sharlene
“grabe yung tao sa film na'to ah!" sambit ni sunny na katabi ko lang ngayonmay pa-premiere pa nga sila eh.
Hindi ko din maintindihan lahat.Pinapasok na ang ibang fans at umupo na din kami sa mga pwesto namin.
Ilang minuto ay megastart na din ang film. Hindi ako excited mapanood ang sarili ko dahil alam kong pangit ng ginawa ko dahil sa konting oras ng pagbuo ng film na'to.Nagsimula na ang film. Boses lang ang nadidinig ko.
"Marry me skl. Bakit ba Marry me skl? actually may meaning kase yan... pero bago 'yan, panoodin nyo muna kung pano nagsimula ang lahat."
kumabog ang dibdib ko at nagstart na ang film.
Lahat ng inacting namin kahapon nainsert agad doon si donny. Hindi ko maintindihan kung pano nangyari na mainsert nila si donny doon kahit na nasa ibang bansa 'ito.
Damang dama ang kilig ng fans na puro "shardon" ang sigaw.
Mula sa scene ng booth, kung paano ako magyabang, magtaray. Kung paano kami naging close, kung pano kami umusad sa ex namin, kung pano kami sirain ni Kirsten, kung pano ko hinarap si Turs. Lahat.
Ngayon ko lang narealize na ang kwentong inacting ko kahapon ay ang kwento kung pano kami nagkakilala ni Donny. Mula sa pagkakaibigan namin nila Sunny, sa pagiging magkapatid namin ni Kuya Ricci. Hindi ko manlang napansin na kwento namin iyon ni Donny.
Patapos na lahat.
Nakakaiyak lang na pati ang last na pangyayari na kung san ay tatalon si Kirsten ay nailabas rin at ginampanan ni Kirsten mismo at ni Donny pero di na isinama ang kiss.“ So bakit nga Marry me, skl ang title ng kwentong ito mr. scriptwriter?" tanong ng isang interviewer.
Nakita ko ang nakaupong si Donny sa sofa at nakatuxedo pa na nakangiti sa camera.
“Wala e. Gusto ko kase pakasalan si Shar"
"Ang daming pwedeng mahalin pero bat nagstay ka sa babaeng nung una palang ayaw na sayo?"
"Kase naisip ko na bat pa ko pipili at hahanap ng iba, e kay sharlene na ko sumaya. si Sharlene yung babaeng.. mahirap paamuhin, pero worth it. Oo mahirap siya mahalin, pero ang saya lang paghirapan ang isang bagay na alam mong magiging worth it sa dulo. i love her, nung una palang. never ko naisip na sumuko sakanya unless bigyan nya ko ng rason para sukuan siya.."
"So pag binigyan ka ng rason ngayon, susuko ka ba?" muling tanong ng interviewer, halos tumulo na ang luha ko, nakita ko din ang ngiti nila kuya, sunny, inigo at miles ngayon na nasa tabi ko.
‘‘ natuto na ko. sabi ko never ko na susukuan si sharlene kahit anong mangyari. ayoko na dumating sa punto na'yun. mahal ko siya at kahit anong mangyari di ko na gagawin yun sakanya" kalmadong sambit ni dons.
"any message for shar?"
"Hi shar. hope that you'll like our film. film natin 'to kase isinulat ko lahat kung pano tayo nagsimula. alam kong naiiyak kana dyan, iyakin ka naman kase talaga kahit pinapakita mo sa iba na malakas ka. shar, hinding hindi ko na sisirain ang tiwala mo. sorry kung masyadong minadali ang film na'to at pinapanood ko na agad sa mga fans natin, ehem 'natin' hehe. So shar.. sabihin mo lang na umuwi ako, promise uuwi ako" patawa tawang sabi pa ni dons.
BINABASA MO ANG
Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED]
Misterio / SuspensoIlang ulit na pakikipagsapalaran. Kasikatan o ang pagmamahal? Sa buhay walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Pwedeng umikot ang buhay mo sa isang bagay na magpapasaya sayo, pero pwede mo rin siyang talikuran kapalit ng bagay na panandalian Ano b...