EPILOGUE

67.7K 1.7K 113
                                    


#BHOCAMP7TM #AieCher #HugotNiAiere #BHOCAMP7End #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP7TM #AieCher #HugotNiAiere #BHOCAMP7End #BHOCAMP

AIERE'S POV

Hindi pa ako handang iwanan ang napakaganda na panaginip ko pero wala na akong nagawa nang unti-unti ay hilahin ako pabalik sa realidad nang maramdaman ko ang pagpatong ng kung ano sa ulo ko. Iminulat ko ang mga mata ko at sa pagkagulat ko ay nasa kandungan ako ni Archer.

Ang huling naaalala ko ay nakatulog na ako sa sasakyan mula sa Cavite nang umalis kami sa reception. I was too tired not just because of the exhausting preparation for the wedding but because of all the drinks I consumed that night. Hindi ko na nga mabilang kung nakailan na ako ng mga paborito ko na vodka based drinks. Sinubukan ko pa nga na gisingin ang sarili ko sa pamamagitan ng paliligo dahil bago kami umalis ay tiniis ko ang lamig ng tubig ng Tagaytay na walang heater-heater mahismasmasan lang ako. Iyon nga lang hindi effective. Nagkaroon lang ako ng malay saglit nang makarating kami sa airport. That's only because I slept again while I wait for my husband to check us in. I never thought that airport chairs are comfortable until this day. Paano ba naman kasi bukod sa pagod at dami kong nainom ay madaling-araw na rin naman kasi.

"I don't think I should sleep on your lap. Baka pagalitan tayo ng flight attendant." basag ang boses na sabi ko. Probably because of all the screaming I did while partying at the wedding.

"Nasa airport na tayo, babe. We landed thirty minutes ago."

Bahagya kong iniangat ang nakatakip sa mukha ko na hoodie na hindi ko na kailangan tignan para malaman na iyon ang "special" hoodie namin ni Archer. It's his thing. Sa ilalim niyon ay suot ko ang puting summer dress na binili para sa akin ng kapatid ko for my "going away" dress.

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko at umayos ng pagkakaupo.

That's when I saw the crowd looking at us. May distansiya naman sa pagitan namin at sa kanila pero halatang halata na nasa amin ang atensyon nila. Ilan din sa kanila ay nakaangat ang hawak na cellphone.

I was ready for this kind of situation. I talked about this with my cousin Freezale and she explained everything to me. Kahit sa ilang taon na pagsasama nila ni King at sa loob ng mga taon na iyon ay hindi nila itinago ang relasyon nila sa tao ay hindi ibig sabihin ay hindi sila nakakuha ng atensyon mula sa mga tao kapag lumalabas sila.

Sa sitwasyon namin ni Archer ay nandoon kami sa punto na mainit pa sa mga tao ang tungkol sa amin. Dahil na rin sa mga lumabas sa balita na tungkol sa buhay ni Archer ay mas lalong tumutok ang mga mata ng tao sa kaniya.

"Nagkaproblema lang sa private charter na gagamitin natin but my friend said it will be finished by ten minutes more." Archer whispered right at my ear when he felt my discomfort.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang napakunot ang noo. "Hindi pa dito ang destination natin? Akala ko hanggang Palawan lang?"

"Nope."

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon