Iñigo':
“Dons, okay lang yan” bulong ko
Hindi ko man siya matulungan sa problema nya basta alam nyang nandito lang ako sa tabi nya
“Ñigs! I love her” bulong nya
Tinapik ko lang ang balikat nya at nakinig sakanya. Mahal nya si Sharlene, mahal na mahal.
Biglang nagvibrate ang phone ko at nakita ang name ni kath (hannah) sa phone ko. Kath ang tawag ko kay hannah dati pa.
“Nic nandyan ba si kuya?” tanong nya
Napatingin ako kay donny na umiinom pa din hanggang ngayon
“Oo Kath”
“I'll go there nic. Wait for me please” sambit nya
“No kathleen! Ako na maghahatid kay Donny dyan okay? Gabi na baka mapano ka pa. wait mo lang ako okay?”
“I'm nervous na kasi baka napano na si kuya e, hindi nya naman sinasagot ang calls ko” sambit nya
“Sige na kath. Bye”
Kinuha ko na kay Dons ang bote ng beer at tinulungan ko siya para masakay sa kotse
“Kath”
“omygad thanks God! ”sambit nya at humawak pa sa ulo nya habang nakatingin samin ni donny
Tinulungan ko si donny na makapasok sa bahay nila at makahiga sa sofa
“Nic thankyou talaga!”
“You're welcome Kath! Mauna na kong umuwi okay?” sambit ko,
Palabas na sana ko ng pinto pero bigla akong napatigil dahil kay Dons
“mali ba ko? mali ba na isipin ko yung kapakanan nya? mali ba na hayaan ko siyang umalis kasi ayun yung nakakabuti sakanya? dude sapakin mo naman ako kung mali yun oh!”
Nagkatingin kami ni Kath at pasuntok na sana siya kay donny pero pinigilan ko siya
“Kathleen”
“I'm sorry! Ang arte nya kasi e” natatawang sabi nya at nagpeace sign pa
Nagpaalam na kong umuwi kay Kath at bago ako sumakay ng kotse tumingin muna ko sa bintana ni Shar at nakita siya na nakadungaw mula doon.
Wala naman akong masyadong gagawin kaya nag sign ako ng "tara dito-baba-ka-look" kaya binuksan nya ang bintana nya at tumalon don, muntik ko pa siyang saluhin pero nakaya nya namang tumalon ng kaunting taas.Tumambay kami sa kalsada at umupo lang
“Shar ”"Ñigs gabi na ah, bakit nandito ka pa“
"Hinatid ko si Donny e. ” sambit ko kaya napatango naman si shar
“Shar. Mahal na mahal ka ni Donny”
“Ñigs -- alam mo yan din kanina pa sinasabi sakin, pwedeng tama na yun?”
“Shar kaibigan kase ko ni Donny e, nakikita ko kung pano siya umiyak, pano siya maging mahina dahil sa'yo. Ayoko ng nagkakaganon si Donny” bulong ko
Napabuntong hininga naman si Shar at tumingin sa langit
“Ńigs, ayoko din nagkakaganyan si Donny kase ineexpect ko na masaya siya kapag dumating nga ang time na magkahiwalay kami. ”
![](https://img.wattpad.com/cover/164750261-288-k742395.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED]
Детектив / ТриллерIlang ulit na pakikipagsapalaran. Kasikatan o ang pagmamahal? Sa buhay walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Pwedeng umikot ang buhay mo sa isang bagay na magpapasaya sayo, pero pwede mo rin siyang talikuran kapalit ng bagay na panandalian Ano b...