Sharlene:)
Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday
They said "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together still going strongAng dami ng nagbago.
Dati ang dami daming puno dito sa village namin, ngayon wala na halos.Hindi ko na pinabili si kuya ng bagong bahay na malilipatan dahil inaya ko nalang siya na sa bahay ko nalang muna kami
You're still the one I run to
The on that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss good nightTumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at tumingin sa bintana,
Buhay pa pala yung bahay nya.
Pero walang tao."sharbet"
"kuya" sambit ko
Nakita ko si kuya na bihis na bihis pa at naglalagay ng gel sa buhok nya
"Dalawin ko lang si Iñigo, dito ka lang ha. Wag ka maglinis. Kukuha ako ng maglilinis ng bahay! Sharlene wag makulit ha, bawal ka mapagod tandaan mo" sambit nya kaya tumango nalang ako
Simula nung maoperahan ako at naging successful, ang dami na ding bawal sakin. Bawal magpagod, bawal sa lahat. Kahit matagal na kong naoperahan, di mawawala kay kuya ang pag aalala kaya lagi nya pa din akong binabawalan
Napaupo nalang ako at tinignan ang phone ko, nakawallpaper pa din sakin ang picture namin ni sunny at miles
Kamusta na kaya sila?
Nagvibrate ang phone ko at nakita ang text ni kuya at sinabing papapuntahin si Sunny sa bahay ko
Nag ayos ako at maya maya lang ay may kumatok na sa pinto, pagkabukas ko ay agad na tumalon si Sunny at yumakap agad sakin
"Sunny wait di ako makahinga"
"Sorry shar, sorry! Namiss lang kita!!" natutuwang sabi nya
Iba na ang datingan ni sunny ngayon, may pa-bangs na din siya at awra lang ng damit nya, tumingin ako sa likod nya at hinanap si Miles pero wala
"Si Miles ba? B-Busy na yun shar"
Umupo kaming dalawa, hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko
"Miss na miss mo talaga ko no?"
"Shar nako sobra! Wala na kong balita sayo kayanga pagkachat palang ni Ricci sakin na nasa bahay mo na ikaw, dumiretso agad ako dito kahit kakagaling ko lang sa youtube fest!" kwento nya at niyakap ulit ako ng mahigpit
"Youtube fest?" tanong ko
"Vlogger na ang bestfriend mo! Vlogger na ko shar, ang dami ko na ngang income dahil sa pagvvlog e," kwento nya
Nakakainggit siya, natupad nya na ang isa sa mga gusto nya samantalang ako di ko pa alam ang gagawin ko kase nahinto ako sa pag aartista.
“wow congrats sunny! si miles pala ano ng ginagawa?” nakangiting tanong ko. Ang kaninang nakangiting mukha ni sunny ay napalitan ng lungkot
“nagbago na siya shar, hindi na siya yung dating Miles. Oo minsanan nalang kami magkasama at magkita pero mainitin na ang ulo nya“ kwento nya
Naalala ko nanaman yung time na nagkwento si kuya na naghiwalay sila ni Miles, nagbago din ng slight si kuya pero nafocus na siya sa pagbabawal sakin
“Ganon talaga siguro kapag dumaan sa break up” sambit nya
Ngumiti nalang ako at tinanong siya ng about sa nangyari na kela Iñigo kaya nag kwento pa siya.
Si Iñigo nagrerelease na ng madaming kanta, si nash sikat na sikat na, si Miles call center agent plus fashion designer na, naghiwalay din daw sila Iñigo at Maris pero nagkabalikan din
“Wow ang dami na talagang nangyari nung umalis ako” sambit ko
“super dami..”
“Si kisses kamusta na?” nakangiting tanong ko
Nagkibit balikat naman siya, “Hindi ko na alam kung nasan siya eh. Si don..--" bigla siyang tumigil sa kakasalita at napalunok pa
“Oh bakit ka nahinto?” tanong ko
“Iniisip ko ikaw e. Baka kasi.. ”
“Sunny matagal na yun, wala ng kaso sakin tsaka okay lang ano ka ba. Natuto na ko sa lahat, alam kong masaya na siya at wala akong gustong mangyari kundi ang maging masaya siya at maging masaya din ako” bulong ko
Tama naman e, nakamove on na ko. Masaya na ko sa lahat ng nangyari, kung di dahil don di ako matututo. Bagong buhay na'to. Panibagong buhay dahil binigyan pa ko ng pagkakataon na mabuhay matapos ang operasyon ko
Naging masaya din ako nung gumraduate ako sa ibang bansa.
“Hindi siya masaya. ”
“Bakit?”
“Shar simula nung nawala ka, tumigil na siya sa pag aartista. Sa ngayon hindi ko alam ang ginagawa nya.” sambit nya
Tumigil sa pag aartista?
“B-Bakit daw? Bakit tumigil sa pag aartista? Sayang naman”
“Ang dami nyang projects shar pero tinalikuran nya yun sa hindi ko alam na dahilan, kung meron mang may alam siguro si Iñigo lang 'yun”
Napatingin ako sa bintana at napatingin muli sa bahay nya,
Bakit? Passion nya yun diba. Ginusto nyang mag artista, sumikat na siya pero bakit tinalikuran nya yun?
Dahil ba kay Kisses? Siguro.
“Mukhang alam ko na ang dahilan pero nevermind nalang. Ang saya ko sunny nakita ko ulit ikaw!”
“Mas masaya ako shar. Siguro sa isang araw magdate tayong dalawa” sambit nya at niyakap ulit ako
Napangiti nalang ako at tumayo para kunin sa bag ko ang pasalubong nya
“Pasalubong ko sainyo ni Miles!”
“wahhh. so cute!!! pano mo nalamang gantong klase ng damit ang peg ko?? ”
“alam ko lang” sambit ko at nagwink sakanya, Natawa naman siya at napalingon sa phone nyang tumutunog
Sinagot nya ang tawag at pagkatapos non ay lumapit na sakin at nagpaalam na kailangan nya ng umalis,
Bago siya umalis ay muli nya kong niyakap ng mahigpit
“Namiss talaga kita shar at alam kong namiss ka din ng mga kaibigan natin! Nila maris, iñigo, turs, nash, miles at.. ni donny” bulong nya
Tinawanan ko nalang siya at nagpaalam na
Ang saya.
Pero alam kong konting saya lang dapat ang nararamdaman ko dahil sa puso ko.-------
A/n: thanks sa pag add sa library nyo.
leave a comment below po kung may gusto kayo sabihin, kung sabaw ba o ano gusto nyo mangyari, gagawin ko yan. thanks.:)
BINABASA MO ANG
Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED]
Mistero / ThrillerIlang ulit na pakikipagsapalaran. Kasikatan o ang pagmamahal? Sa buhay walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Pwedeng umikot ang buhay mo sa isang bagay na magpapasaya sayo, pero pwede mo rin siyang talikuran kapalit ng bagay na panandalian Ano b...