Sharlene:"bb" lumabas ako ng kwarto at bumungad naman sakin ang may dalang gamot na pinapahid na si dons.
Pinaupo nya ko sa upuan at nilagyan ang mga pantal na nasa balikat ko.
"makati pa ba shar?" tanong nya
"medyo nalang"
"ano ba yon? maayos naman tela non baby ah. bat nangati ka?" tanong nya
Kahit ako, di ko alam ang dahilan ng pangangati ng buong katawan ko simula nung sinuot ko ang damit na yun.
Pumasok sa isip ko si Kisses, siya kase ang nag aayos ng mga damit na gagamitin namin eh. Pero sana mali ang hinala ko.
"okay kana ba sharlene?" tanong ni direk andre, tumango lang ako.
"direk scene ko nalang muna ang kunan nyo, papahinga muna si shar"
"osige sige! Tara na Donny" sambit ni direk
Napatingin ako sa isang sulok at nakita si Kisses na nakatingin sakin. Bigla siyang lumapit sakin at worried na hinawakan ang balikat ko.
"Ang daming pantal, tsk di mo ata tinitignan kung may mga langgam yung damit mo e" sambit nya
May iba talaga sakanya at di ko gustong isipin na siya ang may kagagawan nito.
"Kisses.. ikaw ba yung may gawa non?" bulong ko
Ang nag aalala nyang mukha ay napalitan ng pagkagulat
"Dahil ako ang nagchecheck ng wardrobe, ako na agad ang pagbibintangan mo?" tanong nya
"H-Hindi. Nagtanong lang ako"
Napangisi siya at tsaka umirap.
"Pero magaling kang manghula, kilala mo na nga talaga ang galawan ko"Nagulat akong napatingin sakanya, tama ako. Siya ang may kagagawan non.
"Akala ko ba--"
"Akala mo titigilan na kita? Mali ka Sharlene! Hangga't di ko nababawi ang lugar kong kinuha mo, di kita titigilan!"
"Kisses ano bang nagawa ko sayo? tsaka di ko naman inagaw ang lugar na sinasabi mo" bulong ko
"Shar d-di ko naman ginawa y-yun bat mo ko pinagbibintangan" nagulat ako sa sinabi nya at nakita nalang sila direk andre at donny na nasa gilid na namin.
Nagpapaawa siya at ako pa ang pinalabas nyang masama.
"Shar?" tanong ni Dons, mukhang naniniwala sa paawa ni Kisses.
"Kisses. Di kita pinagbibintangan"
"Ang dami mong sinabing masakit na salita. Nakakainis na" paawa pa din nya.
Napatingin nalang ako sa iba at pinigilan ang sarili kong mainis sakanya.
"Shar oo wardrobe nga si Ms. Kisses pero di mo siya dapat pinagbibintangan" sambit ni direk
So ako na ngayon? Ako yung masama?
"Direk h-hindi ko naman po talaga kase alam. Wala po ako sa room na yun para po may gawin sa damit nya katulad ng bintang nya e" sambit nya
Napatingin ako kay dons at halata sa mga mata nya ang pagkadissapoint sa ginawa ko ngayong araw.
"Pano mo naman mapapatunayan samin na pinagbibintangan ka ni Shar" sambit ni Dons.
"Nadinig ko lahat!" napatingin ako sa nagsalita at nakita ang nakangising si faye.
"Direk I'm sorry pero wala akong ginawa" sambit ni kisses at nagwalk out pa.
Sinundan siya ni Direk at si faye naman ay dumiretso sa iba pa naming kasama. Naiwan kaming dalawa ni Dons.
"Shar.. "
"Pati ikaw naniniwala sa kasinungalingan nya?" tanong ko, ineexpect ko na sasagot siya ng hindi pero natahimik lang siya.
"I'm done Donny, kahit mag explain ako alam kong naniwala kana kay Kisses. Hindi na ko mag eexplain sayo kase kahit ikaw na boyfriend ko di ako pinapaniwalaan. Nakalimutan ko, magiging boyfriend nga pala ulit kase nasira mo na ang tiwala ko dati dahil kay kisses" sambit ko at lumakad na paalis.
Naghintay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay, naabutan ko si Kuya Ricci na naglalaro ng psp. Agad kong inagaw sakanya yon at ako na ang naglaro.
Nahalata nya din na may problema ako kaya hinayaan nya lang din ako.
Bwisit. URGHHH! BAT KASI MAS PINAPANIWALAAN NILA ANG BABAENG YON!
-----
a/n: sorry sa matagal na update. super hectic ng sched e (wow artista!)
anyway thank u pa din!
pwede pa kayo magbasa ng seryes ko na di ko pa natatapos sa twitter LOL@jhiabanana.
![](https://img.wattpad.com/cover/164750261-288-k742395.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIlang ulit na pakikipagsapalaran. Kasikatan o ang pagmamahal? Sa buhay walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Pwedeng umikot ang buhay mo sa isang bagay na magpapasaya sayo, pero pwede mo rin siyang talikuran kapalit ng bagay na panandalian Ano b...