Donny:"shar please wake up!" bulong ko.
Katabi ko si hannah na nakatingin lang din habang nakapatong ang baba nya sa kamay nya, worried din siya kay shar.
"dapat di natin hinayaan na ibigay ni faye ang food kay ate shar. look at her! inatake siya ng allergy nya, tapos di natin alam kung food poison yun o ano, the heck!"
"hans calm down, magiging okay si shar for sure!"
"this is all faye's fault! nakakainis talaga." galit na sabi nya tsaka lumabas.
Naiwan naman akong nakatitig lang sa maamong mukha ni shar, hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan yun
"iloveyou shar" bulong ko.
Kung alam mo lang kung gano kita kamahal sharlene.
Binitawan ko ang kamay ni shar ng maramdamang nagvibrate ang phone ko, nakita ko ang pangalan ni direk at tsaka binasa ang text.
'bukas taping ulit, and kailangan nyo ng makilala ang personal assistant ko para makapag adjust kayo, aayusin nya lahat'
Tinago ko na ang phone ko at muling nilingon si shar.
----
"D-Dons"
Bigla akong napadilat at nakita ang nakaupong si shar sa harap ko.
"shar, anong ginagawa mo? humiga ka"
"okay lang ako, gusto ko ng umuwi" sambit nya, halata sa boses nya na hindi talaga maganda ang pakiramdam nya.
"shar di pa naman sinasabi ng doctor na pwede ka ng umuwi"
"dons maniwala ka sakin, okay lang ako. taping ulit bukas diba? magpapahinga ako at magtataping bukas"
"shar ang kulit mo, tignan mo nga kalagayan mo. hindi pwede" sambit ko pero napayuko nalang siya.
Tinignan ko siya at nakitang tumutulo na ang luha nya.
"shar.. "
"a-akala ko mamamatay na ko. a-akala ko mauulit yung dati, " bulong nya, agad ko siyang nilapitan at tinabihan tsaka niyakap
"sshhhh"
"si dad napaginipan ko, napaginipan ko nanaman yung time na pinabayaan nya kong mamatay dahil sa shrimp" humihikbi pa din na sambit nya.
"wala na yun shar, okay? tahan na"
"dons ayoko ng maalala yun, natatakot na ulit ako"
"nandito lang ako okay? nandito lang ako babe" sambit ko at pinunasan ang luha nya at hinalikan siya sa noo.
"i.. loveyou"
"iloveyoutoo"
*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+
"Ingatan mo kapatid ko ha! " masungit na bungad sakin ni ricci
napatango nalang ako at hinawakan na si shar.
Magshushooting nanaman kami ngayon,
"ayos kana?" tanong ko
"ayos na"
Ngumiti siya at napatingin sa kalsada, bumuntong hininga ako at kinuha ang kamay nya tsaka hinawakan yun at pinaandar ang kotse ko. Halata sakanya na gulat siya pero di ko binibitiwan yun.
"You're safe with me babe. Di kita papabayaan" bulong ko.
Ilang minuto lang ay dumating na kami sa place at halata sa mga kasama namin na nagkakagulo na sila, mga nagmamadali din
Gulat na gulat sila ng makita kaming dumating doon at lalong nagulat sila dahil sa kamay kong nakahawak sa kamay ni shar
"woah" sambit ng isa naming kasama
Ngumisi lang ako at hinatak na si shar paupo doon, nakita ko si faye na nakatingin lang samin at saka agad na umiwas ng tingin
"Goodmorning excuse me!! Buti kumpleto na kayo, ipapakilala ko na pala sainyo ang assistant ko!" sambit ni direk.Biglang pumasok yung babae at halos mapatulala nalang ako.
Si Kisses.
"Hi guys! I'm Kisses Delavin" pakilala nya, yung iba naming kasama mga nagulat din at parang ngayon lang nakita ang isang Kisses delavin
"I'm nice naman kaya you can share something , your probs and all. let's be friends guys!" nakangiting sambit nya at saka tumitig sakin at sunod naman kay sharlene na nakatingin din sakanya.
"woah, diba ikaw yung loveteam ni donny? i mean dati??"
"yah!. by the way i miss you dons" nakangising sabi nya.
Binitiwan ni sharlene ang kamay ko pero agad ko itong kinuha at hinawakan ng mahigpit tsaka tinignan siya
"Hindi mo pwedeng bitiwan yung kamay ko, naiintindihan mo?"
"bakit?" tanong nya
"wala lang. gusto ko lang" sambit ko kaya nakatanggap ako ng irap galing sakanya
+--------
A/N: hi guys! Sorry sa late update! susubukan kong bumawi hehe puro seryes kase inatupag ko e tsaka may camp kami, thankyouuuu!! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/164750261-288-k742395.jpg)
BINABASA MO ANG
Unseenzoned 2: Begins [COMPLETED]
Misterio / SuspensoIlang ulit na pakikipagsapalaran. Kasikatan o ang pagmamahal? Sa buhay walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Pwedeng umikot ang buhay mo sa isang bagay na magpapasaya sayo, pero pwede mo rin siyang talikuran kapalit ng bagay na panandalian Ano b...