CHAPTER 4: MISSION

124 5 0
                                    

NANAMI’S POV

Umupo si Vivian sa silya niya at talaga nag-cross legs pa. Wala na sila tatang at pati na rin ‘yong ibang epal. Ang nandito lang ay ako—si Kira, Ara, Shanea, Shasha, Mika, Miko, Shin, Kiero, Black, at Kier. Tapos sila kuya wala din. Malamang nakipag-date si Kuya kay Lira. Tapos si Ate naman ewan ko na lang.

“Alam natin na hindi ito magiging madali para sa iniyo. Una kahit na hindi ito ang unang misyon niyo ‘wag niyo pa rin itong balewalain. Mundo niyo o ng mga minamahal n’yong mga tao ito at mundo mo.” Sabay turo sa babaeng matanda. “Ngayon ay pupunta kayo sa mundo ng Agartha. Ang misyon niyo ay tuklasin kung bakit nagkaroon ng mga hole at unti-unti nitong sinasakop ang iba’t-ibang bansa. Alamin niyo rin kung bakit hindi nila magawang makipag-communicate sa atin gamit ang powers nila. As you can see, that old woman has no power when she was in the human world. Kung maari ay alamin nyo kung paano nangyaring wala ‘yong kapangyarihan n’yang mag-telepathy.” May kinuhang papel si Vivian at inilapag ito sa lamesa niya.

“Ano’ng mayroon dito?” nagtatakang tanong ko.

“Siya ay isang mahiwagang babae. Sa nakikita niyo ay may nakapalibot na apat na hayop sa kaniya na nagre-represent sa iba’t-ibang elemento. Kung wala ang babaeng ‘yan. Wala din ang mga hayop na ‘yan. Kung wala sila walang balanse pati ang mundo ng mga tao. Magkakagulo ang lahat lalo na ang mga hayop na nasa mundo ng mga tao. Magkakaroon ng pagkawala sa sarili at pati ang balanse sa mundo niyo. Magkakaroon ng isang matinding bagyo na sisira sa lahat. Kaya kailangan makita niyo agad ang babaing ‘yan.” Tinignan ko ang litrato na tinutukoy niya.

“Hindi ko masasabing magtatagumpay ang misyon na ‘to. Una kumakalat na ito sa iba’t-ibang panig ng mundo at unti-unti na rin itong natutuklasan ng NASA. Baka pati kami ay madamay d’yan?”

“Hindi mangyayari ‘yon. Kung makikita niyo agad ang sinasabing babae d’yan. Mabilis lang na matatapos ang mission n’yo, Nanami. Sige p’wede na kayong umalis,”  pagtataboy nito sa amin at tinignan ko siya sa mata.

“Ano?”

“Ang ganda mo.” Sabay talikod at tumingin ako sa salamin.

“Hindi ko alam na magkakaroon tayo ng misyon na gaya nito. Pero syet! Nae-excite ako!” natutuwang sabi ni Mika.

Pumasok na kami sa portal at nakarating na kami sa bahay. Nakita kong bukas ang laptop at tinignan ko kung anong ginawa ni Shan dito. Mukhang nag-search pa siya tungkol sa mundong ito. Nahihiwagaan din ako sa babaing ‘yon. Hindi pa akong nakakita ng isang gaya niya. Si Angelo kanina hindi ko alam kung saan nagpunta matapos umalis ni Shan. Ayaw ‘ata sa kaniya ni Shan. Tinakot kasi ng matanda ayan tuloy umalis.

“Bukas na tayo umalis sa mission. Kailangan muna natin mapahinga lalo ka na.” Turo ni Kambal sa babae.

Sumangayon ang lahat at pumunta sa kaniya-kaniyang kwarto. Hiwalay ang kwarto naming mga babae sa kwarto ng mga lalaki. Bukod-bukod din. Pinagawa talaga ang bahay na ito para lang sa amin. Habang naliligo ako at nagbababad sa bathtub biglang may sumulpot na kung saan na s’yang ikinagulat ko.

“Punyeta ka, Kier ano’ng ginagawa mo dito!” inis na tanong ko.

“I was thinking about you kanina. Pero hindi ko alam na dito ako mapupunta,” nakatingin n’yang sabi sa akin habang nakangiti.
Napatakip ako sa katawa ko. Agad na gumawa ako ng water ball at ibinato sa kanya na binato din ng fire ball. Agad akong tumayo at nag-teleport sa k’warto ni kambal. Sakto naman na nakababad din siya sa tub.

“Grabe ka kambal. May sarili kang tub nakiki-share ka pa.”

“I know Shanea, punyeta kasi ‘yong bwisit na pumasok sa cr ko habang nagbabad ako. Aba? Nababaliw na naman ‘yong lamang loob ko. Kainis.”

THE TWO LEGENDARY PRINCESS AND THE SEVEN ANGELS [Legend II] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon