CHAPTER 8: REAL IDENTITY

64 3 0
                                    

NANAMI’S POV

Papunta na kami ng North pole ngayon. Hindi na kami gagamit ng eroplano o kung ano man bagay upang makarating do’n dahil mayroon naman kaming kapangyarihan.

Para saan pa ang kapangyarihan kung hindi rin naman gagamitin? Sayang ang kakayahan.

Habang naglalakad kami ay aksidenteng may naapakan akong kung ano kaya naman masusubsub ako. Napapikit ako ng mariin pero naramdaman ko ang kamay na humawak sa bewang ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari.

This is shit! Naloloka na naman ang lamang loob ko, Kier. Please lang ‘wag ngayon.

Inalalayan niya ako ng pagtayo at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. “Shasha, saluhin mo din ako. Mahuhulog din ako,” sabi ni Shin at umaakmang mahuhulog siya.

Si Shasha naman ay tila nairita kaya naman itinapat niya ang palad niya kay Shin at nagpakawala ng water ball. Sana kayang gawin ng bituka ko ang ginawa ni Shasha sa asawa niya. Ang kaso hindi ko kaya kasi masyadong mahal ng puso ko si Kier kaya ayaw ko.

“Kambal kanina pa ang kilig momments, so stop thinking about that stupid.”

Mukhang bugnot si Kambal ko ngayon ah?

Tumingin ako kay Shan. She look different now. Si Eya naman ay nanatiling tahimik at tila pinapakiramdaman ang paligid. Iyong aura ni Shan parang katulad ng aura ng panahon ngayon.

Jusko naman Shan naloloka ‘yong brain cells ko sa ‘yo. Saang planeta kaba galing bukod sa tyan ng nanay mo. Grabe nakakaloka mag-isip sa lahi ng isang ‘to. Mukha ‘atang pinaglihi sa angel ng nanay niya, e.

“H’wag kang ganyan baka mainlab ka sa ‘kin.” Nagulat ako ng magsalita si Shan.

“Hoy, Shan walang ganiyanan angel ka pa naman,” sita ni Kira.

Nagulat ako ng tumingin si Shan kay Kira. Lumapit ito kay Kira na ikinagulat naman namin. Napaatras si Kira at tila hindi makagalaw. Hanggang sa napasandal siya sa pader na yelo at kinorner ni Shan ng kaniyang braso. Parang lalaki ang kilos niya ngayon. Inilapit niya ang mukha niya kay Kira at ako naman ay napatakip ng bibig.

“Shhhh...” sabi nito habang nakatapat ang daliri niya sa bibig ni Kira.

Magulat kami sa sunod na nangyari dahil biglang natumba si Shan sa lupa at isang lalaki ang pumalit sa p’westo niya.

“Shan!” Agad na tinulungan ni Eya si Shan na makatayo.

“Trapping my girlfriend for your nonsense of joke?”

“Xian!” banggit ni Kira sa pangalan nito.

“Oh great. Loka-loka na ako nito,” sabi ko naman tapos naunang naglakad.

“Grabe hindi kinaya ng mga mata ko ang nakita ko ngayon,” napapailing na sabi ni Mika.

“Tingin mo ba, Babe magagawa talaga ni Shan ‘yon?” tanong ni Miko Kay Mika.

“No, dahil lang ‘yon sa naramdaman ni Shan na may sumusunod,” sagot naman ni Kier.

Ikaw na ba ang bagong babe ni Shin ngayon Kier? Nakakaloka iba ang tinanong sya ang sumagot? Ano bida-bida?

“Naramdaman niyo naman pala hindi niyo sinabi,” sabi ni Ara.

“Well, inaantay lang kasi namin na lumabas siya,” sagot naman ni Kiero.

“Gusto mo ba ikaw din sampolan ko?” tanong ni Shan kay Ara ng nakangiti.

“Hoy Shan, don’t me. Nakakadiri ka,” sabi ni Ara at naglakad palayo kay Shan.

THE TWO LEGENDARY PRINCESS AND THE SEVEN ANGELS [Legend II] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon