Sharlene"donny ikaw na" sambit ni direk at inayos na si donny
Nakaupo lang ako sa tabi at binuksan ang canned juice ko na binili din ni donny kanina
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang nakangiting si kisses na hawak hawak ang isang papel habang nakatitig at nakangiti sa umaacting na si Dons.
"di ako nagpunta dito or nag audition bilang assistant para guluhin ka o awayin ka. nakakatamad na din kase makipagbungguan sayo, alam ko naman na never mo ko mapapantayan tsk" sambit nya
Iniwas ko ang tingin sakanya at nilingon ulit si donny.
"We can be friends na." sambit nya at tinignan na ko
Tumingin naman ako sa nakalahad nyang kamay at hinawakan yon tsaka nagshake hands. Kahit naman masama siya dati, wala akong karapatan na di siya patawarin at di tanggapin ang friendship na inooffer nya.
"Assistant ako kaya makakatulong din ako sa pagpili ng mga damit na susuotin mo, sabihin mo lang tutulungan kita"
"k-kisses"
"why?"
"mahal mo pa si donny?"
“pano kung sinabi kong oo?" natatawa tawa pang sabi nya
Napatingin nalang ako sa mata nya, halata naman na hanggang ngayon mahal nya pa si Donny at di ko mapipigilan yun.
“Maiwan na kita, may gagawin pa pala ko. Goodluck"
Tumayo na siya at naglakad papunta sa room kung saan nandoon ang mga gamit at mga damit na kakailanganin namin.
Knowing Kisses, alam kong never siyang magpapatalo sakin at di nya ganon kadaling bibitawan si Donny.
"Nakakapagod love" salubong ni Dons sakin after nyang matapos ang lines nya.
Sumandal siya sa balikat ko at hinalikan ang pisngi ko.
"Iloveyou"
Napangiti nalang ako at nakita naman si Direk na nakangiti at nakatingin samin
"I never thought na darating sa point na ako mismo ang makakakita ng chemistry nyong dalawa. Super cute nyo." sambit nya kaya lalo akong napangiti.
Tagal kong hinintay yung time na'to, yung kami naman ni Donny. Yung chemistry naman namin ang mapapansin. Kahit madaming barriers sa paligid.
"sige na sharlene magbihis kana at mamaya na yang harutan nyo. " sambit nya kaya tumayo na ko at pumasok sa kwartong pinasukan ni Kisses, sakto namang lumabas siya na di mapakali.
Kahit nagtataka ako ay minabuti ko nalang na pumasok sa loob at isuot ang damit kong gagamitin para ngayon
"ready na sharlene ha!"
"opo direk" sambit ko.
Pero di ako mapalagay dahil unti unting nangangati ang katawan ko.
"sharlene, pwede bang wag ka muna magkamot?"
"direk sorry ang kati talaga, di ko na po kaya" sambit ko
Biglang lumapit si donny sakin at tinignan ang mga pantal na nasa balikat ko.
"shar magbihis kana" sambit nya
Pumasok ako sa kwarto at sinuot na ang damit ko, ang dami na ng pantal sa katawan ko. Ano ba yun. Bat ganon.
———
A/N : SL UPDATEEEEEE.
nagkasakit kase e anw thankyou pa dinn.
BINABASA MO ANG
Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED]
Misteri / ThrillerIlang ulit na pakikipagsapalaran. Kasikatan o ang pagmamahal? Sa buhay walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Pwedeng umikot ang buhay mo sa isang bagay na magpapasaya sayo, pero pwede mo rin siyang talikuran kapalit ng bagay na panandalian Ano b...