chapter twenty four

545 19 0
                                    

-- one year.

SHARLENE

    “shaaaaar!! ang tagal" galit na sigaw ni sunny.

  Nagmadali naman akong nag ayos ng sarili at bumaba na, nakita ko ang nag aabang na sila Sunny at Inigo, napatingin naman ako sa sofa at nairitang nakita sila kuya at miles na naghaharutan pa.

   "ano bang meron? bat nandito kayong lahat?! pano nyo nalamang may shooting ako ngayon dito sa bahay?! ambilis nyo magsipunta" nakairap pang tanong ko

  " si ricci kase, ang sabi panoodin ka daw namin" sambit ni Iñigo kaya napalingon ako kay kuya pero busy pa din ito sa pakikipag usap kay miles

  Lumabas na ko at sumunod naman sila, may mga cameramen na at nakita ko na din si direk na nakikipag usap sa ibang staffs na nasa harap lang ng bahay namin.

   Ang sabi kase nila ibang movie na'to.
Kahit ayoko ng sumali sa ganto ay napilitan nalang din ako dahil sa kuya ko. Sobrang tagal ko na ding napahinga pagkatapos ng insidente na kung saan ay tatalon dapat si Kirsten. Pagkatapos ng araw na'yun ay naging maayos na kami nila Kirsten, di ko na din masyadong pinansin ang nangyari. Nasa ibang bansa si donny ngayon at masasabi kong naging mas matatag kami ngayon dahil nag grow kami seperately. without the help of each other.

   "Shar.."

  "Direk, ready na po ba?" tanong ko.

Ngumiti ito at inabot sakin ang kulay violet na papel.

  "Marry me, Skl" ang title? ang weird.

    "Oh bat ganyan mukha mo?" tanong ni direk, napangiti naman ako

  "Ang weird ng title direk e. comedy siguro 'to" natatawang sabi ko

Tinapik nya naman ang balikat ko
  "Shar thankyou ha."

  "P-Po bakit po?"

  "Thankyou sa lahat, kahit sa pinaka the best na movie na gagampanan mo, ako pa din ang hinayaan mo magdirek sayo" sambit nya

ngumiti naman ako at niyakap siya.
"Direk thankful din ako dahil sayo"

  "osige basahin mo na yan." sambit nya.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at halos matawa sa lahat ng scene.
Mula sa underwear na usapan, sa booth, sa exes. lahat yun nakakatawa.

  Napatingin ako sa baba at napansin ang mga characters.

  Sharlene as herself
Donny as himself
Ricci as Ricci San Pedro Rivero
Iñigo as Iñigo Pascual
Sunshine as Sunny Kim
Camille as Miles Ocampo
Kirsten as  Kisses Delavin

  Naguluhan ako at lumapit kay Direk.
"Direk bat po ganto yung mga cast? p-parang ang ano. kase wala po si donny dito e, papalitan ba siya?" tanong ko.

  Hindi ako pinansin ni direk at pinagready nya na ang camera men at iba pang extra.

  Sa bahay ang unang scene na kung saan ay ibabato ang plastic na may lamang undies.

Familiar ang pangyayaring 'to. de'javu.

   Sinabi ko na ang lines ko pero mukhang di namin makompleto dahil wala pa ang kapartner ko, nasa ibang bansa nga si Dons pero di ko alam kung sino ang ipapalit sakanya.

Lahat ng scene ay itinape na ngayon. kasama na din doon sila kuya ricci, kahit na naguguluhan ako ay hinayaan ko nalang din at nag enjoy ako.

  -

  "Yan na matatapos na tayo!" sambit ni direk. pagkatapos ng lahat ay nagpalakpakan na at mukhang mabilisan lang din tinapos ang movie.

  "bukas na din ipapalabas yan sa lahat" sambit ni direk. kung kanina naguguluhan lang ako, ngayon gulong gulo na ko.

  "s-sa sinehan?!" tanong ko

  "oo, masama ba sharlene?" tanong nya sakin kaya napangiti nalang ako.

  "Mabilisan lang tayo dahil gusto ko lang magpasaya ngayong malapit na ang pasko" sambit ni direk.

  Nag ayos na rin lahat at nag pack up na. Nagpahinga na din ako agad at halos di din sanay na di nagparamdam si donny ngayong araw.

  Ano kaya ginagawa nun ngayon.

  "Shar?" napatayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

  Nakangiti si kuya at tumabi sa kama ko.
 
  "Kuya"

  "Excited kana ba?" tanong nya

  "Bakit naman kuya? minadali ni direk ang movie na yun. isipin mo ilang scene lang yun, di pa nga ata movie tawag doon e. parang nagdula-dulaan lang sa school" sambit ko, nagulat naman ako ng yakapin ako ni kuya.

  "salamat dahil naging kapatid kita. hayy di na talaga ikaw baby, malaki kana shar. masaya ako para sa'yo"

  "Kuya ang weird, ano bang meron. una yung characters sa movie, sunod.. grabe di ko na maintindihan"

"Shar magegets mo din " sambit nya at lumabas na.

  ---------------



Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon