamit ng portal kung totoosin. Kaso lang wala sila Kuya kaya do’n tayo dumaan,” nakangiti nitong sabi.
 
Lumakad kami sa kahabaan ng hallway papunta sa isang k’wartong alam kong malaki. Napahinto ako. May naramdaman akong kakaiba mula sa loob. Isang napakalakas na enerhiya na parang pinapabigat nito ang gravity ng isang lugar.
 
“May nilalang na hindi kabilang sa in’yo.” Nagulat siya ng sinabi ko iyon.
 
“Alam mo Shan, naguguluhan ako sa ‘yo ah. Nakakaloka, lalong nagugulo ‘yong neurons ko kakaisip d’yan sa Agartha tapos isa ka pa. Lalo naman ‘yong babae? Ayy ewan!” sabi ni ate Nanami at pumasok na kami sa loob.
 
Ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Hindi nito tanggap ang enerhiya mula sa kung sinong nasa loob nito. Kumpleto ang lahat ng nandito. Lahat silang nasa panaginip ko. P’wera lang sa isang matandang babae.
 
“Ikaw!” Nagulat ako ng sumigaw siya. “Ikaw ‘yon!” Bigla akong napa-cross ng braso ko na para bang dinidespensa ang sarili ko.
 
“Ano’ng siya? Kakarating lang nangbibintang ka na?” mataray na sabi ng babaing naka Violet.
 
“Gaga malay mo kung magkakilala sila?” kumento naman ng isang babaing mala dyosa ang ganda.
 
Tutulo ang laway ko sa ganda ng mga ‘to. Babaing itim ang buhok at mata, ‘yong babaeng pink ang buhok at ang lalaking nasa panaginip ko. Blue hair, whate, brown at ash. Sila-sila talaga ang nakikita ko sa panaginip ko. Nanatili akong naka-cross. Wala akong alam sa babaing ‘yan. Hindi ko siya nakita sa panaginip ko. Tanging ang mga taong ito lamang.
 
“A-Anong i-ibig mong sabihin?” nauutal na sabi ko.
 
“Ikaw ay isang sugo!” sabi niya na may pagduro.
 
“Sugo?” sabi ng babaing Black hair.
 
“Sugo!” sabi naman ng Pink na hair.
 
“Iyon ba ‘yong nirerentahan?” nakakunot noong sabi ng lalaking kayumangi ang buhok.
 
“That’s sogo,” sabi naman ng naka-white hair.
 
“Oh? I thought that is sugo?”
 
“May asawa at anak ka na eng-eng ka pa rin, Shin,” natatawang sabi ng pink hair.
 
“Tama na nga ‘yan. Ano bang idinuduro mo sa kaniya?” tanong ng matandang lalake.
 
“Call him tanda. Hindi matandang lalaki.”
 
“Wala kang modo, Lyme.”
 
“Always po tanda,” sabi ni Nanami ng nakangiti.
 
Pero nanatiling nakatingin ako sa babaing nakaduro sa akin. Biglang lumiwanag ang gitna at lumabas ang lalaking ubod ng puti lalo na ang puti nitong kasuotan at puting pakpak.
 
“Angelo?”
 
“My gosh! Nandito ka ba para sa ‘kin?” malandi tonong sabi no’ng naka pink.
 
“Hoy, Mika. Walang landian. Anghel ‘yan. Anghel,” sabi no’ng lalaking ewan ko kung sino siya.
 
“Napaka-letche mo, Miko. Nagtatanong lang ako. Don’t worry sa ‘yo lang ako maglalandi~” kanta niya.
 
I’m not belong with them. It seems all of them mayrong love life samantalang ako never nagka-love life?
 
“Na-feel na ‘yan ni Vivian. Kita mo hanggang ngayon wala paring LL,” biglang sabi ni Nanami at bigla s’yang tinignan ng masama no’ng Vivian. “Tsk. So, ano nga bakit ka nandito?” tanong ni Nanami.
 
“Because of her.” Sabay turo sa ‘kin.
 
Ano bang nangyayari sa kapaligiran? Bakit ako na lang lagi? Wala naman akong nagawang masama ah? 
 
“May nagawa ba akong mali at ako lagi ang napagdidiskitahan?” tanong ko.
 
“Teka sandale!” pahawing sabi ni Nanami.
 
“Ano ‘yon bess?” tanong ng babaeng katabi ng naka pink.
 
“E, kasi naman, Ara… kanina pa nagsasapakan ang neurons ko. Lalo na ang kulubot kong utak. Tapos sinabayan pa ng mala isaw kong bituka. Hindi ko na kinakaya. Sabihin niyo na nga. Ikaw! Sabihin mo na kung bakit ka nasa mundo ng mga tao. Hindi ka naman dapat nando’n at isa pa alam kong hindi ‘yan ang an’yo mo. Nakakaloka na ang nangyayari tapos clueless pa rin ako? Agartha ng agartha putek dudugo na ilong ko, e,” mahabang litanya niya.
 
Dahil sa pagod ng mga muscle ko umupo ako. Ano bang nangyayari? Kailangan kasi mangyari ito dahil ‘yon ang kailangan kong gawin upang malaman ang tanong sa isip ko.
 
“Oh?”
 
“A-Ako ay galing sa mundong iyon. Ang mundo kung saan nanganganib na ang lahat. Kami ay nilalang na naging makasalanan. Kung baga kami ang fallen angel mula sa langit. Ngayon ay nanganganib na ito dahil na rin sa pagkawala ng balanse. Ang isang nilalang na s’yang naging dahilan kung bakit kami nabubuhay at nananatiling buhay. Dahil siya ang nagsisilbing balanse ng lahat.” Tumingin ito sa akin na para bang ako ang pinatutungkulan.
 
“Nasaan na ba ‘yon ngayon?” tanong naman noong katabi ni Nanami na lalaki.
 
“Hindi pa ako sigurado sa ngayon. Pero alam kong nandito siya. Alam ko ng mga panahon na nasa mundo ako ng mga tao ay nando’n din siya,” walang imik akong nakaupo.
 
Ano bang ipinapahiwatig mo sa ‘kin? 
 
Bigla naman akong napatigil sa pag-iisip ng lumapit sa harap ko ang lalaking tinawag nilang Angelo. Tumingala ako sa kaniya.
 
“Hindi masasagot ang mga tanong sa isip mo kung hindi mo susubukan pumunta sa mundong iyon. Tama ba ako?”
 
Ano bang sinasabi ng anghel na ‘to?
 
“Wala akong balak,” sabi ko at saka ako tumayo.
 
“Babalik na ako sa mundo namin. Maari mo ba akong ihatid?” tanong ko kay Shanea.
 
Tumango na lang ito at naguguluhan. Nanatili akong walang imik at nanahimik. 
 
Ano bang dahilan at bakit kailangan may nangyayaring ganito sa ‘kin?
 
Nakarating na kami kung saan kami kanina. “Kaya mo bang umuwi mag-isa. Kailangan ko na kasing bumalik,” sabi nito at saka ako tumango. “Sige ingat ka. Kita kits ulit,” paalam niya at ngumiti na lang din ako at kumaway.
 
Kinuha ko ang laptop saka ako tumingin sa litrato na nando’n. Ang mundong ito ay hindi kabilang sa mundong ‘to. Bawat sibilisasyon na mayron sila at bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang kapangyarihan. Sa mundong ‘yon ay walang gulo, gera o ano man. Tanging technology lang at sa totoo lang ay totoong fallen angel sila. 
 
Pero bakit nga ba kailangan sa gitna pa?
 
Napatingin ako sa paligid at bigla akong nakaamoy ng kakaiba. Malapit lang sila. Agad na hinawakan ko ang k’wintas kong cross saka ako lumakad palabas ng bahay nila Nanami. Nang makarating sa labas ay tinignan ko ulit ang bahay nila. Ang buong mahay na ‘yon ay maraming kakaibang bagay.
 
Hindi pa ito ang una at huli nating magkikita Nanami. Alam kong may kasunod pa.
 
Nang makalabas ng gate ay agad akong pumara ng taxi upang umuwi na. Sa huling sandali ay tinignan ko ulit ang bahay nila saka buntong hininga. Marahil ay napangod ako ngayong araw kaya med’yo wala akong gana.
 
 

THE TWO LEGENDARY PRINCESS AND THE SEVEN ANGELS [Legend II] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon