A/N: Use the twitter hashtag #BHOCAMP7TM and #Aiecher para mahanap namin kayo kay pareng tweetah. Mas active pa ko do'n kesa sa magulong mundo ng fb :3
Our accounts: @MsButterflyWP and @BHOCAMPofficial
AIERE'S POV
Nakahalukipkip lang ako at naghihintay sa mga magulang ko na magsalita. For the first time since my mother birthed me, my parents Autumn and Wynd Roqas are both out of words while looking at me...and Archer who's currently can't stop fidgeting beside me. Ang kakambal ko naman ay palipat-lipat ang tingin samin habang naghihintay ng eksplenasyon at unti unti ay namumula na ang mukha niya na para bang malapit ng sumabog dahil wala paring nagsasalita samin.
Ano naman ang ipapaliwanag ko kasi sa kanila? Kahit nga ako hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Archer at basta-basta na lang nanghahalik. Dito pa talaga kung saan napapalibutan ako ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Kaya nga kahit mga tapos na kumain ang ibang mga agent ay pakalat-kalat parin sila sa tabi-tabi para makiusyoso.
Finally losing his patience at us, my brother Fiere turned to our mother, "Mom, can you please just say something?"
Napakurap si Mama at para bang nababalatubalani na lumingon sa kapatid ko. "Bakit ako? Tanungin mo ang papa mo."
Bago pa bumaling si kuya kay papa ay napapitlag ang ama namin nang marinig ang sinabi ni mama na para bang nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Bakit ako. Ikaw na."
Pinaningkitan siya ni mama sa sinabi niya at walang magawa na napapabuntong-hininga na bumaling samin ni Archer si papa. Sinalubong ko lang ang tingin niya at naghintay. Sanay na ako sa mga magulang ko. Kung matino ang sasabihin nila which means pagagalitan ako, okay lang. Pero kapag kalokohan na naman, hindi naman nila ako mapipilit.
"So...kakakasal lang ng kapatid mo." panimula ni papa.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa tinatahak na direksyon ng usapan. "Yes."
"Sukob kayo kaya hindi ka muna pwedeng ikasal sa taong 'to. Next year na lang no? Saka para may time pa tayo para maayos ang kasal at syempre para naman makilala namin ang mga magulang nitong si Archer."
Pumalakpak si mama at tumingin sa kisame na para bang may naiisip. "Tama, tama. Mailalabas ko na ulit ang connections ko para magkaron tayo ng maraming discounts. Magarbo pa naman ang kasal na gusto ng batang 'yan mula pa ng maliit 'yan-"
Tinaas ko ang kamay ko para patigillin si papa sa pagsasalita. Una dahil laglag ang pangang nakatingin na samin ngayon si kuya Fiere na hindi makapaniwala kung paanong kaswal lang na dinidiskusyon ng mga magulang namin ang magiging 'kasal' ko daw, second I felt Archer stiffening beside me as if he suddenly became a statue, and third...this is just plain ridiculous.
"I'm not getting married." I said with finality.
Natigil ang pag-iimagine ni mama sa gagawin na kasal at napatingin siya sa akin. Ngumuso siya na para bang nagtatampo siya na naputol ang pangangarap niya. Sometimes I can't really help but think that I was the wrong sperm cell who reached the egg cell at the same time my brother did. Ang laki kasi ng pagkakaiba ko sa mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #7: The Moonlight
ActionIt was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story pero hindi talaga ata para sa akin ang mga bagay na hinahangad ko. I was ready to close and lock a...