CHAPTER 10: THE HOT NIGHT

106 5 0
                                    

Babala… ang chapter na ito ay Rated SPG. istriktong patnubay sa in’yong isipan at gabay ng in’yong mga magulang ang kailangan. Read for your own risk!

SHANEA’S POV

Habang binabagtas ang landas dito sa south pole ay tinitiis naman namin ang sobra nitong lamig. Pero nand’yan si Kiero upang gawan kami ng apoy. Hindi pa namin nahahanap ang hollow hole at hindi ko ‘yon makita dahil sa kapal ng nyebe. Gabi kasi dito sa south pole at tingin ko ay kailangan muna naming huminto. Tinignan ko si Eya na ngayon ay nagbi-blink ang katawan na parang ilaw. Nilapitan ko siya at hinawakan saka ito napatingin sa akin.

“Ayos ka lang ba, Eya?” tanong ko sa kaniya.

“Ayos lang ako. Ang lamig ng klima ay hindi kaso sa akin. Ngunit sa inyo ay matindi ang epekto. Kinakailangan muna nating huminto upang makapagpahinga.” Tinignan ko ang iba at sobrang nanginginig na nga sila.

Naghanap ako ng p’wedeng p’westuhan. Pinagdikit ko ang aking palad at lumuhod at pagkatapos ay saka ko idinikit sa lapag ang kamay ko upang gumawa ng pinto. Nang magawa ko ‘yon ay binuksan ko ito saka ko sila sinenyasan na pumasok upang makapagpababa ng temperatura ng lamig. Nang makapasok kami ay ramdam pa rin namin ang lamig sa katawan ko at gumawa ng malaking apoy si Kiero at s’yang nakakapagpainit sa aming mga katawan. Gumawa din ng kaniya-kaniyang k’warto si Shasha. Limang k’warto ang ginawa niya na s’yang kasya lang dito sa lungga namin.

“H’wag muna tayo mag-inarte sa ngayon. Ang limang k’warto ay puro magkakapareho. Sina Miko at Mika sa isang ‘yon at sa bahaging ito ay sina Shanea at Kiero. Tapos ang gitnang bahay ay sa ‘yo, Eya. Tapos katabi mo ng k’warto ay ako at si Shin. Tapos sina Kira at Xien, okay ba?” paliwanag ni Shasha at tumango ang lahat.

Gumawa muna ng soup si Kira upang makahigop ng sabaw ang bawat isa. P’wede namin magamit ang spell upang makagawa ng pagkain o makakuha ng pagkain namin. Nang ilang sandali ay nagsipag pasok na kami sa kaniya-kaniyang k’warto. Tinignan ko ang disenyo at simple lang ito. May kama sa gitna at may lampshade sa gilid. Humiga ako doon at napabuntong hininga. First time kong makakasama si Kiero sa iisang k’warto bagamat magkarelasyon na kami ay naninibago ako.

Humiga siya sa tabi ko at tinignan ako. Ang mukha niya ay sobrang nakakaakit talaga pero wala akong panahon para makipagtitigan sa kaniya. “Kakausapin ko muna si Kambal,” sabi ko at tumayo ako at saka pumikit.

“You can do it by tomorrow. I know that Nanami is now busy. Hinahanap niya ang limang anghel hindi ba?” sabi ni Kiero.

Kung sa bagay ay may punto nga naman siya.

“Okay, siguro matutulog na lang muna ako,” sabi ko naman at nang bumalik ako ng higa ay pumaibabaw sa akin si Kiero. “Kiero!” nanunuway kong sabi.

Ngunit hindi ako nito pinakinggan. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Ang kaba sa dibdib ko ay namuo at ang init ng mukha ko ay alam kong halata. “We can make this night hot if you want to,” bulong nito sa akin.

Hindi ko maintindihan ang init ng buga ng hininga ni Kiero. Napatitig ako sa mga mata niyang kulay orange. Noong nakita ko ito ay brown pero ngayon ay orange na. Sinubukan kong mag-cast ng spell pero sinunggaban ako ng halik ni Kiero. Ang init ng labi niya na dumapo sa labi ko ay dahilan para maramdaman ko ang init na bumabalot sa katawan ko. Ang presensya niya ay nahawa na ang katawan ko ngunit hindi ko siya magawang itulak.

Pero ang halik niya ay tinugunan ko rin kalaunan. Ang banayad no’n at ang lambot ng labi niya’y sobra akong nalulunod. Ang kamay niyang napakalikot ay kung saan napupunta sa parte ng aking katawan. Dumagdag pa ang kinang ng bawat paligid ng k’warto. Ito ang reaksyon ng kapangyarihan ko kapag masyado akong nadadala sa bugso.

THE TWO LEGENDARY PRINCESS AND THE SEVEN ANGELS [Legend II] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon